53~The Wedding of the Year~

27.4K 509 26
                                    

~

 “Babe gusto ko ng Sagada Orange?! Masarap daw iyon!”

 “Naku po…patay tayo jan….”, iiling iling na sabi ni Mark

 “Ang mabuti pa magready na tayo guyz….”, malungkot namang sabi ni Gab.

 “Hayst…mas gusto ko pang makipagbakbakan nalang kaysa magbyahe ng kung saan saang lugar minu-minuto”, pagod na pagod na sabi ni Brenan. Oo! Sa bawat araw na ginawa ng Diyos ay palagi nalang silang nagtratravel para maghanap ng kahit anong magustuhan ni Miss Megan.Kahit midnight o madaling araw walang patawad!

 “Alam ko na ang susunod diyan.”, sabi naman ni Celvin.

 “You hear that?  You know what to do!”, utos ng Commander nila. Nagkatawanan pa sila ng makita nila ang isa’t isa na ginaya ang mismong sinabi ng boss.. Oo! Sana’y na sila at pati bawat sabihin nito ay saulado na nila.

 “Are you saying something?”

 Nagulat pa sila at biglang tumayo agad ng marinig nila ang boses ni Commander ng malapitan.

 “Ahehehe…aalis na kami boss…”, kumakamot namang sabi ni Brenan.

 “Ahehe…ito na po ang atis na binili namin sa Ilocos”, naiilang namang sabi ni Gab sabay abot ang binili nila. Oo ulit! Kagagaling lang nila ng Ilocos sa lagay na iyan! Halos kauupo lang nila ng bigla na namang magcrave ang fiance ng Commander nila.

 By the way, nakabalik na pala sila ng Manila. Tumutuloy sila ngayon sa mansiyon na kailan lang ay binili ni Kristan para doon na sila tumira ng magiging asawa. Isang buwan na ang nakalilipas mula noon. Tatlong buwan ng buntis si Megan at mejo napapansin narin ang kanyang tiyan.

Busy na ngayon ang dalawa sa paghahanda sa kanilang kasal sa susunod na araw na pala iyon.

 “Sige boss..Aalis na kami…”, paalam ni Celvin.

 “Good…..”

 ~

 The wedding day!

 “Wow bessy! Grabe! Nakakainggit ka! Wedding of the year ba naman ang kasal niyo! Pwede bang ako nalang ikaw…”, sabi ni Jeffa na para bang nangangarap.

 “Ano ka ba bessy! Eh kung ikaw si ako ay malamang hindi na ako papatulan ni Kristan ano!”, nakaingos na sabi ni Megan habang inaayusan siya. Si Jeffa naman ay nagsusupervise lang sa pagsasa-ayos sa kaibigan.

 ‘’Langya ka besy! Para mo namang sinasabi na pangit ako!’’

 ‘’Hindi ako ang nagsabi niyan bessy ha? ..It came mism to your mouth”

 “Kainis ka bessy!’’

 Natatawa nalang ang lahat na nakikinig sa pag-uusap ng dalawang magkaibigan.

 Punong puno ng paghanga ang mga mata nila habang nakatingin sa supermodel na inaayusan. Napakaganda talaga nito. Halos maapanganga pa sila ng maisuot na nito ang wedding gown niya na gawa ni Marchesa. You read it right. Si Marchesa ang famous number 1 na gumagawa ng wedding gown ng mga high profile in the whole world.

 Ring ring ring ring……

 Fafa Kristan Calling…..

 Napakunot naman ang noo ni Jeffa ng makitang tumatawag sa cellphone niya si Fafa Kristan.

 “He-“

 “Fuck! I’ll give you 5 seconds to explain why can’t I reach my wife goddamn phone?!”

She is Daredevil's GirlfriendWhere stories live. Discover now