46~My Little Monster~

34.5K 618 16
                                    

This chappy is dedicated to glezel_10....:)

enjoy reading!..:)

~

Nagkagulo naman ang hospital ng makarating roon sina Kristan.

 “I need a doctor fast!”, natatarantang sigaw ni Kristan sa mga nagkakagulong nurse doon.

 Isinakay si Megan sa stretcher at dali-dali nilang pinasok sa loob ng emergency room.

 ‘Sorry sir pero hanggang dito na lamang po kayo sa labas bawal na po kayo sa loob”, suway ng isang nars kay Kristan.

 “I Don’t care…my girlfriend needs me…get out of my way or else I’ll fucking kill you!”, galit namang sigaw dito ni Kristan. Bigla namang nanginig ang nars sa sinabi dito.

 “Pero-

 “No buts, I’m warning you…”

 “Kristan?!”

 Napalingon ako ng marinig ko ang sigaw ni Nanay Miring na kararating lang kasama si Gab at Brenan.

 “Nanay! Sabihin mo nga sa kanila na kailangan kong pumunta sa loob! I wanna see my girlfriend!” sabi ko dito.

 “Anak relaks kalang. Magiging okay din ang lahat. Hayaan mo silang gawin ang trabaho nila. Maliligtas ang mag-ina mo”, saway sa kanya ni Aling Miring at hinawakan na nito ang balikat at dinala sa malapit na upuan katapat ng emergency room.

 “Makakapatay ako Nanay….papatayin ko kung sino man ang gumawa nito sa girlfriend ko”, galit na galit na sambit nito at kumuyom ang mga kamao.

 Napasinghap naman ang matanda sa narinig mula rito. Hindi nito alam ang isasagot dito sapagkat kilala niya ito. Kung magalit ay wagas at walang sinumang makakapigil maliban na lamang  kay Megan. Sa kanya lamang ito nakikinig. Pero paano pa niya ito pakakalmahin eh nakaratay ito sa hospital.

 “Brenan pumunta ka sa bahay at alamin kong ano ang nangyari. Gusto ko ng pinakamabilis na aksyon. Sisiguraduhin kong magbabayad ng mahal ang mga saralin”, nanlilisik parin ang mga mata ni Kristan na parang sa demonyo. Nakakatakot talaga ang ganitong aura nito…

 “Yes Commander…”, sagot naman ni Brenan at umalis na.

 Binalot ng katahimikan ang lahat habang nag-aalala at hindi mapakakali na naghihintay sa doctor na tumitingin kay Megan.

 Napatayo silang lahat ng sa wakas ay lumabas na ito.

 ‘’Sino ho dito ang kapamilya ng biktima ?’’, tanong nito.

‘’M-me...tell me how is she...She’s fine right?..”, tanong naman ni Kristan.

 Nagulat naman ang doctor ng makilala ito. Sikat ang mga Steeve sa buong lugar dahil halos pag-mamay-ari na nilang lahat kasama na ang hospital. Alam niya rin na napakaimpluwensya nila dahil sa angking kayamanan na nagkalat sa buong mundo.

 Wow ano ang nangyayari dito. Kanina isang sikat na international model ang sinuri tapos ngayon isang importanteng tao naman.

 “M-mr. Steeve..I am very happy to meet you finally-

 “Cut the crap! I wanna know how’s my girlfriend!”, singhal dito ni Kristan kaya naman napapahiyang humingi nalang ng paumanhin ang doctor.

 “I am sorry sir. Anyway napakahina ng resistensya ni Miss Megan. Siguro ay hindi siya nakakain ng tama lately at parang bugbog ang katawan sa sobrang pagod. She is 2 months pregnant kaya naman hindi na kinaya ng kanyang katawan and that causes the bleeding”, pagpapaliwanag nito.

She is Daredevil's GirlfriendWhere stories live. Discover now