43~Furious KRISTAN!~

26.5K 507 3
                                    

This chappy is dedicated to yham02 and ihategrace......

~

Bandang ala-una na ata ng nasa kalagitnaan ng paglalaba si Megan ng makaramdam siya ng gutom.

 Hindi pa siya nag-aalmusal. Wala manlang miryenda at nalipasan na siya ng tanghalian. Hinang hina na siya.

 “Anak, kumain ka muna. Dinalhan kita ng pagkain”, sabi ng isang matandang katulong.

 Biglang nagningning ang kanyang mata at mabilis na lumapit sa matanda at nanginginig pa ang mga kamay. Hindi siya magkandaugaga sa pagbukas ng nasa baunan dahil sa nararamdamang gutom.

 Nang makita niya ang ulam ay na toyo at kamatis ay mas lalo pang lumuwa ang mga mata. Agad niyang nilantakan ang pagkain na parang walang paki-alam sa paligid.

 Natutuwa naman ang matanda sa nakikitang reaksyon ng dalaga. Hindi ito halos makapaniwala na magugustuhan nito ang prinitong toyo dahil nga sa katayuan nito sa buhay. Ang inaasahan niyang reaksyon dito ay mapapanguso dahil hindi naman sanay sa ganitong pagkain ngunit nagkamali ata siya dahil ng makita nito ang pagkain ay halos magningning pa ang mga mata nito.

 Pagkatapos kumain kanina ay sinigurado ng Donya na simot lahat ng pagkain kaya naman nagpasiya siyang umuwi at magluto ng pagkain para sa dalaga dahil alam nitong gutom na gutom na ito. Hindi ito nag-almusal, nagmeryenda at nalipasan na ng pananghalian.

 Napansin kong puro sugat narin ang mga kamay nito. Ang gaan gaan talaga ng pakiramdam niya sa dalaga.

 “Hok hok…..”

 Bahagya naman siyang nataranta ng mabulunan ang dalaga. Paano naman kasi eh diretso lang ang subo nito.

 Dali-dali niyang binigyan ito ng tubig na agad naman nitong tinungga.

 ‘Hayyyy…ang sarap…the best!”, masayang sambit nito matapos makakain. Nagkatinginan naman kami ng mapansin naming pareho na simot na simot ang binaon kong pagkain para dito.

 “Haahahahahaha”, parehas pa kaming natawa.

 “Ang lakas mo namang kumain iha. Sa liit ng katawan mo na iyan. Saan mo nilalagay ang pagkain...’’, kantiyaw ko dito at namula naman siya.

 Hayy ang gandang bata. Kaya hindi na ako magtataka kung bakit siya minahal ng aking alaga.

 ‘’Hihi..gutom na gutom po kasi ako eh ‘’, nahihiya namang nitong sagot.

 ‘’Miring ! ‘’

 Parehas kaming napakislot ng marinig namin ang sigaw ng Donya kaya naman mabilis akong nagligpit at saka nagpa-alam ng umalis.

 ‘’Marami pong salamat sa pagkain ‘’

 ‘’Walang anuman iha..magpakatatag ka’’

 ‘’Opo..huwag niyo po akong intindihin kaya ko po iyan..sisiw ‘’pagbibiro pa nito.

 Natawa naman ako at tarantang umalis na ng marinig ko ulit ang tawag ng Donya.

 Nakita ko mula sa aking silid ang ginawa ni Miring. Noong una, nakaramdam ako ng kaunting konsensya at awa sa babaeng iyon ng makita kong naroroon parin ito at naglalaba.

She is Daredevil's GirlfriendWhere stories live. Discover now