CHAPTER 8

100 9 9
                                    

A/N: So nandito ka. . .salamat sa 'yo!  Hindi mo sinukuan si Deedee katulad ng past niya.  Ems. 

After a week nakapag UD din. Dapat talaga mas mahaba pa ito kaso tataliwas na siya sa number of words ko per chapter.  Mas aagahan ko na lang ang pagpost ng isa.  Enjoy!  Please don't forget to VOTE or COMMENT your thoughts. Lovelots mga jeje.  Hihi. 

Deedee Malabanan

"We're friends sa Manila," aniya. Umupo ito sa iniusog na upuan ni Kenken para sa kaniya. 

"Ah...hindi po. Kakilala ko lang siya," pagtatama ko naman. Binalingan niya ako ng awkward na tingin.  Iyong parang sinasabi sa 'king, "Seryoso ka ba na itinanggi mo iyon sa harap ng pamilya ko?"

P'wes, kung iyon ang kahulugan ng sipat na ibinigay niya...wala akong magagawa.

Tama bang problemahin ko iyon? Hindi.

Kaya itatanggi ko talaga siya! Never in my life na makikipagkaibigan ako sa taong ganiyan magsalita! Akala mo may naiwang monay sa gilid ng pisngi nito sa sobrang arte ng pagkakabaluktot ng dila. 

Iniiwas ko na lamang ang aking tingin sa kaniya at ginawaran ng pokus ang mga pagkain sa harapan. Masasamid kaya siya dahil sa iniisip ko? 

"O siya, magsikain na kayo," malakas na utos naman ng lola ni Kenken. 

Natapos kaming magtanghalian nang wala ako gaanong iniimik.  They talked to each other at nakikinig lamang ako sa mga kwentuhan nila.  It's obvious that they didn't seen Kenken for a long time.

Paminsan-minsan, nadadamay ako sa usapan,  pero isang sagot at direkta lamang ako kung tumugon. Halata siguro nilang hindi ko na gustong makipag-usap at gusto ko lamang ay payapang kumain.

Matapos ang naging reunion sa hapag ng mga maglola'y mabilis na lumipas ang oras.  Mabuti rin at sa kasagsagan na tumambay ako sa Veranda ay tila nawala sa paningin ko ang bruhildang mukha ni Joy na hindi rin nakakajoy. 

"Hello," bungad ko nang sagutin ni Ken ang tawag. 

"Oh, Ma'am?! Bakit naman tumatawag ka pa e' tanaw mo naman ako?"

Mula sa labas ay lumingon siya sa kinaroroonan ko.  Nakahalukipkip akong tumayo sa harap ng pintuan.

"Aren't we leaving yet? Tapos na ang isang oras, lagpas na nga e!" Bulyaw ko. 

Patakbo itong lumapit sa akin habang nakatapat pa rin ang kaniyang cellphone sa kaniyang tainga.  Dinig ko ang hingal nito mula sa kabilang linya na animo'y flute na may tunog, dulot ng uwang niyang mga ngipin

Ang palubog na araw ay tumama sa kaniyang mukha na parang spotlight.  Sunkissed kung ilarawan sa mga litrato, at tila instagram filter ang moist ng scenario habang naging dahan-dahan ang mosyon ng kaniyang mga hakbang.  

Weird.

Mabilis kong tinapik ang aking sarili.

Ano ba iyan! 

Kinusot ko ang aking nga mata. Nang dumilat akong muli ay nakasandal na siya sa pasilyo ng Veranda habang pawis na pawis at halos labas ang dila sa pagod.

Finding Red Flags (ON-HOLD)Where stories live. Discover now