CHAPTER 11

68 14 0
                                    

Asher's

"Leave?"

Bakit naman magte-text si matteo ng ganoon? nakakagulat naman siya masyado, hindi kaya wrong send lang.?Sino naman kaya itong unknown number na ito? lakas ng trip saakin.

(Cellphone's Vibrating)

"Hello?"

"You didn't tell me."

"Didn't tell you what? Gosh Sid wala kapang isang araw dyaan miss mo na ako ka agad?"

"You're the one who'll play Amanda's role? don't you?"

Nabuhay ang kaba sa puso ko, paano nya nalaman na ako gaganap sa role ni Amanda Seyfried? ano ang kinalaman ni sid sa dating trabaho ko?. Hindi ko pa naibababa ang tawag ng maramdaman kong may nagbukas sa main door.

"I'm Home"

"I c-can e-explain s-sid." hindi ko alam kung bakit nauutal ako, feeling ko anlaki ng kasalanang nagawa ko kay sid.

"....."

"K-kasi ganito yon-

"I'm not mad, I'm just confused, bakit ka tumakas? Bakit hindi mo sila hinarap isa isa? bakit basta tinakbuhan mo yung responsibility mo? Bakit naduwag ka?" sunod sunod na tanong nito.

Hindi ko siya masagot, dahil kahit ako di ko alam bakit umalis ako bigla. Di ko masagot kahit isa sa tanong nya, duwag nga ba talaga ako? Naduwag ba ako? kung hinarap ko ba sila isa isa aayos ba problema ko? mabubuhay ba ako ng normal? babalik ba sa dati ang buhay ko? sasaya ba ako ulit? dahil kung ang pagharap sakanila ang tanging paraan para gumaan lahat ng problema ko, gagawin ko ngayon din. Pero kasi hindi kaya yun ng sorry lang. Anlaki ng pinsalang ginawa nila sa buhay ko!!

"Pader ang binangga mo Ash, antagal konang nag tatrabaho sa Deep Throat GOC pero never ko pa nakita ang Chairman nun. Sabi nila kaya niya pumatay ng tao." nag aalala na si sid saakin, wala akong nagawa kundi mapaluhod at umiyak nalang.

"Sshhhh I'm here, tatakas tayo ng sabay ash, they're coming here anytime soon." lalo akong natakot sa sinabi ni sid, kailangan kong humanap ng malilipatan kung saan di nila malalaman kung nasaan ako. I need to tell him, I need him, I need my matteo.

"Mag iimpake na ako Sid."

I dial his number but out of coverage. Again i dial his number but for the second time it's out of coverage.

"Come on matteo pick up the goddamn fone!"

"Hello love?"

"Matt, m-matteo I need you here now, save me please. Lumayo na tayo matteo please, iintayin kita sa airport." ibinaba ko na ang tawag, alam kong mahal ako ni matteo, dadating sya, hindi nya ako bibiguin.

"Where are you going?"

"Airport."

"Why? Ay sis excuse me sasagutin ko lang itong tawag."

Tumango lang ako, ihahatid na daw nya ako sa airport kaya inintay kong matapos ang usapan nila sa telepono. Naka blusang berde ako, ito ang regalo saakin ni matteo bago siya umuwi sa Pilipinas. Natanaw ko si Sid na may pagaalala sa mukha.

" Sis may nakipag swap saakin, sa Philippines na ang destino ko, at may papalit saakin dito, mamaya daw ang dating. I need to go sis, for 4 months lang naman, araw araw tayo mag tatawagan, kung saan ka maka punta iupdate mo ako para doon ako tumuloy pag uwi ko after 4 months." antagal nitong nakayakap saakin bago sya umalis, sabay na kaming pumuntang airport.

Nakasakay na si Sid sa eroplano lahat lahat pero wala padin akong natatanaw na matteo, wala pa ding nagtetext na matteo saakin.

8:30pm.....

11:00pm....

3:00am.....

Hindi sya dumating. Walang matteo na nag pakita. Malamang may rason sya bakit hindi siya dumating. Kailangan ko nang umuwi, mageempake pa ako at lilisanin ang lugar na Canada.

"Long time no see." napaharap ako bigla, nilolock ko kasi ang main door.

Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko, totoong nadito sya! Pero paano?

LOVELACEWhere stories live. Discover now