CHAPTER 7

120 9 15
                                    

A/N:  Hi,  baka nababagalan kayo sa progression nitong story, pero nag-eenjoy na ako.  So asahan niyo talagang tatapusin ko ito.  Again, salamat sa mga nagpapatuloy! At kung medyo cliche sa inyo, ay sqna bigyan niyo ako ng chance. Baliin ulit natin ang expectations kagaya sa Chasing stars. Anyway, Lovelots and Please don't forget to VOTE!  ENJOY!

Deedee Malabanan

Dumating ka na ba sa punto na gigising ka, tapos maya-maya'y mapapansin mong gabi na naman agad at kailangan nang muling matulog? 

'Yong parang dumaan ang isang buong araw na walang nangyayari sa 'yo, pagkatapos ay mapapaisip ka na lang kung may silbi ka pa ba sa mundo? Matatawa ka na lang din, kasi alam mong may silbi ka pa naman, sadyang sinapian ka ng bruskong ispirito ng katamaran.

Tipong magrereklamo ka,  pero pinili mong humilata at hindi kumilos. O kaya'y kumilos nang kumilos, na nauuwi sa napakaneutral na araw. 

Walang excitement. 

Walang fulfillment. 

Hindi ka masaya. 

Iyon 'yong mga araw na ayoko nang maranasan ulit.  Lalo na ngayon, kung kailan nasa bakasyon ako, I want to make sure na masaya ako kahit hindi ko kasama sila Jessica!
Manigas sila!

Dinampot ko ang Hermes brown hand bag at itinapat sa whole body mirror kasabay ng White Halter dress. 

"Nice," bigkas ko.  Dumiretso na ako sa banyo at naligo. Nang matapos  mag-asikaso'y bumaba na sa living room kung saan naghihintay sa akin si Kenken. 

"Goodmorning, Ma'am! Kaganda niyo naman pala!" Salubong niya. Suot nito ang white plain shirt na itinerno sa black ripped jeans at puti ring rubber shoes. 

Napakunot ang aking noo nang makita ito. Talaga bang dapat pareho kami ng kulay? Pupunta ba kami sa dance competition at white theme ang costume?  O ipaglalamay ko na ang nawawalang ngipin ng mokong na 'to? 

"Magpalit ka," utos ko, at saka pumuwesto sa sofa.

"Bakit po, ma'am? Maayos naman po ang suot ko." Pumamulsa pa siya at umikot sa aking harapan, dahilan para ilibot ko ang aking mata mula sa kaniyang ulo patungo sa mga paa. 

"Sino nga ang boss mo ulit?"

"Ikaw." Sagot niya. 

"Oh, edi dapat sumunod ka."

"Nako', boss kita, Ma'am, pero bawal mangialam sa susuoting damit! Walang gano'n,  Mars!" Sinibangutan ko na lamang siya at padabog na tumayo.

"Huwag ka na nag lang sumama," usal ko. Maglalakad na sana ako ngunit wagi niya akong napigilan. 

"T—Teka lang, Ma'am! Biro lang naman po, hindi na kayo nasanay sa 'kin. Ang sungit niyo na naman.  Second day po ba ngayon?"

"Anong second day?" Nagtatakha ko siyang nilingon. 

"Sabi nila mas malakas daw po ang dalaw kapag second day," kumakamot ulong paliwanag niya. 

"Hindi ah! Last day."

"Hala totoo po ba?" Bakas sa mukha ng binata ang kuryosidad. Iniisip ko talaga kung malinaw ba sa lalaking 'to na boss niya ako. Una, sa paraan niyang makipag-usap at saka iyong pakikitungo!

Ang sakit niya sa ulo!

"Oo, totoong last day mo na," monotone na sagot ko. 

Walang akong naging ekspresyon, kung kaya't halatang hindi alam ni Kenken ang magiging reaksyon niya sa sinabi ko. 

Finding Red Flags (ON-HOLD)Where stories live. Discover now