CHAPTER 13

85 14 0
                                    

Matteo's

"What?!"

"Sorry sir naka banned po talaga kayo sa canada."

"But why?! Wala akong nilalabag na batas sa bansa na canada! Actually paalis na ang flight ko, then all of a sudden sasabihan nyo ako na naka banned ako?!"

"Pina banned po kayo ni Mr.R just now. asa Canada po si M-

"And who the hell is Mr.R?!"

"s-sir -

"ENOUGH! I'll come back one of these days and will you please fix this mess??" tumango nalang ang babae at umalis akong bigo.

Kailangan ako ni Asher ngayon bakit biglang banned ako!

[Cellphone ringing]

"Yes?"

"See you at Styx Café" at naputol na ang linya, kilala ko kung sino ang tumawag,ano nanaman kayang kailangan nya.

•••••••••••••••

Asher's

"Ash hindi na kita mahal."

"So totoo nga? Kelan pa?"

"Minahal kita totoo yun, dapat hindi siya pumasok sa buhay natin!" sinasabunutam nito ang sarili nya.

"Minahal? So ano, mas mahal mo na siya? Asaan ako sa buhay mo? Ano ako dyaan?"

" Let's stop this,ash sorry... we're over"

"Punyetang palusot naman yan matt!" may iniabot ito saaking brown envelope. Nagulat ako nang makita ko ang laman nito.

"Divorce papers? Makikipag divorce ka?" tumango ito pero naiyak.

"Legal ang divorce here in korea kaya di na ako mahihirapan pa iwan ka."

"Hindi, hindi! HINDIIIIIII"

Napatayo ako bigla, aish buti nalang panaginip lang, jusko hindi ko alam kung anong gagawin ko kung sakaling sabihin ni matteo saakin yun harap harapan, kakanood ko ng Kdrama napunta na kami sa korea! At nakakaloka masyado kasal kami doon, kung eto pangalang nobya nya ako di ko na kakayanin kapag asawa pa kaya!

(Door bell)

"Wait a minute sir." ano nanaman kaya ito ke aga aga. Pag bukas ko ng pintuan may delivery boy na nag aantay sa labas.

"Ah good morning, yes?"

"Are you Asher Lovelace?"

"YES, why?" may iniabot itong brown envelope saakin saka umalis, hindi manlang ibinigay ni kuya ung pangalan ng nagpadala nito.

Clueless tuloy akong umupo sa sofa para bulatlatin ang laman ng envelope.

"Teka.....si matteo ito ah at si..... argh bakit naka blured ung mukha nung babae, pero bakit nakahawak ang kamay nya sa kamao ni matteo? Niloloko ba nila ako?kaya ba hindi ako sinipot ni matteo sa airport? Baka siya ung pinagkaka busyhan ni matteo. Paano ako? Paano pangako nya? Ano toh?" may naka ipit na sticky note sa loob.

"Just call me for more info's +6398....."

Anong just call me for more info? Nagtitinda ba siya?! Pero no choice ako, papatayin na ako ng curiosity ko dito at jealousy!

"Hello?"

"Sino ung babae sa picture?" narinig ko ang pag ngisi nya sa kabilang linya, na lalong ikina init ng ulo ko, sino ba ang gagong toh?!

"Oooh you are faster than I thought, btw I am -

"I'm not asking for your name motherfucker, sino ung babae sa picture?!"

"That girl in the picture? Sasabihin ko saiyo yon syempre, sa isang kundisyon."

"Aba't gago ka pala ei hihingi ka kondisyon eh sino ba nag sabing sendan mo ako ng pics?!"

"Cursing huh? Cute. Btw meet me at Ricci Café at nang mapag usapan."

"Kela-

"NOW!!"

Kanina pa pabalik balik ang lakad ko, masyado na ata akong nahihibang kung sisiputin ko siya sa Café,pero kasi pinapatay na ako ng curiosity ko! Ano ba talaga ang totoo?! Bakit kinakausap ni matteo ang babae na yon! Bakit hindi pa siya nagt-text maski tawag wala! Iintayin ko nalang siya ang mag sabi saakin, hindi naman siya basta basta nakikipag usap sa babae kung hindi ito importante. Tama, oo, iintayin ko nalang na siya ang mag sabi.

(The door opened)

"Sino ung babae sa picture?" sabi ko hindi ako pupunta pero hindi ako basta uupo nalang sa isang tabi at babaliwin ang sarili ko kakaisip kung sino ang babaeng naka hawak sa mga kamay ni matteo! Hindi ko maaninag ang mukha ng lalaki dahil naka yuko ito at naka sumbrero,pero maya maya lang nag angat na ito ng tingin. Nanlaki ang mga mata ko ng mapag tanto ko kung sino ang lalaking sumasabutahe sa pag mamahalan namin ni matteo. Ang lalaking ayoko nang makita pa, lalaking ibinaon ko na sa limot.

"I'm very glad you came, have a seat.....babe."

LOVELACEWhere stories live. Discover now