59~The Accident 2~

18.7K 386 1
                                    

~

Pagkatapos umalis si Kristan ay nanghihinang napaupo si Megan. Hindi pa ba matatapos ang gulong ito?, ang tanong nito sa isip.

Napatuwid siya ng tayo ng makarinig siya ng kalabog sa labas ng kwarto nila. Biglang kumabog ang dibdib niya dahil doon. Mas lalo pa siyang kinabahan ng umikot ang kanilang seradura ng paulit ulit na parang pilit binubuksan iyon ng kung sino mang nasa labas.

Dali-dali niyang pinuntahan ang kambal na natutulog.

"Babies..wake up..", bulong niya sa mga ito. Napaiyak na siya ng malakas na kalabog na ang naririnig dahil siguro pwersang binubuksan na iyon.

"M-Mommy...why al you claying?', tanong ni baby Abby na pilit binubuksan ang inaantok na mata.

"Shhhhh...Mommy loves you so much babies....Listen.."

Boooggggsssshhh!

Nagulat ag dalawang kambal sa malakas na kagabog na iyon at para namang nauunawaan na nila ang nangyayari kaya naman pumalahaw na rin sila ng iyak.

"Shhhh babies listen to Mommy..Don't forget that I love you very much okay? Let's play..", sabi ko sa mga anak ko. Takot na takot ako para sa amin.

"M-mommy..I am aflaid Mommy..", umiiyak na sabi ni baby Abby.

"Baby Xander...huwag mong pababayaan ang kapatid mo okay?"

"Y-yes M-mommy", naiiyak naring sagot ni Baby Xander at nagyakapan silang magkapatid.

"Let's play hide and seek baby. Alright? Go to the corner at magtago kayo doon. Pag bumukas ang pinto may papasok na monster. You have to run as fast as you can and ask for help. Is that clear babies?"

"Y-yes Mommy..."

"Now go....", sabi niya sa kambal at agad naman silang tumalima. Kaya naman mabilis siyang naghagilap ng pwedeng niyang panlaban sa kung sino man ang nasa labas na magtatakang saktan sila ng kanyang mga anak.

Booogggggsssshhh!

Kasabay ng malakas na paglagabog niyon ay bumukas na ang pinto at tuluyan ng nasira. Iniluwa niyon ang isang bulto ng tao na natatakpan ang mukha kaya hindi niya maaninag kung sino ito. Kumislap ang hawak nitong baril. May baril siya!

"Sino ka?", tanong ko dito.

"I am your worst nightmare....Magpaalam ka na dahil sisiguraduhin kong mamamatay ka ngayong araw na ito", sabi nito saka tuluyang pumasok sa silid namin.

Bakit parang familiar ang tinig nito? Babae siya?

Naglakad naman ako paatras at ng masiguro kong malayo na siya sa pinto ay ubod lakas akong sumigaw.

"Ruuunnnnnn!!!!"

"N-no Mommy....we can't leave you Mommy...", umiiyak na sabi ni baby Abby.

"Ohhhh? So, the babies are here.....Kawawa naman sila matutunghayan nila kung paano mamamatay ang pinakamamahal nilang Mommy", sabi nito saka naglakad papunta sa kambal.

"Huwag mong idamay ang mga anak ko!", sigaw ko dito at mabilis na tumakkbo palapit dito at pilit inaagaw ang baril na hawak nito.

"Oh shit! Bitawan mo ako! Papatayin kita!"

"Abby! Xander! Tumakbo na kayo! Listen to Mommy! And ask some help!"

"M-mommy!!"

"Go!!", sigaw ko sa mga ito habang pilit paring nakikipag-agawan sa baril.

Nakahinga ako ng maluwag ng tumakbo na palayo ang mga anak ko. Habang nag-aagawan sila ng baril ay bumukas ulit ang pinto at pumasok doon ang isang empleyado ng barko na gulat na gulat ng makita kami.

She is Daredevil's GirlfriendWhere stories live. Discover now