CHAPTER 8

74 16 6
                                    

A/N: Ung mga susunod po na chapters is magfo-focus sa side ni Asher.

Asher's

"What are you looking at? do you like me?I'm sorry I-

"Shut up! I'm staring at you 'cause i want to ask if you're a filipino!" mataray na sagot ko sa lalaking nasa harap ko, sa Toronto, Canada ako napunta, wala akong alam dito dahil sa ibang parte ako ng canada pumunta noon.

"Sort of" maiksing sagot nito, napataas ang kilay ko, sa nakikita kong pilantik ng mga daliri nito, parang alam ko na kung ano ang kasarian nya.

"What do you mean sort of?"

"I am Half Filipino Half Canadian"

"So it means you are a citizen here?"

"Yes, what do you want btw?"

"I know nagegets mo ako, may alam kabang matutuluyan dito? mag aaral ako ng medicine here in canada"

"I see, follow me." kasalukuyan kaming nag lalakad nang humarap ito ng biglaan at maarteng nag salita.

"BTW who are you?"

"Asher Lovelace, 20."

"Sid Thomas Collins, 22."

"Do you have a lingerie?" tanong nito saakin na ikinataka ko, nakita kong nag aantay ito ng isasagot ko.

"Yes." maarte itong umabrisiete sa braso ko. At kumembot ng palong palo, grabe lang.

Pumasok kami sa isang 2 storey house, american style ito pati ang mga furnitures sa loob. White house ito na may kaunting apple green na halo. Pang mayaman ito pero in a simple way. Itinuro nito saakin ang kwarto ko, mabait si Sid at mukhang comfortable na saakin. Maganda ang kwarto, single bed lang ito at may sariling banyo. Narerelax din ako dahil ang tanawin sa bintana ay dagat, kahit di ko buksan ang air-conditioned basta naka bukas ang bintana makakatulog ako.

"Tititigan mo nalang ba ang dagat? may naalala ka nuh?" pang aasar nito saakin, thankful ako at mabait ang taong napag tanungan ko.

"Ang bait mo nuh?" ngumiti ako dito.

"I know you."

"Huh?"

"Kaklase kita dati sa second subject. Gusto kita kaibiganin kaso ang snobber mo." he sadly smiled.

"I'm sorry, i just thought vanessa is the only one who loves me."

"It's okay at least mag kaibigan na tayo ngayon, wag ka mahihiya mag sabi, from now on we're sisters and you need to tell me some of your experience sa Philippines okay?" tumango nalang ako at yumakap sakanya, feeling close na kung feeling close, feeling ko i need to hug him. His eyes speaks sadness.

Nagluto ito ng pasta at saka inaya ako kumain. Pagkatapos namin kumain nag volunteer na ako sa pag huhugas ng Plato at siya naman ang mag pupunas ng lamesa.

"Okay, mag kwento ka, kanina pa ako curious dyan sa Matthias Fulkerson nayan." seryoso itong naka tunghay saakin, kung lalaki ito di malayong magka gusto ako dito, mabait, masipag, madiskarte at higit sa lahat gwapo. Blue ang kulay ng mata nito at ang sarap siguro itrace ang jawline nya gamit ang daliri,may mapupula at maninipis siyang labi, matangos ang ilong nya at nangungusap ang mga mata. Teka teka, bakit habang tinititigan ko si Sid nagfo-form ang mukha nya bilang...

"Matteo?"

"What, who's matteo?Is he your affair? Oh my ghad!" histerikal na reaksyon ng lalaking asa harap ko.

"Of course not! Iisang tao lang si matthias at matteo, dapat matteo ang pangalan nya."

"So bakit naging Matthias?" naka kunot ang noo nito marahil di nya ako gets.

"Priest ang father nya from America, para sakanila malaking pagkakamali ang makadisgrasya ka ng babae lalo at pari sya. Pagkapanganak ng mother nya iniwan din sila ng father nya at ipinagpatuloy ang pagiging priest. Bago ito umalis nag sign up ito sa birth certificate nya kaya legally Matthias Fulkerson siya base na din sa inilagay ng father nya, pero kung mother nya ang nasunod malamang matteo ang naisulat doon." mahabang linyahan ko at mukhang naintindihan naman nya ako.

Alas dose na nang madaling araw at doon palang kami nag pasyang matulog, naikwento ko na kay Sid ang buhay ko simula sa pag uwi namin sa Pilipinas hanggang sa pag balik ko sa Canada. Wala akong kinaligtaan, galit ito kay Gerald or Randolph in real life. Pero natuwa ito kay matteo na ikinataka ko, sabi nya mahal daw ako ni matteo, alam nya daw ang pakiramdam ng mainlove sa babae, dahil hindi naman daw sya inborn na bakla. May nagustuhan syang babae noon, si Vane first love nya daw ito pero ipinamukha ni Vane sakanya na kahit kailan hindi sya nito magugustuhan at lumayo ito sakanya na akala mo may malala syang sakit. May nakadorm daw sya na lalaki, si Ivan at doon sila nag karoon ng bromance. Namangha ako dito, kahit bakla sya nananatili syang malinis at maalaga sa katawan at higit sa lahat hindi sya mukhang bastusin.

"Sissy wake up, someone's looking for you. Come on get up." alas siete palang ng umaga pero itong si sid ang kulit kulit na.

"Hmmmm later." tamad kong sagot, iniwan na ako nito at sinabing mag luluto nalang daw siya ng almusal namin at sasamahan ako mag hanap ng part time job habang nag aaral.

Ilang minuto ang nakalipas kusang pumikit ulit ang mga mata ko, dahilan upang di ko maramdamang may pumasok na pala sa kwarto at tumabi saakin sa kama. Pamilyar ang amoy ng pabango nito saakin!
Niyakap ako nito ng mahigpit at ibinaon nya ang mukha nya sa batok ko. Parang alam ko na kung sino ito.

"Wake up baby." bulong nito sa batok ko na bumuhay sa katawang lupa ko.

"MATTEO?" mabilis akong umupo sa kama sa bumalikwas.

He's here! HE.IS.REALLY.HERE! what will I do?!?!

LOVELACEWhere stories live. Discover now