CHAPTER 20

62 9 0
                                    

D's POV

"So, kamusta ang pakikipag usap mo sa anak ni Roland?"

"Dad, I'm trying na hindi tumingin sa mata nya habang nakikipag usap!"

"You're good at lying pero bakit sa simpleng bagay na utos ko ay pumapalpak ka!!"

"May bagay dad na hindi mo sinabi saakin."

"....." bumuntong hininga lamang ang ama ko.

"Hindi mo sinabi na yung taong papaikutin ko ay yung taong gusto ko simula bata pa kami. Hindi ko manlang siya narecognize! Si RJ nalang utos utusan mo dad. I'm out of this mess."

"David! Kinakausap pa kita, napaka simple ng gagawin mo. Bibilugin mo lang ang utak ng anak ni Roland, yun lang ang way na naiisip ko para maibalik saatin ang bagay na dapat ay saatin!" sigaw nito. Alam ko ang pinag huhugutan nito.

"Dad, successful naman na tayo nila kuya, hawak mo naman sa kamay mo ang Deep Throat GOC, ano paba ang gusto mo?!"

"Hawak? Si Roland padin ang may control ng lahat, sya ang naka front at ako? Nasa likod lang ako parati! Ako ang nag iisip ng ideas! Ako ang nagbigay ng pangalan sa kumpanya! AKO LAHAT DAVE AKO LAHAT!"

"Pero silang mag asawa ang dahilan kung bakit mas nakilala ang Deep Throat GOC. Kung hindi gumanap na Amanda ang asawa ni tito Roland hindi din naman kayo makikilala. Sikat na model si tita Elizabeth kaya hindi kayo nahirapang mag hakot ng taong manonood sa kababuyan na ginagawa nyo." lumipad ang isang kamao nito saakin. Sanay na ako sa mga kabalastugan ng tatay ko, pero ang nais nyang pabilugin ko ang ulo ni sarah para maibalik saamin ang kumpanya, mukhang mahihirapan syang kumbinsihin ako.

Mas kilala ko siya sa pangalan na Sarah dahil noong kindergarten kami hanggang sa nag graduation noong grade 6 ayon ang tawag naming lahat sakanya. Pero noong tumungtong na kaming dalawa ng high school naging Asher na ang pangalan nya. Ayaw na ayaw nyang binabanggit ang first name nya. At alam ko kung bakit. Saksi ako sa kamanyakan ng tito Rod nya. Nakita ko kung paano sya tumakto pabalik sa silid nya, at nasaksihan ko din na hinabol sya ng tito nya at kinakatok ng marahas ang pinto. Ilang saglit pa nakita ko na may kinuha itong susi, iba't ibang klaseng susi ito kaya ilang try ang gagawin nya bago mabuksan ang pintuan. Dahil base sa mukha nya nakakunot ang noo nya, malamang hindi nya tanda ang tamang susi para mabuksan ang pintuan o baka dahil lasing na din ito? Wala akong maisip na ibang paraan kundi bumabang muli.

"Oh, dave nakapag usap naba kayo ni sarah? Bakit hawak mo padin yang notebook nya? Sabi ko naman saiyo hijo bukas mo na iyan iabot at baka tulog na si sarah." mabait ang nanay ni Sarah kaya di na ako nagtataka kung bakit sobrang bait din niya.

"Importante po kasi na maibigay ko sakanya ito. Nandito po lahat ng Activities namin, natatakot po kasi ako umakyat, kung maaari po sana kayo nalamang po ang tumawag sakanya, mag iintay nalang po ako dito." pero ang totoo hindi ako takot, mas gusto ko nga sa madilim, pero gusto ko umakyat ang mommy ni sarah para tigilan sya ng tito nya sa kakakatok. Kahit hindi ko nakita ang buong pangyayari, alam ko ang gustong gawin sakanya ni Tito Rod.

"Earth calling Dave."

"Ah, Matt? Kanina kapa? Pasensya kana bro medyo marami akong iniisip."

"Hindi naman. Kadadating ko lang, please help my girlfriend to find that damn culprit. Sarah really needs your help." pag mamakaawa nito. For some reason hindi ako makagalaw.

"G-girlfriend?" namamanhid na ata ang buong katawan ko.

"Yes, and hindi ako natanggap ng No. Ayan na yung kapalit ng pag tulong ko sayo noong college tayo."

"What?! Tulong noong College?"

"Yeah. I saw you looking at Ms. Garcia's legs and later on she found out, she ask me. But I protect you because we're friends!" kaklase ko ito noong college, ito yung year na hindi ko na nakikita si sarah, balita ko nag aral na ito sa ibang bansa.

"B-but-

"Thanks bro, I'm going. Take care."

Of all people I didn't expect na si Matteo pa ang gugustuhin ni Sarah. Napaka antipatiko nito noon at ayaw ni sarah sa taong antipatiko. Hindi ko napansin na nakayukom na pala ang mga kamao ko at tumutulo na ang luha ko. Antagal kong inintay si Sarah, inubos ko ang ipon ko kakahanap sakanya sa Canada kung saan siya nag aaral that time. Ako ang rason kung bakit hindi natuloy ang muntik na pang gagahasa sakanya noon. Wala pang nagagawa ang lalaking iyon para sakanya at sa ikabubuti ng buhay nya! Bakit hindi ako? Kaya ko siya protektahan sa greediness ni Dad at kuya, kaya ko siya ilayo mula sa pamilya ko at iba pang taong nagkakainteres sakanya! Bakit yung lalaking yun pa? Kahit pagtulong sakanya na mahanap ang kriminal sa loob ng company nya ay inihihingi pa ng tulong sa iba! Kukunin kita mula sa lalaking yon sarah. You are mine, mine alone.

"Hello?"

"Is this Sarah Lovelace?" tanong ko.

"Yes, what can I do for you?" ang lambing talaga ng boses nito kahit sa telepono.

"Matthias ask me to help you."

"Ganoon ba? Naku dave pasensya ka na ah, nakaistorbo pa ako. Mahihirapan kasi akong hanapin ang suspect kung ako lang mag-isa, sala-

"Can I pick you up? Dito na tayo sa office ko mag-usap."

"Ah eh, hindi ba pupwedeng ipagpabukas nalamang iyan dave? It's 11pm na." sorry sarah hindi ako natanggap ng NO bilang sagot.

"I'm sorry but we need to talk about this case. Mahal ang oras ko, busy ako bukas. Kung hindi ka pwede ngayon, humanap ka nalang ng iba-

"Okay pick me up, it-text ko nalang yung address."

Ibinaba ko na ang tawag. This is my chance.

                               •••

PS: EDITED PO ITONG CHAPTER NA ITO.

AN: Medyo nag kamali po ako sa numbering kaya kapag nag notif po ang update ko is Chapter 20 padin po ang labas. I'm sorry po.

Goodnight po and Take Care always readers!!!

LOVELACETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon