CHAPTER 11

66 5 1
                                    

A/N: ENJOY! Please don't forget to VOTE and COMMENT your thoughts!

Deedee Malabanan

"Sandali!" Pumaimbabaw ang aking boses sa buong event hall matapos iabot ni Kenken sakin ang mic. Lahat sila'y napatahimik, habang hinahabol hininga kong inililibot ang paningin sa mga tao sa baba ng stage.

Pula, Asul, at Puti. Tatlong kulay ng mga damit ang siyang nangibabaw sa suot ng mga lalaking nakapalibot sa'kin. Para silang mga dadalo sa Intrams, handa para sumabak sa matindihang paglalaro kasama ang buong team. Wala akong kamalay-malay sa mga nangyayari, I was shocked, hindi pa nag-sink-in agad nang tuluyan sa 'kin kung anong mayro'n, but I now understand my gut feeling at hindi maganda ang kutob kong iyon. Tulala kong pinagmamasdan ang nangyayari.

Nanginginig pa ang ang aking kamay, bahagyang nag-iinit ang aking mukha habang ramdam ko ang pagtulo ng pawis sa aking mga palad. Dumudulas doon ang mikropono kaya hinayaan ko na lamang itong bumagsak, pagkatapos ay sumunod na umalingangaw ang matinis na feedback sa pagkakatama nito sahig. Sumunod na tinitigan ko si Kenken bago ako tumakbo palabas. This plan. . .it's wrong! Ang unrealistic, masyadong bulgaran, ubos ng pera at kahihiyan!

Nadinig ko ang pagtawag niya sa pangalan ko pero hindi ko ito nilingon. Dumiretso lamang ako habang hindi na inalintana ang pinipili kong direksyon hanggang sa mapadpad ako sa bakanteng space na mukhang function room din pero mas may kaliitan kumpara sa kanina. I know na sumunod si Kenken dahil dinig ko ang yabag ng paa nito. Sinara ko ang pinto pero wala itong lock kaya nakapasok pa rin sya sa pintuang salamin.

Paikot-ikot ako rito habang iwinawagwag ang aking kamay, iniaalis sandali ang nerbyos at pinaniniwala ang sarili ko na hindi pa nangyayari ang naiisip kong consenquence nitong pa-event na ito ni Kenken. I looked at him again, sobrang tahimik niya ngayon at ramdam ko ang ilang sa pagitan namin.

I yelled my frustration at sinipa ko ang isang upuan, I didn't realized na matigas pala ito kumpara sa inasahan ko. Napatalon ako sa sakit. Sinubukan ni Kenken na tulungan ako, pero pinigilan ko siya.

"Huwag kang lalapit, hinayupak ka, kaya ko ang sarili ko," pagbabanta ko pa. Naupo ako sa upuan na iyon at hinubad ang suot kong heels. Hinimas-himas ko pa ang binti kong parang nagkapasa yata, kasabay ng sinisinghal kong masasamang salita.

Ilang segundo pa bago siya sumingit.

"Ma'am, Deedee, okay lang po ba kayo?"

"Mukha ba akong okay?"

"Hala, maldita na," bulong niya. Inirapan ko lamang ito.

"Bakit po ba kayo nagpunta rito? Hindi niyo po ba nagustuhan 'yong lugar? Nabigla po ba kayo sa dami ng gustong sumubok para maging nobyo mo? 'di kaya nama'y. . ." Umupo rin siya sa gilid bago nagpatuloy. ". . .may natipuhan ka agad ano? Tapos na ba agad ang laban? Naku, sayang naman ang pinunta ng iba!" Parang wala siyang maayos na pananaw sa kung anong ginagawa niya! Nakuha niya pang magbiro. Naningkit ang mata ko sa sinabi niya. Dagling dumiretso naman ang hawak kong heels sa hita niya kaya napaangil din ito sa sakit.

"Bobo ka ba? Alam mo ba 'tong ginawa mo?"

"Aray! Ano bang nagawa ko? Hindi mo ba talaga nagustuhan 'yong plano?"

A silence for both of us. I can't utter a word dahil gusto kong pasabugin na lang ang nguso nito gamit ang kamao.

"Sinunod lang naman kita e, ang sabi mo hanapan kita ng mga pwede mong maging boyfriend, tapos asikasuhin ko 'yong mga aktibidades para hindi simpleng hapunan lang ang maranasan niyo, hindi ba? Kaya ito, pinaghandaan ko, charan! May pa-activity ako, bigyan natin ng titulo 'to bilang Fight for Deedee, o 'di kaya naman, Deedee warriors; Battle for the Deedee---Ay basta ikaw na lang ang mamili! Basta ito ang pinagkaiba nito sa ibang palaro, para itong liga gano'n pero ang premyo ay ikaw! Hindi ba okay iyon kung ang magiging nobyo mo e ipaglalaban ka?"

Finding Red Flags (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon