CHAPTER 23

69 9 2
                                    

Asher's

"Ang init pala dito, kain na tayo matt baka lumamig yung pagkain." iwas ko sa tanong nito.

"Ah o-oo nga, come on." alam ko naman nasaktan ito sa pareject portion ko, pero kasi saka na kami dumako sa ganoong bagay kapag maayos na ang lahat.

Hindi ko alam pero hindi ko makita sa mga mata ni matteo ang future ko. Pero nakikita ko sa mga mata nya na mahal nya ako at sincere sya. Baka sadyang nababaliw lang ako dahil sa mga nangyayari saamin.

"Paano mo nakilala si David?" biglang tanong nito saakin, this time he's serious.

"Childhood friend ko si David, kaklase ko din sya noon pero nahiwalay ako sakanya ng mapag pasyahan ni lola carmen na mag aral ako sa Canada. May napili na kaming university noon, hindi ko alam bakit biglang nag bago ang isip ni lola carmen. Noong una hindi naman siya tumutol." totoo naman, halos hindi kami mapaghiwalay ni David noon kaya bigla akong nagtaka ng sinabi ni lola na layuan ko si Dave at mag aral na lamang  ako sa Canada, mas maganda opportunity pa ang makikita ko doon.

"Hindi ba naikwento sa'yo ng lola mo ung dahilan bago manlang niya lisanin ang mundo?" tuloy tuloy padin ito sa pag nguya sa pagkain.

"Masarap ba ang pagkain? Nakaka tatlong sandok kana ng kanin matt. Takaw mo! Mawawala na ang 6 packs abs mo nyan" pang aasar ko

"Paano mo nalaman na may 6 packs abs ako? Sinisilipan mo ako nuh? Ikaw ah."

"Ay sorry matt, sorry." naibuga ko ang tubig sa mukha nya, eh sa nagulat ako! Nakita ko lang naman ung abs nya noong nag gym kami

"Assuming ka naman masyado. Mauna na ako, liligo lang ako sa taas. At-

"What?"

"Kukunin ko ang spare key, yang mga tingin mo matteo hindi ko kaya pagkatiwalaan yan."

Natawa na lamang ako sa pag kunot ng noo nito. Masaya ako kapag kasama ko si matteo, buo ako kapag siya ang kasama ko at pakiramdam ko ligtas ako sa ng bisig nya. May hangganan naman ang lahat at alam ko magiging masaya din kami ni matteo.

"Matt ikaw na maligo doon." tawag ko kay matteo habang nagtutuyo ako ng buhok.

"Tapos na ako maligo."

"Saan ka naligo? Isa lang naman Cr ng bahay ko."

"Outside." taas babang kilay na sabi nito. Niyaya ako ni matt sa veranda ng bahay, mahangin doon at mas matatanaw mo ang kagandahan ng dagat. Nagulat ako ng ikandong nya ako.

"Matteo ay! Malawak naman yung space dito kailangan bakit kinandong mo pa ako!" pero ang matteo, tatawa tawa lang.

"Matt, malapit na tayo sa katotohanan. Konti nalang." lumuwag ako pagkakahawak ni matteo sa braso ko.

"How do you say so?"

"Noong araw na bumisita ako sa bahay namin, may nakita ako na cassette tapes sa silid ni mommy. I think kahit manlang doon may malaman ako."

"Baby you don't have to dig informations, can we just be happy? Love look, we're happy bakit hinahayaan mo na siraan ng problems ang kasiyahan natin?" nagtataka na ako kay matteo bakit biglaan naman ata ang hindi nya pag sang ayon saakin?

"I think tutulungan mo ako marating ang dulo ng lahat ng ito?"

"Love-

(Phone ringing)

"Love may natawag, si mommy. Excuse me." pasintabi ko, lumayo ako ng kaunti kay matteo.

"Hello?"

"Anak, umuwi ka na muna dito. We're waiting for you, nabalitaan ng dad mo na may nobyo ka na daw. He's waiting for you and he can't wait to meet his future son in law."

"But ma-

"Ingay sa byahe anak, hintayin ka nalang namin." at namatay na ang linya.  Bakit biglaan naman ata?

Naghanda muna ako ng gamit bago ko  balikan si matteo sa veranda. Naabutan ko itong may kausap sa telepono at mukhang galit. Napaka lambing ng lalaking ito saakin pero kapag kausap na nya ang mga empleyado nya walang bakas ng ngiti ang makikita mo sa gwapong mukha nito, kaya ang swerte ko sa lalaking yan.

"Grevellio don't waste my time. No one can stop me from hiding the truth from her. It's too painful for her, kapag nalaman nya ang totoo baka pati ako isumpa nya! What if iwan nya ako? Grevellio I'm not paying you for nothing, do your job NOW!" natakot ako sa lakas ng boses nito, sino ba ang kausap ni matteo? At sino ang pinag tataguan nya ang sikreto?

"Love, are you okay?" niyakap ko na lamang ito mula sa likuran.

"I-I'm okay, you're done talking to your mom?"

"Yes, and he's inviting us for lunch. Let's go? They're waiting." pinagsiklop nito ang kamay namin.

Natahimik kami parehas sa byahe dahil may iniisip ako at may iniisip din siya, ayoko naman siya istorbohin.

"We're here." lumabas ito kaagad para pagbuksan ako ng pinto, aww ang sweet talaga ng lalaking 'to. (sensya na guys medyo maharot ung author.)

"Mom, dad, we're here." sigaw ko habang papasok kami sa loob. Nakita ko si mommy papalapit, kasunod nito ang daddy pero napatigil ito ng makita kami.

"Hija anak." niyakap ako nito ng mahigpit. Napatingin ito sa lalaking nasa likuran ko.

"Ah ma, he's matthias, you can call him matt or matteo for short. He's my boyfriend." niyakap din ni mommy si matteo, masaya ang puso ko dahil tanggap ni mom  si matt. Pero hindi ko alam kung ganoon din ba ang nararamdaman ng dad ko, dahil sa nakikita ko nakatingin ito ng matalim kay matteo.

"Dad he's-

"I know him... A LOT." sagot nito saakin pero kay matteo ito nakatingin.

"What are you doing here? GET OUT!" nabingi kaming lahat sa lakas ng boses ng tatay ko. Nakatulala lang si matteo.

"He's your dad?" mahinang tanong nito saakin.

"Yes. And Dad will you calm down! I don't know kung saan nanggagaling ang galit mo but please calm down!" tumahimik naman ito.

"Hindi mo alam sarah sino ang lalaking minamahal mo!"

"Dad naman akala ko ba okay na?"

"You! Matthias Faulkerson. Ano ang motibo mo sa anak ko at niligawan mo?" si mommy naman ay naguguluhan din katulad ko.

"I love Sarah sir." sagot ni matteo.

"Layuan mo ang anak ko ngayon pa lang! Huwag mo na intayin ako ang gumalaw para matupad ang gusto ko. Mas deserve ng anak ko-

"She's not your  daughter." sagot ni matteo.

"Matt ano ba sinasabi mo, he's my dad baka nag kakamali ka lang." naiiyak na ako sa sobrang gulo. Dapat pala Hindi na kami tumuloy ni matteo dito para mananghalian.

"Love he's not your father! He's sterile!"

"Then who's my father?" mabuti nang malaman ko dito palang at sa bibig nila mismo manggaling ang katotohanan, ito ba ang sinasabi ni matteo na masakit na katotohanan? Ako ba ang babaeng pinag uusapan nila ng employee nya over the phone?

"Me" isang pamilyar na boses ang narinig ko mula sa likuran.

 

LOVELACEOn viuen les histories. Descobreix ara