CHAPTER 12

68 5 3
                                    

A/N: Enjoy!

Deedee Malabanan

Ang lakas siguro makaganda kung alam mong maraming taong nag-aagawan para sa'yo. Akala ko noon, sa pelikula lang may ganitong mangyayari, 'yong para bang ikaw na ang pinakamagandang babae sa Mundo. Yung tila abot ang buhok mo sa kahabaan ng EDSA. Pero akala ko lang iyon. 

Ang sabi ko lang naman kay Kenken ay tulungan akong maghanap ng kikilalanin, hindi ko sinabing ganito. Na gawin akong isang paligsahan. Habang pinapanood ang mga kalalakihang ito sa ilang mga group game na may process of elimination. Napagtatanto ko pa ring paulit-ulit na  isang napakalaking kalokohan ang naisip nila Bastie at Kenken. Pero anong magagawa ko? Nandito na e. 

"Huy!" Bati niya sa 'kin. Nilamutak niya pa ang mukha ko na kanina pa halos bumagsak ang nguso sa sahig habang pinanonood sila. Mas lalo ko siyang pinagkunutan ng noo at binigyan ng matamis na middle finger. 

"I know this sounded absurd, pero to be honest. . .this is fun! Saka huwag mo na intindihin kung may makaalam  nito, kagaya nga ng sabi ko. I made sure na hindi mangyayari iyon. Aba nagpa-arrange pa ako ng Mass-signing ng Confidentiality contract  sa mga iyan 'no!" Tinuro niya ang mga naglalaro ng Basketball sa harapan. Napansin ko ang pagtulo ng pawis nito na kanina niya pa pinupunusan mula sa kaniyang ulo. Para siyang bagong ligo sa tubig na bumabagsak mula sa kaniyang katawan. Simula pa lamang, kinacareer niya talaga ang pagsali dito. E ano namang mapapala niya hindi ba?!

"Itigil mo na 'to, Bastie, hindi mo kailangan sumali diyan 'no! Magkaibigan na tayo!" wika ko sa kaniya. Ano ba kasing trip niya sa buhay?! 

"Ang mananalo dito ay may chance na i-date mo, 'di ba?" 

Tumango ako bago nagsalita, "Oo, kaya nga sinasabi ko na huwag ka nang makisalimpusa at baka ikaw pa ang manalo, edi mas lalong wala ring kwenta itong ginagawa niyo!" Naghintay ako ng sagot pero sumeryoso lamang ang mukha niya. Huminga ito nang malalim, pagkatapos ay tumayo at nginitian ako. 

"Ok na ko! Let's win this, Team!" Sigaw niya habang papasok muli sa laro. Pinasadahan niya pa ako ng ngisi. 

"Hindi pwede!" Bulong ko. Napapadyak pa ang mga paa ko sa pagkapikon. 

Ilang segundo pa't sumulpot sa gilid si Kenken. May dala itong tubig at inabutan ako. Agad ko namang kinuha kasabay ng mga irap na kumawala sa mata ko. 

"Grabe naman, you're welcome ha." 

"Kanino bang pera ito?" Asik ko habang hirap na binubuksan ang bote. Kinuha niya ito pabalik sa kaniya at pinagbuksan ako. 

"Ikaw ang bumili, Ma'am Deedee. Huwag magpakauhaw ah, inom ka nang maayos, at baka masamid."

---

First game pa lamang itong natapos sa tatlong rounds na inihanda nila. Hindi ko rin talaga ma-gets ang utak ng organizer nito pero ayon kay kenken may tatlong level ito. Una ay ang Sports, pangalawa ay ang Question and Answer, sabi niya kasi e dahil matalino raw akong tao dapat lang na hindi aanga-anga ang nababagay sa akin. Pinakahuli naman ay ang makausap ako one-on-one, para mai-assess ko base sa kung anong pinakataste ko ang tatlong matitira. 

Tinipon ni Kenken ang sampung lalaki, bawat isa sa kanila ay kaniya-kaniya ang pagkindat at pagngiti sa tuwing madadaanan ako. Pinapuwesto kasi sila ni Bungi dito sa gilid ko bago i-explain ang susunod nilang gagawin. Nagkaroon muna ng bilangan sa mga nakapasok hanggang sa umabot ng siyam at walang sumagot. 

Finding Red Flags (ON-HOLD)Where stories live. Discover now