CHAPTER 2

116 14 2
                                    

ASHER'S POV

Pumayag ako makipag meet kay gerald bukas. Hindi ko maialis sa isip ko si Mr.Faulkerson,may asawa na kaya sya?

"Mom gagabihin ako ng uwi or maybe umagahin na kasi may project kaming gagawin sa school." palusot ko, kung idadahilan kong makikipag kita ako sa lalaki, baka hindi ako payagan.

"Okay, Be safe." nag beso na ito saakin bago sumakay sa limousine.

Absent si Vanessa ngayon, napag alaman ko na masama daw ang pakiramdam nito kaninang umaga, sabi ng mama nya madaling araw na daw ito umuwi, at paggising nya ng umaga masama na ang pakiramdam at sumusuka. Siguro uminom sila kaya ganoon.

"Hey Lovelace"

"What?Alam mo Trix manahimik ka na, wala akong gusto don sa miggy nyo. Can i go now?" wala akong oras makipag argumento sa babaeng sarado utak.

Sino nga ba si miggy?si miggy salgado lang naman ung lalaking obsessed saakin. Sinabi ko sakanya many times na ayoko sakanya, ayoko sa pandak. Gusto ko mas matangkad saakin.

"Kanina ka pa?" ani ng malambing na boses.

"Oy Ge andyan ka na pala ginulat mo pa ako, kaw talaga" ibang gerald ang kaharap ko ngayon, compare sa gerald na nakilala ko 2 days ago.

"So may nickname na pala ako sayo. Ansarap pakinggan kapag ikaw ang nag sasabi, pero baka kapag iba nag sabi nasapak ko na sila."

"Echusero ka naman, ano ba pag uusapan natin?" iniiba ko ang topic dahil mukhang alam ko na ang kasunod nito.

"Hmmm asher, I'm in love with you. The first time i saw you was a blast. I know iniisip mo masyadong mabilis pero there's no right time for love. Right?" literal na napanganga ako dito, napaka straight forward nya.

"W-wait, are you asking me to be your girlfriend? RIGHT NOW?AT THIS MOMENT? MY BRAIN IS BUFFERING YOU KNOW."

"Am i asking too much?" nakikita ko ang lungkot sa mga mata nito.

"Ah no, of course not, just let me think for a while,excuse me"

Never ako papatol sa stranger, actually i don't even know his age! Kahit background nya wala akong alam! I'm not Vanessa na bumibigay agad. Kung si Mr.Faulkerson ang mag tatanong baka hindi pa siya nakakabuwelo naka YES na agad ako. But kay gerald kasi, parang kapag nag take ako ng risk sakanya, mauuwi sa wala ang buhay ko dahil mukha siyang EASY BOY happy happy lang ang alam. I don't know kung nag aaral ba siya.

"Nakapag isip ka naba? Look asher may lakad pa ako. I don't take No."

"Ah y-yes?"

"Thank you thank you babe, hindi mo alam gaano mo ako pinasaya TODAY!" teka teka did i say YES? My mind says NO!

Umuwi akong tulala at hindi ko alam ano ang gagawin ko. Hindi ko nahalata na malapit na nakalapit na pala ang mommy ko saakin, isang malutong na sampal ang inabot ko.

"What was that?!" gulat kong react

"Akala mo hindi namin malalaman na may boyfriend kana?! Anak hindi kami nag papakapagod sa pagtatrabaho para lang mauwi ka sa walang kwentang lalaki na nagtatrabaho sa Deep Throat! Nasaan na ang asher namin na matalino at mapanuri?!"

"Deep throat? Mom,you don't know him, huwag mo po muna siya ijudge, papapuntahin ko po siya dito para lubos nyo po siyang makilala." mahinahon kong sagot.

"NO! hindi makakatungtong sa pamamahay ko ang lalaking iyon! Do you know kung ano ung deep throat GOC na sinasabi ko?!"

"No"

"Deep throat GOC is a dirty DIRTY COMPANY! Lahat ng ahente nila hindi totoong gentleman! Lahat ng tauhan nila gwapo dahil strategy nila iyon para makakuha ng magagandang babae na isasalang nila sa show!" gigil na gigil ang mother ko habang ipinapaliwanag saakin ang kumpanya na pinatatrabahuhan daw ni gerald. Something is wrong here. Bitter na bitter ang mommy ko bawat banggit nya ng salita.

LOVELACEWhere stories live. Discover now