CHAPTER 12

75 13 1
                                    

Asher's

"Sarah." banggit nito sa unang pangalan ko.

"....."

"Sara-

"Anong ginagawa mo dito?"

"Hinahanap ka na nang mga magulang mo, kai-

"Ang kapal ng mukha mong magpakita saakin after 7 years?! hindi ka paba satisfied na pinatay mo na ako sa kaloob looban ko?! hindi man yon natuloy pwes para saakin binaboy mo ako!! hindi ka kapatid ng daddy ko! halimaw ka!" hindi ko na mapigilan ang mga luhang kanina ko pa pinipigil pagkakita ko pa lamang sakanya, bumabalik lahat ng sakit na idinulot nya saakin noong bata pa ako.

"Hindi ko naman sinasadya iyon sarah, lasing ako!"

"Ang tigas ng mukhang mong pagtaasan ako ng boses. Lasing? lasing ka?. Uminom kaya ako at putulin ko yang kaligayahan mo at sabihin ko sa mga pulis lasing lang ako kaya ko nagawa yung bagay nayon?! ANONG TINGIN MO?!!!"

"Hija, sarah makinig ka naman kay tito."

"At sino ka para pakinggan ko?!"

"Sarah-

"Asher, asher ang pangalan ko, matagal mo nang pinatay si sarah nang dahil dyaan sa libido mo! pwede bang umalis ka nalang? wala akong plano sumama kay satanas, mahal ko ang buhay ko!" hinablot ko ang collar nito at isinandal sya sa pinto.

"Isa pang puntahan mo ako dito hindi ako magdadalawang isip umuwi sa Pilipinas para buksan ang kaso ko na ibinasura ng kaibigan mong senador!" binuksan ko ang pinto at itinulak sya papalabas, sa nararamdaman kong galit ngayon, hindi malabong mapatay ko ang taong nasa harap ko!

"Bigyan mo ako ng chance hija para maitama ang pagkakamali ko." mukha siyang maamong tupa.

"Matagal ko nang iniintay yang sorry mo, pero anong ginawa mo? pinag takpan mo ang kababuyang ginawa mo! kahit lumuhod ka sa bubog hinding hindi kita mapapatawad, maliban nalang kung mamatay ka!" padabog kong isinara ang main door.

Doon lamang ako naka hinga ng maluwag. He is Rod Santiago, 35 years old. Kapatid sya ni dad, 13 years old ako noong umuwi ako sa bahay galing sa eskwela, naabutan kong nag iinuman ang tatay ko kasama si Rod at mga katrabaho nya, victory party daw ito sabi ni mommy kaya ganoon sila kasaya, hindi ko sila pinansin dahil simula bata ako masama na ang loob ko sa daddy ko, si lola carmen ang kaclose ko bukod kay mommy. Walang ibang concern ang daddy ko kundi ang trabaho nya, mas madalas kong kasama si mommy at si tito rod sa family events sa school. Hindi naman lingid sa kaalaman ko na nagkaroon ng relasyon ang mommy ko at si rod. Pero itinigil nila ito hanggat maaga pa dahil mas mahal ni mommy ang daddy ko. Pero hindi ko inaakalang sa isang iglap ang lalaking itinuturing kong sarili kong tatay ay bababuyin ako.

Alas dos ng madaling araw nang makaramdam ako ng gutom, gigisingin ko sana si manang ising para ipagluto ako kahit hotdog lang. Pero nang malapit ko nang mahawakan ang seradura ng pinto, may lalaking humablot saakin at ipinasok ako sa isa sa mga guest room ng mansion. Nang dahil sa madilim ang silid, hindi ko namukhaan ang lalaking bumababoy saakin, noong una naisip ko na baka isa sa mga katrabaho ni daddy, pero nang magsalita ito napaiyak ako, napaiyak ako hindi lang dahil sa binababoy ako, kundi dahil sa kilala ko ang lalaking nasa ibabaw ko.

"Sarah, pagbigyan mo na si tito." bulong nito saakin, nandidiri ako sakanya! Imbis na umiyak lang ako gumawa ako ng aksyon, tinuhod ko ang kanyang ari at nang mamilipit ito sa sakit agad akong tumayo at umalis sa silid, dire diretso ako sa kwarto ko sabay lock. Alam kong susundan nya ako at hindi nga ako nagkamali, pamaya maya lang ay narinig kong kinakalabog nito ang pintuan ng silid ko.

"Sarah buksan mo itong pinto!"

Hindi ko ito binuksan, kinuha ko ang recorder ko at idinikit sa pintuan.

"Sarah buksan mo ito! pagbigyan mo na si tito! Isusumbong kita sa daddy mo at alam kong ipapadala ka nya sa canada, sa eskwelahan ng mga babae!. Isa sarah!"

Umiyak lang ako ng umiyak hanggang sa maramdaman ko ang antok at tuluyan na akong natulog, nawala na din ang kalabog sa pinto, marahil napagod na iyon, itapat nalang nya ang sarili nya sa dutsa sa banyo at baka mawala pa ang libog nya!

LOVELACEWhere stories live. Discover now