42~Cruel Grandma~

24.3K 406 10
                                    

-KINAUMAGAHAN-

“Nakaka-asar feeling buhay reyna talaga. Anong oras na ay natutulog parin”.

“Oo nga. Si Ma’am Janine, maaga siyang nagigising para ipaghanda ng almusal si Sir Kristan tapos siya alas onse na tulog parin.”

“Nasabi mo pa. Ang tamad tamad. Ano naman kung maganda siya at sexy kung hindi naman marunong sa gawaing bahay”.

“Ang tanga naman ni Sir para siya ang piliin. Kung ako siya, mas gusto ko si Ma’am Janine ano ‘’.

Naalimpungatan si Megan dahil sa ingay ng dalawang kasambahay sa loob ng kwarto na tinutuluyan niya. Kunwari ay nagigising na siya at inunat ang mga kamay.

“Mukhang nagigising na ang mag-aagaw…”

“Hayyyyssss…sarap matulog…goodmorning…”,bati niya sa mga ito at binigyan sila ang matamis na ngiti.

Umirap naman sila. Wow ha walang galang…..

“Mabuti naman at gising ka na..Kanina ka pa pinapatawag ni Donya Zenny pero tulog mantika ka”, masungit na pagbibigay impormasyon sa kanya ni Inday.

“Ah ganoon ba..pasensya na ha…sige bababa na ako. Maraming salamat”

“Ang sabihin mo batugan ka talaga”, bulong ng isang katulong na kasama ni Inday.

“Tara na nga Inday..ang sama ng hangin dito”, sabi pa nito.

Napakislot naman ako ng malakas na isara nila ang  pinto at kasabay noon ay ang mga paglandas ng mga luha sa mga mata ko.

“Shit bakit ba ang emo ko lately…Hindi naman ako sensitive eh. Ngayon lang…Mas bitch pa nga si Bessy sa mga iyon eh”, natatawa kong sabi sa sarili ko habang walang humpay na naglandas ang mga luha ko.

Narinig ko ang lahat ng mga masasakit na salita nila kontra sa akin. Pero patutunayan ko sa kanila na karapat-dapat ako para kay Kristan. Dali dali na akong bumangon at may pagmamadali na nag-ayos at bumaba na.

Pagdating ko sa baba ay pulos masasamang tingin ang natanggap ko mula sa mga kasambahay.

“Ahmn nasaan si Lola Zenny..”, lakas loob kong tanong kay Inday.

“Nasa likod, kanina ka pa hinihintay”, masungit na sagot nito.

“Salamat…”, kiming sabi ko dito at lumakad na palayo dito dahil para siyang napapaso sa klase ng tingin na binabato nila sa akin.

“Akala mo naman kung sinong mabait..mang-aagaw naman..”,narinig ko pang pasaring nito pero hindi ko na lamang siya pinansin.

Nang sa wakas ay makarating na ako sa likod at natagpuan ko doon na nakatayo si Lola Zenny.

“Goodmorning Lola Zenny”, bati ko rito at hahagkan ko sana ngunit nilayo nito ang mukha kaya naman napapahiya akong yumuko na lamang.

“Ganyan ba ang klase na babae na makakatuluyan ng aking nag-iisang apo. Anong oras na kung gumising. Kung talagang mahal mo ang apo ko ay patunayan mo na karapatdapat ka para sa kanya”, maasidong sabi ng matanda kay Megan.

“I am sorry Lola..Hindi na po mauulit”, hinging paumanhin nito.

“Talagang hindi na dahil ang ayoko sa lahat ay ang tatamad tamad. Marunong ka ba sa mga gawing bahay? Kasi si Janine ay marunong sa lahat ng bagay. Eh ikaw?”

“Ahgmm…marunong po…”, mahinang sabi na lamang nito ngunit ang totoo ay hindi. Bakit eh meron naman silang katulong sa bahay nila. Sa Condo si Bessy ang palaging gumagawa dahil busy ako sa trabaho.

Pero para hindi sila makahanap ng butas napaoo na lamang siya.

“Good, ngayon patunayan mo iyan. Maraming mga labahin ngayon pero marami kasing ginagawa ang mga kasambahay baka gusto mong tumulong…”

‘’Ehh? Wala nga silang ginagawa sa salas eh. Nagkukwentuhan lang’’...bulong niya

‘’May sinasabi ka ba ?’’

‘’Ahh wala po..sige po at ako na pong maglalaba. Nasaan po ba ang waching machine?”

‘’Iyon nga eh. Nasira ang waching machine”, kunwa’y lumungkot ang mukha ng matanda.

“Hoh?!”

“Paano ba yan…masisira ang cutex ko…”,mahinang sabi nito.

“Ano? Ayaw mo ba?”

“H-Hinidi po…Sige po at ako ng bahala. Yakang yaka yan”, pagmamayabang ko pa.

“Talaga..Thank you iha”, imbes na matuwa ay ngumisi pa ito.

“Nasan po ba ang labahin at ng maumpisahan na?”, kunwa’y excited na sabi ko.

“Iyan lang naman. Kaunti lang”, sabi nto saka itinuro ag mga maruruming lalabhan.

Ngiting ngiti akong lumingon sa itinuro nito ngunit napanganga ako ng makita kong gabundok ang nais nitong ipalaba sa akin.Ang take note manual pa using my oh so soft hands…Wahhhhh!

Napangisi naman ang matanda ng makita ang naging reaksiyon ng dalaga. Tingnan natin kung hanggang saan ang kaya mong pagtitiis hanggang sa ikaw na ang kusang sumuko at umalis.

“Ahmm sige iha..maiwan na kita…enjoy..”, masayang paalam nito.

“Ahmmm si-sige po”, sabi nito at hindi na nag-abalang tingnan pa ang matanda.

Hinang hina na lumapit si Megan sa mga labahin. Hindi pa siya nagsisimula ay para na siyang pagod.

Isa isa niyang tinangnan ang mga ito. Mga kurtina, tuwalya, mga uniforme ng mga katulong at marami pang iba.

Napansin niyang mga bago pa ang mga iba. Wala namang dumi.

Talagang sinusubok nila ako. Well kahit magkasugat sugat pa ang mga kamay ko. Walang akong paki-alam dahil hinding hindi ako susuko sa relasyon namin ni Kristan. Kahit mahirap, kakayanin ko ang lahat ng ipapagawa ninyo…

SA HARDIN

“Hahahaha! Kung nakita niyo lang kung ano ang itsura niya ng makita niya ang gabundok na labahin…matatawa talaga kayo”, pagamamayabang ni Donya Zenny sa mga kasambahay na naroroon sa hardin at sarap na sarap habang nagkukwentuhan at nagmemeryenda.

Pinagday-off niya ang lahat ng mga katulong para umpisahan ang pagpapahirap sa babaeng iyon.

“hahaha..buti nga sakanya….”, sabi naman ni Inday.

‘’Ma’am kung hindi niyo po mamasamain. Mukha namang mabait ang bata. Baka kapag nalaman ito ni Sir Kristan magalit po siya sa inyo.... ‘’, komento naman ni Aling Miring.

Siya ang nag-iisang katulong na nahahabag sa kalagayan ng dalaga. Nakikita niya kung paano lihim na umiiyak ang dalaga at pilit na nagpapakatatag.

“Hindi, isa siyang demonyita dahil mang-aagaw siya”, galit na sabi naman ng Donya.

“Oo, dapat lang sa kanya ang mahirapan”, sabi ng isa pang katulong.

‘’Sana hindi kayo mag-sisi sa mga ginagawa niyo Madam... ako ang nagpalaki kay Kristan. Kilala ko ang likaw ng bituka niyan sa mga taong mahal na mahal niya ‘’, hindi parin nagpapigil ang matandang katulong.

Napalunok naman ang Donya pero agad din namang inalis sa isip ang posibilidad na magalit ang apo sa kanya.

‘’Para sa kanya naman ang ginagawa ko. Gusto kong ipamulat sa kanya na hindi ang babaeng iyon ang nararapat sa kanya’’.

‘’Ano ka ba naman Aling Miring, kontra partido ka pala eh... ‘’, asar na sabi ni Inday dito.

‘’Sinasabi ko lang naman ang opinyon ko’’

‘’Tumigil na kayong dalawa!’’

Pareho naman silang natahimik. Hindi naman nagtagal ay napuno na ang masayang kuwentuhan at tawanan ang hardin habang hirap na hirap sa paglalaba si Megan sa likod ng malaking tahanan.

UPNEXT: FURIOUS KRISTAN!

She is Daredevil's GirlfriendWhere stories live. Discover now