CHAPTER 5

117 10 15
                                    

A/n: Ang hindi mag-click ng star, hindi magkakajowa.  Anyway,  sorry sa late update.  Medyo sabaw ako!  Hahaha. Start na kasi ng class ulit, kaya sana maintindihan niyo.  Ok.  Bye.  Hahaha! ENJOY READING!

Deedee Malabanan

"Nakakatakot ka bang lapitan?" Isinuot ko ang pink na headband na may malaki pang horn na nakakabit dito. Napalilibutan ng glitters ang halos buong paligid nito, na siyang nagpakinang kapag tiningnan. 

"Hindi bagay sa 'yo.  Mukha kang masungit na librarian na trying hard magpacute."

Dinampot ko pa ang panyong nakapatong sa harapan nitong salamin at ipinunas sa sariling repleksiyon. Nababaliw na yata ako sa pinaggagagawa ko? I really looked so serious—Sa buhay ko. Ngunit kahit ganoon, hindi naman mukhang mahirap intindihin!

Gusto kong makita iyong sinasabi nilang hindi kainti-intindi.  Masyado ba akong mukhang magulo? Masungit, pero hindi magulo!  Do I really have to explain myself? 

"Sumagot ka!" Dinuro ko pa ang sarili ko sa harapan. 

Katahimikan. 

Tinitigan ko nang matagal ang babae sa salamin. 

Ganito pala ang hitsura ko kapag nang-iignore? Well, hindi ko naman responsibilidad na palaging magsayang ng laway para sa iba. 

Pabalibag kong inilapag ang suot na headband sa lamesita, at saka ibinagsak ang aking katawan sa kama.

"Hay buhay parang...life!" Kumawala ang paghingang maluwag. Alas-singko pa lamang ng umaga pero gising na ako, suot-suot ang aking black fitted sando, at below the knee cycling na itinerno sa itim ring rubbershoes. Nakagayak ako para magjogging. Sa kasamaang palad, ay may kung anong katamaran ang bumabagabag sa 'kin. 

Ang dami kasing nagpaparty sa isip ko. 'Yong mga bagay na iniwan ko sa Maynila. . .naisip na kaya nila ang mga kagagahang pinagsasabi nila sa 'kin?

Ipininta ko ang mga itsura nila sa malinis na kisame. Ano kayang nararamdaman ng mga iyon? Mahimbing kaya silanh nakatutulog gayong wala ako? Nanghihinayang ba na wala na silang kaibigang tulad ko?

Ilang segundo pa akong nanatili sa pagkatingala. Bangag, bago tuluyang iwinasiwas ang sarili mula sa kalutangan. 

"Hindi ba dapat,  sila ang ma-stress sa pag-iisip?!" Pabalikwas akong tumalon. I don't deserve this! Nasa bakasyon ako! 

---

Hindi ko namalayan ang oras at nakatulog pala ako. Agad akong dumako sa banyo upang magtoothbrush at hilamos. Nang makuntento sa morning routine ko 'y lumabas na ako ng kwarto. 

Malayo pa lamang ay amoy na amoy na ang halimuyak ng Sinangag. Bagaman may kalakihan ang bahay, hindi pa rin napigilan nito ang pag-indayog ng masarap na almusal sa hangin. Hindi ko na matandaan kung kailan ang huling araw no'ng natikman ko ang luto ni Aling Petra.  Bilang matagal nang kasama ng pamilya namin, nasanay na kami sa masarap na luto niya.

Nagsimula kong tinahak ang naglalakihang mga frame na humilera sa mahabang hagdanan.

"Goodmorning, ma'am," bati sa akin ng nakasalubong kong maid. Isa yata siya sa tagalinis ng aking kwarto. Ramdam kong hinintay niya pa muna akong makalagpas bago siya nagpatuloy sa pag-akyat. 

Finding Red Flags (ON-HOLD)Where stories live. Discover now