CHAPTER 17

56 15 1
                                    

Asher's

Kanina pa ako balisa, hindi mawaglit sa isip ko ang idea na baka may connect si charles kay Matthias. Sinasalubong na ako ng what if's ko.

"Bes, hindi naman siguro, baka parehas lang sila ng nationality kaya mag kahawig sila."

"Bes pero kasi bakit pati surname nila parehas? I know medyo mukha akong baliw pero bes think wisely!"

"Naku uuwi na muna ako, text mo nalang ako kapag bumaba nayang kabaliwan mo." umalis na ito at iniwan ako.

Madami pa akong trabahong gagawin sa loob ng isang buwan. Dahil may usapan kami ni Gerald na babalik ako sa company nila, ayoko makulong! Paano na ang mga gusto kong gawin kay matteo at sa babae nya. Gerald nalang din ang gusto nyang itawag sakanya para mas maikli at mas kilala sya sa gerald. Sa dami banaman ng naloko nya malamang mas kilala sya sa ngalan nyang iyon.

"Madam, you have a visitor, a certain Jessy Viola, she seem wants to talk to you."

"Let her in." ano naman kaya ang ipinunta ng babae na ito dito?

Ano kaya sasabihin nya? Lubayan ko si matteo? Iwan ko para di sya mag mukhang kabet?

"Hi Asher" nakangising bati nito saakin.

"Anong ginagawa mo dito?"

"I just want to inform you na ikakasal na kami ni matthias and ikaw ang maid of honor. See you sa wedding namin. Adios Asher" nag flying kiss pa ito.

"Hindi, HINDI YAN TOTOO!!!!!!!"

May naramdaman akong tumatapik tapik sa pisngi ko. Malambot ang palad nito at tinatawag nito ang pangalan ko, at halata sa boses nito na natataranta sya.

"Ash? Ash?!! What am i going to do? ASHER?! WHAT'S HAPPENING!!!" tawag nito saakin. Nalaman kong nakatulala pala ako at nag i-imagine ng walang kakwenta kwentang bagay.

"J-jessy?"

"Finally bumalik kana sa sense mo, pinakaba mo ako Ash my gosh!" huminga muna itong malalim bago mag salita ulit.

"Ash i know you're back, nagulat pa ako-

"Of course magugulat ka. I no longer expect you to feel nervous. So tell me jessy, ilang months nyo na akong niloloko?" tila naconfused ito sa sinabi ko.

"Niloloko? Ikaw? Niloloko namin?" gulat na gulat ang bruha.

"Oh come on jessy wag na tayo mag gaguhan dito! Kayo na ni matteo right? Andami nang evidence na nalabas labas kayo!" nanlaki lalo ang mga mata nito.

"Akala nyo hindi ko alam? Kahit wala ako sa Pilipinas may mga mata akong naka aligid kay matteo. How dare you? Ano bang kasalanan ko sayo? Una si Randolph, now si matteo tell me who's next?!"

"Kilala mo si Randolph?!"

"Oo, bakit ba painosente kapa? Kaya nga ako umuwi ng Pilipina-

"So nag success ang plano namin ni matt."

"W-what? Plano?"

"Yes, hindi ka kasi mapauwi ni matt sa Pilipinas. Alam din namin na may nasunod saamin at kumukuha ng litrato so kailangan kong umarte na hinahabol ko si matthias. Sinimulan namin doon sa Café, next sa pasimpleng date namin hanggang sa pagiging gentleman kunyari ni matt. Naramdaman ulit namin na may nakasunod so sabi ko kay matt pag buksan nya ako ng pinto ng kotse. I didn't expect na ganitong Asher ang haharap saakin, maganda ka pala talaga kahit nagagalit ka. Hindi kami ni Matthias ash, may gusto kaming gawin ni matt para din sayo at saakin, hindi ko kasi magagawa iyon kung ako lang, kaya nakiusap ako kay matthias na kung pwede ibalik nya ako sa trabaho. Ibinalik naman ako ni matt pero sa isang kundisyon na pabor din saakin." lumilinaw na ang sitwasyon pero hindi padin ako kumbinsido.

"Paano naman ako makakasigurado na totoo yang mga sinasabi mo?"

"At anong mapapala ko sa pagsisinungaling? Ash ang gusto lang namin gawin mo is mag panggap padin na galit ka saamin, nasimulan mo naman na. Ash-

"Call me sarah." pagputol ko sa pagpapaliwanag nya.

"Sarah?"

"Malalaman mo soon."

"Anyway sarah, hindi kami
ang villain dito, it's Randolph. Noong umalis ka at nawala na parang bula, nabaliw si gerald, lagi syang nainom. Wala din sa sarili at lagi na nya akong sinasaktan. And pinilit nya ako na pumasok sa Deep throat GOC nayan. Ako nadaw ang pumalit sayo, noong una akala ko masaya pero di ko masikmura ang ipinapagawa nila saakin. Yes, nagtrabaho ako sa bar noon pero hindi ko keri ang pagpapakita ng kaluluwa sa harap ng mga demonyong yun!" ako naman ang nagulat sa mga rebelasyon nito.

Ginagamit sya ni gerald para sa pera? Bakit naman sya gagamitin ni gerald?!
Maniniwala ba ako sa babaeng ito? Ginagawa ba niya ito para hindi ko sila pag suspetsahan?

"Hindi ba't engaged na kayo?" kumunot ang noo nito.

"Engaged? Saan mo naman nalaman iyon? Live in lang kami ni Randolph, akala ko dati mag popropose sya kasi may nakita akong diamond ring sa loob ng drawer nya sa kwarto. Pero tama yung kaibigan ko. She said "You never know until you have a ring on your finger" malungkot itong ngumiti.

"Yeah your friend is right. You never know until you have a ring on your finger. Don't get too excited. What if you open the box and it's a brooch? Ikaw lang ang masasaktan." paiyak nanaman ito, kaya napatayo ako bigla para akapin ito.

"Ang swerte mo Ash, sobrang swerte mo."

"Paano naman ako naging swerte sa lagay na ito?"

"Hindi mo ba alam na parents mo ang may ari ng De-

"Lovelace enterprises lang ang pag aari ng parents ko, baka mali ka ng inaakala. Mag usap nalang tayo sa ibang araw. Pag iisipan ko ang mga sinabi mo." umalis na ito ng namumugto ang dalawang mata.

Anong company ba ang sinasabi nito? Ang alam ko nag iisa lamang ang company na pag mamay-ari ng parents ko. Pero bago ko isipin ang tungkol doon, hindi ko padin makalimutan ang naging usapan namin ni Vanessa nitong nakaraang araw.

"Ano bang sinasabi mo bes? Nababaliw kana ba? Pati banaman ikaw mag papaloko sa lalaking iyon?!"

"Bes, sana bago mo kamuhian yung tao, pakinggan mo muna yung side nya. Nakausap ko si matt noong nakaraan sa isang restaurant, umiyak sya at lumuhod sa harap ko. Nakikiusap sya na tulungan ko siya na paniwalain ka na wala siyang ginagawang mali kundi intayin ka makauwi sa Pilipinas at pakasalan ka."

"Masyado kang nag papaniwala sa siraulong yon!"

"Asher, he's always been one of your confidant even though he's apart with you since you're in the Canada." napatigil ako sa mga sinasabi nito. Ganito ba ako kamahal ni matteo?

"Ash, mahal na mahal ka ng taong kinamumuhian mo ngayon. Hindi kita pinipilit na kausapin sya, pag isipin mo ang mga sinabi ko bes." dagdag pa nito.

"Bes..

"He's enthusiastically willing to woo you, just to get you back. He's willing to do everything just to gain your trust again. Open your eyes, don't let anger cover the love you have for matthias. Una nako asher, pag isipan mo ash, pag isipan mo."

Ano naman kayang pinakain ni matt sa kaibigan ko para maniwala ito sakanya ng todo todo. Hindi kaya totoo ang sinabi ni vanessa na hindi naman talaga ako galit kay matteo? Pride lang ang humaharang saakin. Ano ba ang mangyayari kung aalisin ko ang galit sa puso ko? Kailangan ko bang maniwala kay jessy para lumabas ang totoo? Sawang sawa na ako sa takbo ng kwento ng buhay namin. Hindi naman teleserye na ipinapalabas sa telebisyon ang buhay namin para maging ganito kakumplikado. Pero alam ko naman na napakalayo ng realidad sa palabas sa telebisyon.

Maniniwala ba ako kay matt? Ano ba ang totoo?

LOVELACEWhere stories live. Discover now