CHAPTER 6

93 15 4
                                    

Asher's

Kanina pa ako hinatid ni matt dito sa condo na tulala. Nag sasalita siya pero di ko naman na maintindihan ang iba pa nyang sinabi dahil naka focus ako sa kalokohan ni gerald. Ano ba talaga plano nito at bakit ako pa ang napili nyang lokohin? Naalala ko nanaman ang mga sinabi ni matt saakin kanina.

"Huwag kang mag pahalata na alam mo lahat." paalala ni matt saakin na ipinagtaka ko.

"Hah? Bakit naman? paano ako makakaganti nyan?" sagot ko kay matt.

"Call me matteo first."

"Hah? anlayo ng matteo sa matthias!" reklamo ko.

"I really love you, parehas kayo ni mom. Matteo ang tawag saakin ni mom, kaya daw matthias ang pangalan ko dahil priest ang daddy ko. Bawal siya mag asawa pero nainlove sya sa mommy ko, pero noong nanganak ang mommy ko iniwan nya kami at mas pinili ang maglingkod sa simbahan. Sabi ni mom matteo talaga ang pangalan ko. " lumungkot ang aura ni matt. Nakikita ko ang pain sa mga mata nya.

" Okay okay matteo, eh paano ako makakaganti?" pinilit kong ilihis ang topic dahil kung ipagpapatuloy ni matteo ang kwento nya, baka mahaplos ko ang mukha nya at mayakap ko siya. Di ko na din alam bakit gustong gusto ko kasama si matteo. Mahalaga sya saakin.

"Hayaan mo siya, ipagpatuloy mo ang trabaho, makakaganti tayo bago simulan ang movie mo." hinawakan nito ang isa kong kamay at pinag siklop nya ang kamay namin. Feeling ko safe ako kasi hawak nya kamay ko.

"Come with me sa California, sa December aalis na ako, sumama ka saakin, gagamit ako ng new name para mapunta  ka saakin ulit. Ipapagawa ko na ang passport mo just give me some details about yourself. Start a new life with me Asher."

Hindi ko na nalaman ang plano nya dahil lagi nyang sinasabi saakin na gusto nya ako at mahal nya ako. Pero tinatanggihan ko dahil gusto ko ayusin ang problema ko kay Gerald bago ko harapin si matteo. Hindi ba masyadong mabilis ang mga pangyayari?Pero 6 months na kaming magkakilala, hindi naman ako mukhang namamangka sa dalawang ilog.

"Ishhhhh fuck you Ra-

"Sino kaaway mo babe?" nagulat naman ako sa biglang pag sulpot ni gerald.

"Ah wala babe nag iisip ako ano kaya pwede maging name ng future baby natin?" nakita kong napalunok ito, papatayin kita gamit konsensya Randolph!

"Hmm babe why so soon? Ang bata pa natin parehas" di ito nakatingin ng deretso sakin.

"Ah basta pag babae anak natin gusto ko JESSY pangalan, kapag lalaki naman RANDOLPH. Ang cute nuh?" lalong naging balisa ang itsura nito habang tumatagal. Nawala ang kulay sa mukha nito at napalitan ng putla.

"Ah babe kumain kana ba? mag luluto ako ano gusto mo?" iniiba nito ang topic, mas naniniwala na ako kay matteo ngayon. Lagot ka saken gerald.

"Ah babe hindi na, kumain na ako, naiinis nga ako sa kwento nung lucas nayun kasi ung kaibigan nya daw niloloko lang ung jowa nya para sa pera, ikakasal na daw un pero nanligaw padin sa ibang babae. Nakakainis diba?buti nalang hindi ka ganoon babe." lalong namutla ito, tignan lang natin kung makatulog ka ng mahimbing ngayong gabi.

"Ah s-syempre." sagot nito saakin, uutal utal pa.

Umakyat na ako sa taas para matulog dahil may lakad kami ni matteo bukas, out of town si ge at mamaya ang flight nya at day off ko bukas kaya malaya ako gumala.

Nagising ako nang wala na si gerald, uminom muna ako ng tubig at kumuha ng cereals dahil tinatamad ako mag luto, pagka sara ko sa pinto ng refrigerator, may nakita akong sticky note.

"I love you babe, always. :)" - ge

Agad kong kinuha ang sticky note at nilamukos

"Tss i love you ur face! kung kaharap kita ngayon baka sinipa ko na balls mo!" galit kong sigaw.

*KRINGGGGG

"hello?" sagot ko di ko tinignan kung sino ang caller.

"Woah woah easy white chocolate" sus si matteo lang pala!

"Anong white chocolate ka dyan!?"

"Amputi mo kasi tas ang sweet mo pa." ang galing din mang uto ng lalaki na ito! Akala ko pa naman sabihin nya kasi masarap ako! charet HAHAHAHA

"Oh eh ke aga aga nambubulabog ka, ano ba kailangan mo Mr.Faulkerson?" narinig ko ang tawa nito sa kabilang linya

"Hey hey young lady, it's faulkerson (fulk-er-son) HAHAHA mukhang hirap hirap kana, you can call me baby in short." pang aasar pa nito saakin

"Whatever faulkerson (pokerson), ano ba need mo ha?!"

"I'll be there in 10 minutes." at na putol na ang linya. Bwiset din ang lalaki na iyon! pamaya maya may naririnig na akong nagdo doorbell.

Pinagbuksan ko naman ito, ang gwapo nito, naka khaki short lang ito at tee shirt na gray at radiator sunglasses. May dala itong white tulips and voila, so perfect.

"Baka gusto mo ako papasukin bago pa pasukan ng langaw yang bunganga mo." agad akong bumalik sa realidad.

"Ang yabang mo! nagandagan ako sa tulips! PASOK!" iniwan ko na ito at bumalik sa kusina. Kailangan ko pa mag luto ngayon kasi andito sya.

"Nag almusal kana ba?" umiling lamang ito.

"Oh eh ano gusto mo?" di pa ito sumasagot may narinig na akong nag doorbell, nag presinta na ito na sya na ang pupunta doon. Pag balik nito may dala na itong heavy breakfast from jollibee.

"Just eat." kumakain kami kasakukuyan nang mag joke ito. Ang awkward naman kasi buti naisipan nya mag joke.

"Knock knock."

"sino yan, okay pasok " sagot ko, agad itong sumimangot. Natawa naman ako sa itsura nito.

"I'm not kidding, knock knock."

"Anong you're not kidding eh kaya ka nga nagknock knock dyan kasi mag jojoke ka! baliw" napanganga lamang ito.

"Okay oo nga nuh?tss antalino mo naman masyado!" agad itong tumayo kaya hinabol ko ito at niyakap patalikod at nakikita kong napangiti na ito.

"Mas gwapo ka kapag naka smile chupapi matteo"

"What's chupapi?"

"Never mind HAHAHA"

"Let's go back to my joke. Knock knock."

"Hus der?"

"Snow flake?"

"Snow flake hu?"

"N-n-n-no, no, no, snow flake I'd rather be, N-n-n-no, no, no, snow flake I'd rather be." at tumawa ito ng malakas.

At ayun na ata ang pinaka worst joke na narinig ko sa buong buhay ko.

LOVELACEWhere stories live. Discover now