CHAPTER 22

76 9 3
                                    

"Matt pahinga na kaya muna tayo? Pagod na ako."

"But love, kakasimula palang natin? Marami pa akong energy!" taas baba pa ang kilay nito. Ghad he's so playful today!

Napag pasyahan namin ni Matteo na huwag na muna ipaalam sa magulang ko na may nakita akong hidden cameras sa mga paintings at sa iba pang furniture sa silid ko. May nakahanda kaming plano para doon, sana this time mapaamin ko na ang parents ko. Andaming ideas at thoughts sa utak ko! Pero kahit isa wala akong maisip na solution. Dahil sa mga nangyayari narealize ko bigla na wala akong kakampi sa pamilya ko, except matthias. He's my family and I can't bear the pain kung iiwan nya ako. Siya ang lakas ko ngayon, siya ang dahilan kung bakit gusto ko pang lumaban sa buhay ko kahit ang gulo gulo na ng mga nangyayari simula nung umuwi ako sa Pilipinas.

"Chips?" alok ko dito.

"Thank you, love napaka hilig mo naman masyado sa kidney-killer foods. I should throw them away when you're not around."

"Psh dapat hindi mo sinabi, parang gusto ko na sila itago at ingatan sila mula sayo." biro ko pa, sumimangot itong bigla. Ang cute cute lang ng lalaking ito napaka atetyud.

"Ouch lovey!" bigla ko banaman pinisil ang pisngi nito. Kung wala lang kami sa opisina ko baka kinagat ko na ang mga ito. Nakonsensya naman ako bigla nang makita kong namumula ito habang hinihimas nya.

"Awww sorry love, bawi nalang ako mamaya."

"Bawi?" kumikislap pa ang mga mata nito. Ibang bawi ata ang nasa isip.

"Aha, and this time ung gusto mo naman ang tatanungin ko. Ano bang gusto mo love na gawin ko? Kahit gusto kong bumawi tingin ko mas masarap kasi kapag ikaw ang gagawa." pinapalakad ko pa ang mga daliri ko sa braso nya. Sumipol pa ito.

"Mmmmm how about sa condo ko na natin yan pag usapan? Mas comfortable."

"May ingredients ka naba ng pochero sa condo mo?"

"Pochero?" kanina ko pa pinipigilan ang hagikgik ko.

"Yeah, gusto kong ipagluto ka ng pagkain, lagi nalang kasing ikaw ang gumagawa nun para saakin. Gusto ko lang naman pagsilbihan ka today pambawi." napangiti ito.

"Uy kinikilig ka nuh? So gwapo" lalo naman itong namula.

"I'm not." hinihimas pa nito ang batok nya, kinikilig nga.

"Aysus kinikilig ka nga hahahaha"

" Marunong ka mag luto?" Change topic si mister.

"Uy nililihis, pero oo naman marunong ako mag luto,  kasi noong nakitira ako kila sid maaga siyang pumapasok sa trabaho, so kapag gumigising ako para pumasok sa school ako nalang mag isa, pinag aralan ko talaga love paano mag luto lalo na ang pag b-bake!"

"I'm so lucky to have you, maganda na magaling pa mag bake at mag luto. Hays sarah, sarah, sarah, ano pa ba ang hindi mo kaya gawin?" niyakap ako nito ng mahigpit.

"Over naman sa lucky."

"Pero love, bakit pochero ang naisipan mong iluto?"

"Naisipan ko na baka gusto mo kumain ng pochero kasi noong nagluto si vanessa ng pochero  naparami ang kain mo."

"Let's go?"

"Saan?"

"Sa condo, ipagluto mo na ako misis,gutom na gutom na ako sa research na ginagawa natin sa david na yun." alam ko na kung para saan ang paglukot ng mukha nya, nagseselos ito kay dave. Hinawakan ko nalang ang kamay nito at sinabing sa vacation house ko sa tagaytay nalang kami mag stay doon ko na din siya ipagluluto dahil mas mahangin doon at maganda ang tanawin. Mar-relax ang kahit sinong tao na mag s-stay doon.

"how did you find this place? This place is so beautiful."

"Noong nakagraduate kasi ako ng high school, ibinigay na saakin ni mommy ang ATM ko, funds ko ang lahat ng perang andoon, ipon ko mula sa allowances na bigay nila saakin. Ipinambili ko nalang ng bahay imbis na ubusin sa walang kwentang bagay. At first nakakalungkot kasi ako lang mag isa, pero kung iisipin ko ng iisipin na ako lang mag isa, lalo akong malulungkot at hindi ko mae-enjoy ang kagandahan ng tanawin." nakangiti ako habang nakatingin ng lagpasan sa bintana. Kung saan makikita mo ang mga punong sumasayaw kasabay ng hangin, ang musika na nagmumula sa dagat at ang  kalangitan na hindi nakakasawang titigan.

"You know what love, I'm so proud of you. Look how strong you are, kahit puro problema ang natatanggap mo ang ganda padin ng ngiti mo-

"Ano yun?" habang nakikinig ako sa sinasabi ni matteo, may napansin akong envelope letter sa tapat ng gate nitong vacation house ko. Hindi na ako pinababa ni matteo at siya na daw ang kukuha. Bihira akong makatanggap ng sulat, baka mula kay sid it. Pero hindi kasi alam ni Sid na may vacation house ako.

"Love what's this?" si Matteo na din ang nag bukas nito, may laman itong piece of puzzle at maliit na papel kung saan andoon ang letter, may naka lagay na "Enjoy".

"Huwag na natin pansinin, baka na wrong address lang, paki patong nalang sa tukador. I'll cook na." habang nagluluto ako may dalawang brasong umakap saakin, Matteo's giving me a back hug.

"Hi baby I'm your daddy."

"Gagi, sira ka talaga wala pang laman yan!" Bigla banaman nitong pinisil ang tummy ko.

"Ayy!! Matteo kasi intayin mo nalang ako doon nanggugulo kapa."

"Ayan lang ba pang bawi mo? Are you sure? Ayaw mo ng.....

"Matteo kung ano man yang iniisip mo gawin mo mag isa, mag cold shower kanalang!" at ang lalaki nang aasar pa. He's biting his lips and it's distracting you know. Hindi ko alam na luto na pala ang niluluto ko, muntik na masunog dahil sa kalandian ng jowa ko.

"Cold shower? Gusto ko lang naman isuggest na after lunch mag lakad lakad tayo sa buhangin dyaan sa labas, ikaw love ah kung ano ano iniisip mo, pero kung gusto mo gawin yang nasa isip mo, pwede din naman."  lerd help ang sarap ng lalaking ito para tanggihan pwede naman unahin muna nam- hay sarah ang harot harot mo.

"Kumain nalang kasi."

"Ang cute mo mag blush love."

"Matteo isa-

"Will You Marry Me?"

LOVELACETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon