CHAPTER 3

85 13 2
                                    

"Are you sure na titira ka kasama ako sa condo?" ito ang paulit ulit na tanong ni ge saakin pagsakay ko palang sa kotse nya.

Yes, mas pinili kong sumama kay ge dahil mas ramdam ko ang love nya para saakin kaysa sa mga magulang ko. Alam kong safe ako kay gerald. Patawarin ako ni Lord pero i think tama itong ginagawa ko. I really love gerald kahit noong una palang.

"Malapit na ba tayo sa condo mo?"

"Yeah"

Natatakot din ako tumira kasama. si gerald sa iisang bubong dahil baka ano ang mangyari pero i trust him. I really do. Alam kong mahal nya ako at hindi lang katawan ko ang habol nya. Pagdating namin sa condo nya umidlip na di agad ako sa pagod nadin marahil.

"Babe wake up, hindi kapa kumakain simula kaninang tanghali." pagyugyog saakin ni gerald.

"I'm sorry nakatulog na pala ako"

Ngayon ko lang napag masdan ng maigi ang kabuuan ng condo ni ge. Malaki ito at napaka ganda ng pagkaka arrange ng mga gamit lalo na ang mga furnitures na mukhang antique.

"Hey natulala kana dyaan, hindi mo pa ginagalaw pagkain mo."

"Maghahanap ako work bukas, ayoko maging pabigat saiyo." pakiusap ko.

"Babe naman hindi ka naman pabigat saakin"

"Ge, gusto ko makatulong, hayaan mo na ako"

"Okay sumama ka nalang saakin sa Deep Throat GOC, maganda doon, mababait ang mga tao. Doon ka nalang mag trabaho, at kung ayaw mo then hindi kita papayagan mag trabaho sa iba." pinal na sabi nito.

"Okay, anong oras bukas?"

"I'll wake you up nalang."

Buong akala ko tabi kaming matutulog ni ge pero nakahinga ako ng maluwag ng hindi ko naramdaman ang presence nito bago ako matulog. Hindi din ito sumilip. Pag gising ko nang kina umagahan, nauna akong nagising dito alas sais ako nagising at nakita ko ang boyfriend ko na tulog na tulog sa couch sa living room. I really love this man. Sana kami na talaga, yes I'm only 20 years old. Kaka twenty ko lang 2 weeks ago right?. Nag luto nalang ako ng spam at fried rice, naggising ata si gerald dahil nararamdaman kona ang mga yabag nito. At tama nga ako, lumapit ito saakin saka ako hinalikan ng magaan sa labi.

"Ready?"

"Yes"

.
.
.
.
.
.
.

"Good Morning Gerald" bati sakanya ng lalaking tingin ko ay nasa 50's na ang edad pero matikas pa din ang katawan. Naka salamin ito at may pipa na naka suksok sa gilid ng bibig. Maganda din ang kutis nito.

"Hello Mr. Xue and by the way this is Asher Lovelace, my girlfriend." pagpapakilala nito saakin, naalibadbadran ako sa titig nito saakin, para ako nitong hinuhubadan sa klase ng tingin nya.

"Great Job gerald, see you around, and nice to meet you Miss Asher" di ko maunawaan kung bakit pinuri nito si Gerald.

"Nice to see you too Mr.Xue"

Umalis na ito sa harapan namin at nakita kong sumenyas si ge sa mga babae na nasa dressing room. Kinuha ako ng mga ito at saka dinala sa isang silid na parang DR ito ng isang sikat na artista.

"What's your name?" tanong ng isang babae saakin habang binoblower ang buhok ko.

"Hmm I'm ah Asher Lovelace,20."

"Ako si Coleen and this is Margo. Bakit ka nandito? Umalis kana habang maaga, pwede pa mag bago ang isip mo."

"Ha?Bakit naman?Sabi ni Gerald mag mo- modeling lang naman ako dito, extra income nadin." nakita kong bumuntong hininga si coleen.

"Basta girl sinabihan na kita hanggat maaga, walang gentleman dito lahat si-

"Coleen GET OUT!!!!" malakas na sigaw ni gerald mula sa labas.

Lumapit ito saakin pagkasarang pagkasara pa lamang nila coleen ng pinto.

"Anong pinag sasasabi nila sayo hah?" inis na turan nito sakin.

"Sabi nila bakit daw namumutla ako, hindi daw ba ako marunong mag make up?" nagsisinungaling na ako dahil baka masisante pa sa trabaho sila coleen at margo.

"Be ready in 20 minutes, they're waiting for you outside." iniwan na ako nito. Nanibago ako kay ge bigla.

"Girl ano sinabi mo bakit hindi kami pinagalitan?" nag kibit balikat nalamang ako sa tanong ni margo na parang hindi sila makapaniwala sa tinuran ni gerald.

"Teka teka, bakit ganito suot ko? Ansagwa naman ata!" sinong hindi magrereklamo sa suot ko kitang kita ang cleavage ko at ang kalahati ng tig isang dibdib ko! and napaka iksi ng suot ko sa ibaba! papasa na itong panty! pero skirt ito.

"Ayan ang sinas-

"Babe let's go."

"Okay good shot,tingin sa kaliwa, perfect, nako Xandro mukhang siya na ang susunod na bibida sa Deep throat movie." hindi ko sila magets.

Kanina pa tapos ang pictorial pero bakit ayaw ako pagpalitin ni ge ng damit. Nalalagkitan na ako sa mga tingin ng lalaki dito. Panay pa ang hawak ng mga ito sa bewang ko at hita. Nakakakilabot!

Nag paalam akong magc CR ako pero ang totoo nag bihis ako ng mas disente na damit at umuwi na. Bahala na kung magalit saakin si gerald pero hindi ko na makayanan ang hiya. Dire diretso akong naglakad sa fire exit dahil kung sa exit ako lalabas mismo, mapapansin nila ako at papabalikin lamang sa loob. Para na nila akong minamanyak!

"Ouch, naku sorry p- Mr. Faulkerson?" ano ginagawa nya dito?!

"What are you doing here. Hindi ka bagay dito. Sino nag dala saiyo dito?" seryoso itong nakatunghay saakin, nakakakaba sa totoo lang.

"Mauna na ako"

Tinatawag ako nito pero disidido na ako maka alis sa lugar na iyon dahil baka makatunog si ge na wala na ako at maabutan kami, baka isipin pa nya na nakikipag harutan ako sa lalaking iyon.

Kasalukuyan akong nanonood ng pelikula ng marinig ko ang malakas na pagsara sa pinto.

"Ano sa tingin mo ginagawa mo?! Bakit mo ako iniwan doon! nakakahiya kay Mr.Xue!" ito agad ang bungad saakin ni gerald. He's mad as hell.

"Mas inisip mo pa ang nararamdaman nila kaysa sa nararamdaman ko? Gerald naiilang ako! Hindi ako sanay mag suot ng ganoong kaiiksing mga damit! Sana alam mo!" pumasok na ako sa master bedroom at saka inilock ang pintuan. Hindi ko na siya maunawaan, totoo kaya ang sabi sabi na maruming trabaho ang pinasukan ko? Sayang ang ganda ko?

Maling desisyon na naman kaya ang napasok ko sa piling ni Gerald?

LOVELACEOnde histórias criam vida. Descubra agora