44~His Queen is hurting...~

29.3K 498 13
                                    

Dahil sobrang kinilig ako sa comment ni miss akotoangmahalmo16....may update ulit...:) This chappy is dedicated to you...:)

~

Napabalikwas naman ng bangon sina Celvin ng marinig ang pagsigaw ng kanilang Commander. Dali-dali silang lumabas at nakita nila ito na sinusuntok suntok ng paulit ulit ang pader. Kitang kita nila ang pagtulo ng dugo nito mula sa kamaong nasugatan ngunit parang wala  itong maki-alam.

 “W-what the hell…..”, Gab.

 “This is bad….Daredevil is mad…..”, Brenan

 “What the hell happened”, nagtataka namang tanong ni Mark.

 Ngunit kahit isa man sa kanila ay walang nagtangkang magtanong.

 “C-ommander….”, tanging salitang nasambit ni Celvin.

 Nang kumalma ay kusa na itong tumigil sa pagsuntok.

 “Tsss..peice of shit”, bale walang sabi nito at nagtungo na sa mini bar at doon tumagay ng alak at  inisang lagok.

 Napapangiwi na lamang sila ng makita ang natamong sugat.

 “Call someone to cure his wound”, baling ni Celvin kay Mark at agad naman itong tumalima.

 Habang lumapit na sina Celvin, Brenan at Gab kay Kristan. Kumuha din sila ng tig-iisang baso at tumagay rin ng alak.

 Sabay-sabay pa silang napangiwi ng malasahan ang lakas ng sipa ang alak.

 “Diyosmiyong bata ka Kristan…Anong ginawa mo…”, bungad sa kanya ng isang matandang katulong na si Aling Miring. Ito kasi ang nagising ng humingi ng tulong si Mark. Sinabi nito ang nangyayari kay Kristan at natataranta na naman nitong kinuha agad ang first aid kit saka dali-daling pinuntahan ang binata.

 “Tsss…this is nothing Nanay…compared to what I feel right now”, balewalang sabi ni Kristan habang nililinisan ni Aling Miring ang sugat sa kamay.

 “Ano ba kasi ang problema mo ha diyaskeng bata ka!”

 Habang ang apat naman ay tahimik lang na nunuod.

 “My queen is hurting Nanay…nakita ko ang kamay niya kanina. What the hell is happening?”, muling dumilim ang mukha ni Kristan matapos umukilkil ulit sa isip ang mga kamay ng nobya na puno ng sugat.

 Natigilan naman ang matandang katulong matapos marinig ang dahilan kung bakit nagkakaganito ang alagang binata.

Sinasabi na nga ba niya……

 “H-hindi ko alam anak…baka naman ay may ginawa lang siya kanina kaya may sugat ang mga kamay niya…”, malikot ang mga mata nito habang sinasabi iyon kaya naman mas lalong sumidhi ang kutob ni Kristan na may ibang nangyayari habang wala siya.

 “Tssss…I know her Nanay…wala iyang kaalam alam sa mga bagay-bagay…”, siguradong sigurado naman sabi ni Kristan dito.

 Hindi na muling nagsalita ang matanda at tinapos na ang paglilinis ng sugat saka ito maingat na binalot ng gasa.

 “Ang mabuti pa ay matulog na kayo. Malalim na ang gabi”, sabi ng matanda.

 “Tsss..opo Nanay”, sabi naman ni Kristan. Kung may isang malapit na tao sa paligid niya ay si Nanay Miring niya iyon. Siya ang katulong ni Mama noon sa pagpapalaki sa akin. Siya na ang naging pangalawang ina ko.

 Habang naglalakad na sila paakyat sa kani-kanilang kwarto.

She is Daredevil's GirlfriendWhere stories live. Discover now