Chapter 14

136 11 6
                                    

Warning: This chapter contains scenes that some readers may find disturbing and/or not suitable for younger audiences, such as depictions of sexual abuse and use of language. Reader discretion is advised. 

Deedee Malabanan

Natatakot ka ba umamin sa kaibigan mo na gusto mo siya?

Bakit naman kasi sa lahat  ng tao na pwedeng magustuhan e kaibigan mo pa? 

Alam ko naman ang sagot, kasi komportable ka, kasi masaya siya kasama, kasi maasahan siya; masasandalan, kasi na-test mo na ang samahan niyo at higit sa lahat you just felt it. 'yong tinatawag nilang Love. 

Pero kagaya ng kung paanong naging sugal ang lahat ng uri ng pag-ibig---Dapat handa ka. Mahirap ma-fall sa kaibigan. Isipin mo nga lang, ano ba ang pinagkaiba no'n sa pagkafall sa hindi mo kaibigan? 

Kung aamin ka naman e parehas lang din naman ang tiyansa. It's either marereject ka o maririnig mong mahal ka rin niya. Naniniwala ako na hindi naman kasi pasok sa choices ng tunay na magkaibigan na masira ang ugnayang binuo nila ng taon dahil lang may isang gustong magbigay ng pagmamahal na higit pa sa dati. Siguro kung ikaw 'yong aamin pwede kang masaktan, pwede kang magmove-on, pero siguradong hindi mo gugustuhinto na mahinto ang friendship niyo. In the first place alam mong bago ka umamin, iyon ang inaalala mo. Ayaw mo iyong  masira. 

Kung ikaw naman iyong taong tumanggap ng confession, maaaring pwede kang mailang, pero eventually, babalik din iyan sa dati. Hindi ka magagalit kasi tinalo ka, kasi kung kaibigan mo siya: Ikaw ang unang iintindi. Maliban na lang kung yung pagmamahal niya na iyon, became something unhealthy. 

Doon mo kailangang dumistansya. Bago pa mahuli ang lahat, bago pa masira ang hindi naman dapat nasisira. 

"Pasensiya ka na no'ng isang araw , I really didn't expect na magagawa ni Bastie iyon." 

Iniabot ko ang juice na tinusukan ko ng straw para sa kaniya. Kinuha niya naman ito at humigop nang kaunti. Pinagmamasdan ko ang mga pasa niya sa mukha, halatang napuruhan siya ng pambubugbog ni Bastie. No wonder at pangalawang araw niya na dito sa Ospital.  

"It's not your fault. After-all, ganiyan ang love. Nakakatakot, it can make you the best or the worst. Unfortunately, the not-so-good from the choices ang nangyari sa kaibigan mo." He sounded as if walang nagawa iyong tao sa kaniya. Ang genuine din ng ngiting sumilay sa mukha ng binata. 

"Pero huwag ka mag-alala, I already talked to him, pinabalik ko na siya sa Maynila. Intindihin mo yung paggaling mo," bilin ko. I actually dont know what to say, it's been years simula nang masanay akong i-nag ang mga tao to test them sa kung paano sila tatagal sa ugali ko. But this one, he's different. 

"Ofcourse, ikaw rin saang huwag mag-alala sa 'kin. Ang sabi naman ng doktor e pwede na ako madischarge, hinihintay ko na lang ang result ng ilang lab test. Nagpasabay na rin kasi ako ng check-up." 

Ngumiti ako bago matipid na sumagot, "I see, thats good." Sinuklian niya naman ito ng ngiti rin at nagsimulang kumain ng dala kong Sandwich. 

Pinanood namin ang paligid sa payapang rooftop. Katahimikan lamang ang pumaimbabaw sa 'ming dalawa. 

"Hands down talaga ako sa ganda mo," naputol no'n ang nakakabinging ambience na namagitan ng ilang saglit. Kita ko sa peripheral vision ko kung paano niya ako titigan. 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 04, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Finding Red Flags (ON-HOLD)Where stories live. Discover now