21~Trust Him~

26K 503 0
                                    

-Megan-

 "Siya ata ang pinakamasayang nangyari sa buhay ko TANDA...ang swerte ko don dahil mahal na mahal ako, mabait, gwapong gwapo at hot na hot "she said dreamingly.

Napangisi naman ang matanda pero napatigil ito ng mapansing unti-unti ng nahuhulog ang mga luha ng dalaga mula sa mata nito.

"Hey what's wrong......"

"S-siya na ngalang iyong n-nangyaring masaya sa buhay ko tapos mukha pang mawawala siya sa akin "hindi na napigilan ni Megan ang sarili at hinayaan ilabas ang sama ng loob sa isang estranghero.

"Mula ng magkamuwang ako, pinilit kong kinukuha ang atensiyon ng mga magulang ko. Palagi silang wala sa bahay dahil nagtatrabaho sila. Umaamot ako ng atensiyon at pagmamahal. Hanggang sa sumuko na ako dahil wala ng pag-asa. Umalis ako ng bansa at nagbagong buhay sa awa ng Diyos nakakilala naman ako ng mga totoong kaibigan doon at ang hindi ko pinaka-aasahan ay may makikilala pa akong Kristan Miguel Villareal na nagmahal sa akin ng tapat."

Mataman lang na nakikinig ang matanda sa sinasabi ng dalaga.

"Tapos pauuwiin nalang ako na parang walang nangyari. At ang nakakaloko pa, gagawin nila akong ticket pambayad utang...haha..nakakatawa di ba? Ang malas ko naman.."mapait niyang sabi na natatawa pero patuoy ang pag-agos ng luha.

 "Wala na bang ibang paraan para hindi ka nila ipasakal..."tanong ng matanda kay Megan.

Mapait siyang napangiti. "Gumagawa naman daw ng paraan si Daddy. Mayroon daw siyang nilalakad na project sa Steve Corporation. Malaking tulong daw iyon sa amin kaso mahirap daw kausapin ang makapangyarihang negosyante na iyon."Malungkot niyang sabi at nakatingin nalang sa kawalan.

"Bakit hindi mo sabihin ito sa boyfriend mo. Malay mo, matulungan ka niya."pagkuwa'y sabi pa ng matanda.

Napailing naman siya. Nagtataka namang tumingin ang matanda sa kanya. "Bakit?'

"Ayaw kong madamay pa siya sa problema ko at saka baka pagbabarilin niya lang yung lalaking papakasal sakin ano Hahaha Napakapossessive kaya nong lalaking iyon Haha.."natatawa niyang sabi pero patuloy paring umaagos ang mga luha. Wala na nga talaga siyang kawala sa problemang ito.

"Tch..Don't worry matatapos din itong problemang ito. You have to trust him. You never know what will happen next..."pampalubag loob na sabi ng matanda dito. Tumayo na ito pagkatapos.

"Oh, san ka pupunta? Aalis ka na?" tanong niya dito at agad pinunasan ang luha.

"Oo pero wag kang mag-aalala magkikita pa ulit tayo.."nakangiting paalam nito.

"Ganon? sus kahit wag na. Magpapalibre ka na naman eh."napanguso niyang sabi dito.

"Hahahaha. Why so adorable. You look so cute when you pout no wonder he loves you so much. Till we meet again lady...very soon.."ngumiti ito ng misteryoso at tuluyan ng umalis.

Napangiti naman siya sa kawalan. Spokening dollar kasi ang matanda! Haha! At least mas lumuwag na pakiramdam niya. Effective nga pala talaga na mailabas ang saloobin mo. Thanks TANDA. Dapat 'wag sumuko kaagad. Go Megan! Fighting! Kaya mo yan!

Ring ring ring ring ring ring

Calling Babe

Hala, ngayon na ata ang dating ng nobyo. Naexcite tuloy siya sa kaalamang iyon. She really miss him so bad.

"Hello babe" 

"Babe where are you hmm? Nandito na kami sa Airport. Hindi mo ba kami susunduin? I'm dying to see you. I miss you so much babe"

"Kami? Sino kasama mo babe?"nagtatakang tanong niya dito.

"Ang bestfriend mong alien babe. Sobrang kulit at gustong sumama papunta dito. Miss ka na raw.."sabi nito.

She is Daredevil's GirlfriendWhere stories live. Discover now