CHAPTER 6

116 10 19
                                    

A/N: Dahil hindi ako nakapag-update kahapon, kahit sinabi ko na pipilitin ko, hinabaan ko ang UD ngayon para makabawi.  Anyway, medyo may cross-over si Super Enriquez mula sa Nobela kong Chasing Stars sa isang scene dito.  Sana magustuhan ninyo!  Salamat sa suporta!  Don't forget to click VOTE or comment your thoughts about the story!  Enjoy! 

Deedee Malabanan

Hindi totoo na kapag ang taong mapili, ay mauuwi sa bungi. 

Sa limang taong nadidinig ko na pihikan daw ako?  Napaka-imposibleng hayaan ko lamang mangyari iyon,  at tunay na malayo rin sa katotohanan kung si KenKen lang din ang bunging tinutukoy ng katagang iyon. Maliban kasi sa bungi siya, ay masama rin ang ugali nito, babaero at higit sa lahat basag-ulo. 

Teka, bakit ko ba iniisa-isa?  In the first place, hindi siya pasado kahit sa first screening ng right and left brain hemisphere ko. 

"Ma'am Deedee, pagpasensiyahan niyo na po iyon!" Sigaw niya mula sa ibaba, matapos tuluyang makaalis no'ng babaeng ang lamang lang sa 'kin ay dede. Gusto ko siyang kutusan sa esophagus nang pagkalala-lala, pero masyadong mataas ang terrace na 'to para talunin siya. 

"Kung may kabalastugan ka nga sa susunod, pakisiguradong hindi rito sa loob ng pamamahay ko!" Pabalang kong paalala. Tatalikuran ko na sana ang mokong, at babalik sa loob, ngunit muli niyang isinagaw ang pangalan ko. 

"Hindi niyo po ba balak kunin pabalik ang bra ni'yo?" Nanlaki ang mga mata ko sa lumabas sa bunganga niya.  Dagli akong bumalik sa pagkakadungaw. 

"Ibato mo rito! Bilisan mo!" Utos ko.  Natataranta kong inilahad ang aking dalawang kamay. Nakaposisyon para saluhin ang ibabato niyang mamahaling bra.

"Sige po, ma'am," pag-sang ayon niya.  Lumuhod pa siya upang damputin ang bra mula sa lupa. Ilang saglit bago ko narinig ang nakakabuwiset nitong tawa. 

"A—Anong nakakatawa?!" Pang-uusisa ko.  Pilit ko siyang tinatanaw pero nakatalikod siya mula sa 'kin.  Tinititigan niya ba ang bra ko?!

"Manyak ka!  Ibato mo na iyan dito!  Tigilan mo ko sa pagganiyan mo, Kenken!  Baka alisin kita sa trabaho mo?!" Sunod-sunod pang asik ko. Kulang na lang ay malaglag ako, dahil sa pagtungtong  sa ilang grills upang mas makita ang ginagawa niya.

"Hindi niyo po pala nabanggit na paborito niyong aktor si Super Enriquez ha?" Humarap ang binata at binulatlat paangat sa 'kin ang bra. Gusto kong manlumo sa ginagawa niya.  Kitang-kita ang ipina-imprinta kong litrato ng aking paboritong artista habang nakasuot lamang ng underwear sa dalawang foam ng bra.

"Manahimik ka!" Halos maghuramentado na ako sa sobrang pagkabalisa.  Hindi ko na maisip kung anong gagawin ko para lang makarating sa puwesto niya sa pinakamabilis na paraan. 

"Akin na!  Ibato mo na dito! Huwag ka nang maingay diyan kung mahal mo pa ang trabaho mo!" Bukas na bukas ang mga kamay ko.

"Naku ma'am, huwag po kayo mag-alala, keeper naman po ako.  Hindi ko ipagsasabing may nakaimprentang lalaking nakabrief sa bra niyo."

Ang lakas ng pagkakasabi niya. Nagsalubong ang mga kilay ko, nagngitngitan din ang aking ngipin sa sobrang pagkapahiya.  Ramdam ko ang takbuhan ng mga kabayo sa aking puso habang palinga-linga sa paligid.  Tinitingnan kung may ibang tao na maaaring makadinig. 

Finding Red Flags (ON-HOLD)Where stories live. Discover now