24~The Shocking Truth Begins~

27.2K 505 6
                                    

-Mrs. Sy POV-

"Honey, prepare a grand party for tomorrow night. We have a very important visitor coming."masyaang anunsiyo ng asawa.

Nagtatataka silang lahat at nagtatanong ang kanilang mga mata. Parang naintidihan naman nito iyon at malawak na ngumiti sa kanila.

"Alright guyz, I just received a call from the secretary of William Steve..."masayang balita nito. Maluha luha naman siya sa narinig. Pero napanganga ng sumingit ang anak.

"Eeh? Sinong William Steve Daddy? Kaibigan niyo po ba? Bakit ang sosyal naman niyang kaibigan ninyo at may grand party pa talaga", reklamo nito.

"Seriously bessy? Fafa Kristan pwede ko bang batukan ang girlfriend mo? Hindi kilala si William Steve?" eksaheradang reaction ni Jeff

"Eeh? Bakit bago na ba ang Presidente natin? William Steve na ba?" nagtataka niyang tanong

"Steve? Hindi ba familiar iyon sa iyo?" tanong pa ng kaibigan nito.

"Ahh OO nga pala..yung may-ari ng Steve Beach & Resort...Yung ubod ng yaman na negosyante. Anong meron doon Daddy?"tanong nito sa ama.

Napatampal nalang siya sa kanyang noo. Ewan niya kung saan namana ng anak ang utak. Aba'y ang pagkaka-alam niya grumadwayt ito with flying colors. Anyare?

"Remember anak, yung problema natin tungkol kay Ruiz? May inoofer kasi akong magandang proyekto sa Steve Corporation. Ito ang matagal ko ng pangarap na proyekto, ang magpatayo ng pinakamalaking Mall sa buong Asia at dito mismo sa Pinas ko ipapatayo" mahinahong paliwanag ng kanyang asawa.

"Makapangyarihan at mayaman sila anak. Sila lang ang pwede nating hingan ng malaking investment para sa proyektong ito. Kung papayag sila malaking pera ang papasok sa ating Kompanya at makakabayad na tayo sa utang sa mga Ruiz", sabi niya sa anak.

Napansin niyang hndi manlang nagbigay ng reaksyon ang nobyo ng anak. Bagkus parang walang paki-alam at kain lang ng kain.

"Ikaw ba Kristan. Kilala mo ba ang tinutukoy naming Steve? Baka kasi hindi mo din sila kilala. Sobrang yaman nila ano. Naku kung may binata lang iyang matandang Steve na yan baka ipa-asawa ko doon ang dalaga ko hindi yung kung sinu-sino lang jan", pasaring niya dito.

"Mommy! Hmp! Ano bang sinasabi ninyo jan! Kay Kristan lang ako magpapakasal ano. Wala ng iba! Kahit gaano pa kayaman ang mga Steve na yan hindi ko siya papatulan ano! Ano ako? mukhang pera? Duh! Saksak nila baga nila ang pera nila noh! Di bale nalang may babe naman ako na sobrang bait, mapagmahal, matapang, sweet, gwapo, may abs,hot....."

Sinamaan ko siya ng tingin kaya natahimik ito.

"Ppsssshhhhhhh" napabaling naman siya sa bodyguard ng anak ng marinig ang pagpipigil nito ng tawa.

"May nakakatawa ba?"tanong niya dito

Agad naman itong sumeryoso. Bumaling siya sa nobyo ng anak na kain lang ng kain. Napansin niyang okay naman ang kanyang table manners. Parang sanay na sanay na ito sa paggamit ng mga kitchen utensils na sinadya niyang ilagay ng mas higit sa bilang para sana hiyain ito. Kaso bakit parang alam na alam naman nito kung ano ang gagamitin at ang mga hindi dapat.

"Gusto mo ba Kristan, ipakilala kita sa CEO ng Steeve Corporation? Malay mo naghahanap siya ng bodyguard pwede ka doon. Dagdag kita din iyon", pang-aasar niya dito.

"Nahh, the old man doesn't need me anymore because he has hundreds of bodyguards", sagot naman nito.

Napataas naman ang kilay miya sa sinabi nito."Don't dare call him like that. He is very important person in case you dont know. Show some respect young man",Pangangaral niya dito.

She is Daredevil's GirlfriendWhere stories live. Discover now