34~How they first Met?~

24.9K 435 4
                                    

-Megz POV-

Ang malas ko namang sumakay sa bus. Parang de javu lang. Nangyari na naman kasi ito noon sa akin. Hinold up din ang bus na sinakyan ko noon. May ever first experince in riding a bus. Pero atleast noon kahit malas may mabuting dulot naman at iyon ay ang makilala si Kriztan. 

Pumikit ako at sinandal ang katawan sa puno at nagsimulang magbalik lakbay ang aking diwa kung paano kami nagkakilala ni Kriztan.

-flashback-

 "Bessy, may problema tayo", nag-aalangan na tawag sa akin ni Jeffa sa inaantok kong diwa. Papunta na kami ngayon kung saan gaganapin ang aking photoshoot. Puyat na puyat ako last night dahil sa fashion show at anong oras na iyon natapos. Ang hectic lang ng schedule kaya inaantok ang lola ninyo.

"Hmmmmm. ano bang problema?" tanong ko dito at pilit na imilnulat ang isang mata habang pikit na pikit pa ang isa.

"Nagloloko ang kotse natin bessy. Ang mabuti pa ay magcommute na tayo dahil baka malate pa tayo sa photoshoot mo", sabi nito at dali-dali ng lumabas sa kotse at binaba ang mga gamit.

"What?! Bessy naman eh! Hindi bagay sa akin ang magcommute baka dumugin ako ng mga tao", naaasar na sabi ko dito.

"Ano ka ba naman bessy, ang babaw naman ng problema mo. Madali lang natin iyan masosolusyonan ano. Maglagay ka ng malaking sombrero at sunglasses at boom! Solve na!", maarteng paliwanag nito.

"Ayyystt...Asar naman eh. Iyan kasi hindi mo chinicheck yang sasakyan bago tayo lumakad", badtrip na badtrip kong sabi dito at bumaba narin matapos isuot ang sombrero at salamin.

"Ayyysttt, dami pang sinasabi eh susunod rin naman pala", bubulong bulong pa ito.

Hindi naman nagtagal ay may tumigil na pampasaherong bus sa harap namin. Dali-dali na kaming sumakay. Naunang umupo sa harap si Bessy at dahil badtrip ako sa kanya ay hindi ako naupo sa tabi niya bagkus nagdire-diretso lang ako sa likod. Habang ito naman ay taas kilay lang.

Tamang tama wala pa akong katabi. Sinaksak ko ang earphone ko sa tenga ko at nilagay sa maximum ang volume ng musika saka pinikit ang mga mata tutal matagl tagal din ang lakbay namin.

~Kriztan POV~

Kasalukuyan kong minamanmanan ang isang grupo ng mga holdapers na matagal na naming minamatyagan. May pupuntahan sana ako ng pamansin ko silang parang may hinihintay. Sila ang grupo ng magnanakaw. Iba't ibang klase an pag-atake nila. Mayroon pasukin nila ang mga bahay bahay, mga bangko, sasakyan at marami pang iba. Itinawag ko narin sa mga kasamahan ko na kailangan ko ng back up.

"Kung sinuswerte ka nga naman....", sabi ko at napangisi. Napansin kong nakatingin sila sa paparating na bus saka nagsenyasan.

"Hmmmmm...ang malas naman ng bus na ito. Mukhang ito ata ang gusto nilang biktimahin ah", sabi ko saka mabilis na pinara ito tutal nasa mas may unahan ako. Inayos ko ang salamin sa mata ko at sombrero para hindi nila ako makilala agad baka mabulilyaso pa.

Hindi naman ako nabigo dahil tumigil naman ang bus at agad akong sumakay. Nagtuloy tuloy ako sa likod at umupo sa bakanteng upuan sa tabi ng babae. Hindi ko alam kong tulog ba ito o hindi dahil natatakpan ang mukha nito ang malaking sombrero at salamin.  Hindi ko tuloy makita ang itsura nito.

Well...ano naman ang paki-alam ko sa itsura nito. Ano ngayon kung maganda siya? iiling iling kong sabi sa utak ko. Hindi naman nagtagal ay huminto naman ang bus sa tapat ng mga taong minamanmanan ko. Pumasok silang lahat kaya humarap ako sa babaeng katabi ko at iniakbay ko ang mga braso ko sa kanya. Napansin kong hiwa-hiwalay silang umupo. Sa harap ang dalawa, isa sa gitna at dalawa naman sa likod namin.

She is Daredevil's GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon