33~She was captured~

23K 460 4
                                    

-Megz POV-

Habang nagbyabyahe kami ay tuluyan na akong naidlip dahil antok na antok na ako. Hindi ko alam pero lagi nalang akong inaantok this past few days.

"Hold up to! Walang kikilos ng masama kung hindi pasasabugin namin ang bungo niyo!" sigaw ng isang lalaki kaya't nagulantang ako at agad na nagmulat ng mga mata. Nakita kong nagkakagulo na ang lahat.

"Lola...ano po ang nangyayari?" nahihintakutan kong tanong sa katabi kong matanda.

"Mga NPA sila iha. Kanina ko pa napansin na may balak silang masama ng di sinasadya na makita ko ang armas nila. Bababa na sana ako kanina kaso hinarang nila ako kaya napilitan akong bumalik sa upuan ko", lumuluhang paliwanag niya sa akin.

Nanlaki naman ang mga mata ko sa narinig mula dito. Hindi ako makapagsalita.

"Iyan ang rason kung bakit pilit kitang pinapababa kanina", sabi pa nito at naaawang tumingin sa akin.

"Tahimik!", sigaw ng isa pang lalaki at ipinaputok ang hawak na baril sa taas.

Bang!

"Ahhh!" Lalo namang nahintakotan ang lahat. Napayakap ako kay Lola na katabi ko.

"Ilabas ang lahat ng pera, alahas, cellphone at lahat ng pwedeng pakinabangan! Dali!" sigaw na utos ng lalaking pinakalider nila.

Bale lima silang lahat. Isa ang nakatayo sa tabi ng driver at nakatutok dito ang baril. Isa naman ang nasa likod at isa pang lalaki ang nakahawak naman ng isang bag habang kinukuha ang mga pera at alahas ng mga pasahero. Ang pinakalider ay nasa gitna at nasa unahan pa ang isa.

Napahawak ako sa kuwintas ko. Hindi nila ito pwedeng makuha. Mahalaga ito sa akin dahil bigay ito ni Kriztan. Hinablot ko ang kuwintas at mabilis na itinago sa bulsa ng suot kong short. Di bale ng makuha nila ang lahat ng pera ko huwag lang ang kuwintas na bigay ni Kristan.

"Miss, akin na ang pera't alahas mo", sabi ng lalaki ng makarating ito sa aming puwesto.

Yukong yuko ako at nanginginig na binigay ang pera at alahas ko. Hinawakan nito ang baba ko at pilit na binabaling sa harapan nito.

"huwag po......."pagmamakaawa ko pa.

Ngumisi ito ng makita ang kabuuan ko at malisyosong pinadaan ang mga mata nito sa kabuuan ng katawan ko.

"Parang awa niyo na. Huwag na itong bata. Binigay na namin ang gusto niyo ah", sabi ng matanda at pilit na hinihila ako palayo sa lalaking nakakatakot ang mukha.

"Gardo! Ano bang ginagawa mo! Bilisan mo!" pagalit namang sabi ng lider nila.

"Boss matutuwa ka sa ipapakita ko sa iyo...", may malisyang sabi nito at hinawakan na ang kamay ko patayo.

"Ano ba! Nasasaktan ako! Bitawan mo ako! Lola tulungan mo po ako!", umiiyak na ako sa takot.

"Parang awa niyo na huwag ang bata...", pilit naman akong pinipigilan ng matanda sa isa ko pang kamay.

"Bitawan mo siya!", sabi pa ng lalaking may hawak sa akin at binigyan ng isang malakas na sampal ang matanda.

PAAAAKKKKKK!

"Lola!" sigaw ko dito ng makitang napahiga ang matanda at putok ang labi nito. Umakyat lahat ng dugo ko sa ulo at galit na galit na binalingan ang lalaking tinawag nilang Gardo.

"Hayop ka! Pati ang matanda dinamay mo pa, wala kang awa! Walang kang puso! ", sigaw ko dito at hinampas hampas ang dibdib nito.

"Ano ba! Tama na! Dapat lang sa kanya iyon dahil pakialamera siya!", sigaw nito sa akin kaya lalo akong nagalit.

She is Daredevil's GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon