18~He is coming..~

24.7K 432 11
                                    

 -Megan-

 "Nagpapatawa ba kayo Mommy? Kasi hindi ka nakakatawa",sarkastikong sabi niya sa kanyang ina.

"Kailan man hindi ako nagbiro Allijah. Totoo ang sinabi ko. Ipapakasal ka sa binata ng mga Smith para sa ikabubuti ng ating kompanya",pormal na sabi nito na parang wala lang dito ang sinabi. Parang sinasabi nito na wala siyang choice.

"I am sorry to disappoint you pero hinding hindi ako magpapakasal sa kahit kaninong lalaki nagugustuhan niyo and besides I have a boyfriend. Kung magpapakasal man ako sa kanya lang.."asik niya dito. 

"At ano ang kayang ibigay sayo ng lalaking pinagmamalaki mo Allijah. Isa lamang siyang hamak na opisyal ng SWAT. Magkano lang ba ang sinasahod niya araw-araw. Paano ka niya bubuhayin!", histerikal nitong saad.

"Wake up Mom! Hindi lang pera ang rason para mamuhay ka ng masaya and so what kung hindi siya kasing yaman natin?  Mahal ko siya Mom at mahal din niya ako! Iyon lang ang importante sa akin. Basta makasama ko lang siya kahit  simple lang ang buhay namin."naiiyak niyang katwiran.

"Sinasabi mo lang iyan dahil wala ka pa sa sitwasyon. Kahit ano pang sabihin mo Allijah magpapakasal ka sa binata ng mga Smith." may pinal sa boses na saad ng ina.

Nasasaktan siya  dahil pinipilit siyang gawin ang bagay na labag sa kalooban.

"Bakit kayo ganyan Mommy. Hanggang kailan niyo ako sasaktan. Pati ba naman pagpili ko ng magiging asawa kukuhanin niyo ang karapatan kong iyon..."tuluyan ng bumagsak ang luhang kanina pa pinipigilan.

Natigilan ang Ginang sa sinabi ng anak.

"Allijah anak para sayo itong desisyon namin Daddy mo. Sana maintindihan mo anak."

"Please Mom don't do this...wag niyo namang hayaang mawala pa ang kaunting pagmamahal na meron ako sa inyo..."paki-usap niya dito.

"Bakit ang hirap mong intindihin Allijah. Mabait na tao ang mga Smith. Magiging masaya ka sa piling niya..makakalimutan mo rin ang lalaking iyon. Tapos na ang pag-uusap nating ito. Pumasok ka na sa kwarto mo dahil mamayang gabi dadating na ang Daddy mo kasama ang mga Smith."

"Kung ipipilit niyo ang gusto niyo. Mas gugustuhin ko pang mamatay."sabi niya dito.

"Allijah! Ano bang sinasabi mong bata ka! Iyan ba ang itinuturo sa iyo ng lalaking iyon!"

"I'm serious Mommy kaya wag niyo akong pipilitin sa gusto niyo",umiiyak niyang sabi dito at patakbong umalis na patungo sa silid.

Agad niyang hinagilap ang cellphone at dinial ang ang numero ni Kristan..

Ring ring ring ring

Hindi naman nagtagal at sinagot nito agad ang tawag

"Babe" sabi nito

".........." hindi siya sumagot bagkus pinapakinggan niya lang ito. Parang unti-unting hinihiwa ang puso niya sa sobrang sakit. Dalawang araw palang niyang hindi ito nakikita pero miss na miss na niya ito.

"Hello Babe? Babe?" ulit nito

"huk.....huk...."hindi na niya napigilan ang impit na pag-iyak.

"Babe? Are you crying? What happened?"agad namang nataranta ang nasa kabilang linya ng marinig ang pag-iyak ng nobya.

"Huk. I'm okay Babe. Namimiss labg kita...huk huk..."sabi niya habang parang gripo na ang mata dahil sa hindi maawat na pagpatak ng luha.

"I miss you too babe. Stop crying now babe. I'm coming there" pag-aalo nito sa nobya

"T-talaga babe?....pag-uwi mo dito babe...sasama ako sa iyo ha? Ayoko na dito."

"Why babe? Did something happened?"tanong nito.

She is Daredevil's GirlfriendWhere stories live. Discover now