CHAPTER 18

50 10 3
                                    

"Ken, check his schedule and if free siya call him na din and tell him to meet me the day after tomorrow. May sasabihin akong importante."

"Copy Ma'am"

"You may go. See you around."

It's payback time Randolph. Napag alaman ko na marami pala itong pinag kakautangan. Hindi din ito nababayaran on date ang kinuha nyang condo. Gusto ko makita ang reaction nya kapag narinig na nya ang mga sasabihin ko.

*Tok *To-

"Come in." nakita kong iniluwa ng pintuan ang secretary ko na humahangos papalapit saakin.

"Madam" hinihingal pa ito.

"Anong nangyari?"

"Madam may nagwawala po sa baba, pinapakalma napo sya ng receptionist. Nanay daw po siya nung namatay nating empleyado." nagulat ako sa sinabi nito.

"May namatay tayong empleyado?" hindi ko na inintay pang bumaba ito, dali dali akong lumabas sa opisina ko, aalamin ko ang nangyayari.

Wala akong kaalam alam na may namatay sa mga empleyado ko! Kung alam ko iyon malamang sa malamang tutulungan ko ang mga naiwan nyang mahal sa buhay. Hindi pa ako nakakalapit sa ginang, nararamdaman ko na ang hinagpis nito. Ang sama ng loob, ang hinanakit na gusto nyang isisi sa kumpanya namin.

"Asaan ang boss nyo?!!! Bakit nya hinayaang mamatay ang anak ko! Ang bata pa ng anak ko!" galit na galit ito. Kaya't napag desisyunan kong lapitan ito.

"Ma'am?" nilingon naman ako nito agad. Matalim ang titig nito saakin.

"Sino ka? Nasaan ang boss mo?!"

"A-ako p-po yung may ari ng company na ito. Baka po madaam pa natin iyan sa magandang usapan. Tutulungan ko po kayo." lumambot ang expression nito at tumakbo papalapit saakin, nagulat ako nang lumuhod ito sa harap ko, kasabay ng bawat salita nya ay ang pag patak ng luha. Itinayo ko ito at niyakap.

"Halika po, doon po tayo sa opisina ko." sumunod naman ito saakin, tahimik kami parehas sa loob ng elevator. At nang makapasok kami sa loob ng office ko, pinaupo ko ito kaagad, inalalayan ko pa dahil sa tantya ko babagsak ito sa kaiiyak, nang hihina din ito.

"Pasensya na po kayo kung napasugod ako dito. Ngayong araw po kasi ang unang burol ng anak ko. Hindi ko po alam kung bakit nauwi sa ganoon ang pagkamatay nya." paunang sabi nito saakin habang nagpapahid ng luha, iniabot ko dito ang paborito kong panyo, wala pang nakakahawak ng panyo kong ito kundi ako lang, siya palang ang kauna unahang nakahawak nito. Nagulat pa ito sa actions ko.

"Naku ma'am hindi ko po ito matatanggap, ang bango po ng panyo mo, plantsado at malinis, baka po madumihan lamang ito saakin."

"But i insist. Use it." sumunod naman ito.

Nag kwento ito saakin at nangako akong tutulungan sila at buong pamilya nya. Hindi issue saakin ang pera, ang gusto ko malaman ay kung papaano namatay ang empleyado ko kung naisugod naman pala ito sa hospital ng may pulso pa? Nakita ang employee ko ilang minuto matapos itong mawalan ng malay sa under construction na parte ng building. Ibinigay saakin ng ginang kanina ang address kung saan nakadestino ang doctor na nag autopsy sa biktima. May mali dito. Nawalan lang ng malay si erika, may pulso pa ito noong natagpuan sya ng tindero sa cante-

"Teka, tindero sa canteen?"

Pupunta muna ako sa canteen para bumili ng makakain, hindi ko naman iuutos yun kasi kaya ko naman. Pero bago pa man ako tuluyang mag sabi ng bibilhin ko, may napansin ako sa loob ng canteen, may mga pulis doon, kaya nag tanong ako sa tinderong nasa harap ko, hindi ito makatingin ng diretso sa mga mata ko at tila ba nangangatog ito nang makita ko. Anong nangyayari?

LOVELACETempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang