CHAPTER 24

57 7 0
                                    

Asher's

"Ako." agad akong lumingon at hinanap kung saan nag mula ang boses, hindi ako makapaniwala sa nakikita ko.

"I-kaw tatay ko? H-how? Hindi nga kita kaya makasama kahit isang minuto. Feeling ko di ako makahinga kapag kasama kita sa iisang lugar." nakita ko ang kirot sa mga mata nito.

"Alam mo ito dad?" napayuko na lamang ito

"And you know about this too?" baling ko naman kay matteo.

"Lovey I- I can explain okay."

"Explain. Ano ang mapapala ko sa explanation mo?" sinusubukan kong huminahon hanggat kaya ko pa. Para akong sasabog sa mga nalalaman ko.

"Sarah anak, kaya naman namin ipaliwanag lahat, huminahon ka lang muna. Ikalma mo sarili mo at sumunod ka saamin ng daddy mo doon sa library." tugon ni mommy, tinapik nito ang balikat ni matteo, tumango naman si matt. Naiwan kaming tatlo, me, matteo and rod.

"Anak, we can fix this." hawak sakin ni Rod sa siko pero agad ko din iwinaksi ang siko ko.

"Fix. Oo nga pala, ayan din pala ginawa mo noong muntik mo na sirain ang buhay ko dahil sa kamanyakan mo. Dyaan ka nga pala magaling sa word na FIX." hindi ko alam kanino ako kakapit, nanghihina ako di ako makagalaw, gusto ko sila sampalin isa isa pero hindi ko magawa!

"Get out of my sight. I don't need you, Matteo let's go!"  nauna na ako naglakad papunta kung saan pinarada ni matteo ang sasakyan namin, agad naman itong nataranta at sumunod saakin.

"Lov-

"Shut up and drive. Mamaya na tayo mag usap. I need to breathe." sumunod naman ito, maya maya pa naramdaman ko na hinawakan nito ang kaliwang kamay ko at pinagsiklop nito ang kamay namin. Kumalma ang kalooban ko dahil sa simpleng hawak ni matteo.

"Love please calm down. Hindi tayo uuwi sa condo, think about their offer. Mas maliliwanagan ka kapag sakanila mismo nagmula ang katotohanan at hindi dyaan sa haka haka sa pag iisip mo." inihinto ni matteo ang kotse at tinitigan ako.

"What?" tanong ko sakanya.

"You know how much I love you right? You'll have me forever. I will never leave your side, but please don't hold grudges against them, it will hurt you. Just listen to their side, it's up to if you'll believe them or not. Give them chance to confess and admit their wrong doings before." tama si matt, hindi ko mahahanap ang kasagutan kung hindi ko haharapin ang mga magulang ko.

"Bumalik na tayo sa mansyon love." ngumiti naman ito at naramdaman ko ang malambot nitong labi sa gilid ng noo ko.

Pagdating namin sa bahay ng parents ko, nag insist na si matt na huwag ako samahan sa taas. Mas maganda daw kung ako at ang parents ko lang ang kausap ko. Naiwan itong nakaupo sa sofa at kausap si Rod. Napag usapan kasi namin na siya na ang umalam ng side ni tito Rod dahil alam naming lahat na hindi ko ito kaya kaharapin sa ngayon.

"I thought iniwan mo na kami hija, I'm really really sorry." yakap saakin ng mommy.

"Hija have a seat."  malumanay na utos saakin ng daddy.

"Who will speak first hon? Me or you?" tanong ni dad kay mom.

"Ako na. Sarah anak, hindi ko mahal ang daddy mo noon, si Rod ang kasintahan ko. Simula highschool kami hanggang college si Rod ang karelasyon ko. Ang lolo mo ay ang Mayor ng Bataan noon at ang tatay naman ng daddy mo ay Congressman ng Bataan noong mga panahon na iyon. Ipinagkasundo kami ng mga magulang namin kahit pa hindi namin gusto ang isa't isa at may  kasintahan kami parehas. Bagamat ayoko sa daddy mo noon, ayoko saktan ang papang ko. Kaya sumunod na lamang ako kaysa itakwil ako at sumama ang loob ng mga magulang ko. Alam ko na hindi natuturuan ang puso, pero alam ko na mabait na tao ang daddy mo at matututunan ko din naman siya mahalin." paunang paliwanag ni mommy, bumuntong hininga ito at tumingin kay daddy.

"Hija, habang tumatagal, minahal ko ang mommy mo. Noong mga unang taon namin bilang mag asawa, masaya kami at hindi namin naiisip ang pagkakaroon ng anak. Pero kung kailan handa na kami magkaroon ng supling, napag alaman namin na hindi ako pwede mag kaanak. Kapag lumalabas ang semilya saakin namamatay ang mga ito." kita sa mga mata ng daddy ko ang lungkot. Hindi ko din naman pala sila masisisi.

.
.
.
.
.
.
.
.

"Sorry, but sarah isn't ready to talk to you right now." malungkot na balita ko kay Rod. Hiniling ni sarah saakin na kung pupwedeng ako na ang kumausap sa totoong tatay niya. For the person I love the most, I'll do everything for sarah.

"It's okay hijo. Noong nalaman ko na nagdadalang tao si Elizabeth ako na ata ang pinaka masayang tao sa buong mundo. Tuwang tuwa si Roland noong nalaman niya na buntis si Eliz pero agad din nawala ang saya nito noong nalaman niya na ako ang tatay at hindi siya. Pinapili ni Roland si Elizabeth kung ako ba or siya pero ang masakit doon siya ang pinili ni elizabeth over me. Pinagtakpan na lamang nila ang katotohanan at pinalabas nilang dalawa sa mga magulang nila na nagkaroon ng himala kaya nabiyayaan sila ng supling." umiiyak ito sa harap ko, bakas sa mukha nito ang pagsisisi sa lahat ng kanyang nagawa. His voice cracked while sharing his side to me.

"What exactly happened on that day?" tanong ko, we both know kung anong tinutukoy ko.

"That day?" he's clueless.

"The day when you harass your own daughter." nagulat ito pero agad ding nakabawi.

"My daughter loves me more than anything in this world. Noong bata si sarah mas gusto niya ako kaysa sa daddy niya, until that day happened.

...............

A/N: Medyo waley pero salamat po sa pagbabasa at pagsuporta. Keep Safe and God Bless. We're all proud to our Queen SG for representing our Country in the ASEAN music festival for the SECOND TIME!!!

LOVELACEWhere stories live. Discover now