CHAPTER 1

416 14 25
                                    

A/N: Your votes and comments are highly appreciated! Lovelots dahil every other day po ang magiging update ko for this story kahit nalalapit na naman ang online classes. Sana 'di kayo magsawa. Huwag niyo akong i-ghost. Hahaha!  Enjoy reading!

CHAPTER ONE

Deedee Malabanan

Palagi nilang sinasabi sa akin na,  ilang taon na lamang at malapit na raw akong mawala sa kalendaryo. I'm 28, stable naman na ang buhay ko, may bahay,  at may business. Kaya lang, parang nawawalan na rin daw ng saysay 'tong mga pinaghirapan ko kung mag-isa 'ko? Oo, wala akong pamilya ngayon. 

I grew up with my grandparents. My mom is their only child. Hindi ko nakilala ang tatay ko at namatay sa panganganak sa 'kin si Mama. Saktong taon naman ng pagkagraduate ko sa kolehiyo, ay namatay ang lolo't lola ko. 

I was sad.  Pero ngayon,  tanggap ko naman na ang lahat,  and I learned to enjoy life alone. Wala naman tayong magagawa sa mga bagay na nangyari na.  Should I be sad for lifetime? Siyempre hindi.  May mga kaibigan din naman ako, kung kaya't napunan lahat ng pagkukulang sa mga bagay na ibinigay sa'kin ng mundo. 

Nagising ako sa maingay na pagbulabog nila sa aking condominium unit. Walang sawa na namang mangungulit patungkol sa isang bagay, ang kumilala ng mga panibagong tao; magbukas ng tiyansa para sa isang pag-ibig.

Kakornihang pag-ibig. Sa kabilang banda,  alam ko namang masarap sa pakiramdam. It's just that, after what happened five years ago...nawalan ako ng gana. 

But now, I know that I'm ready. 

Tama nga sila, ito na nga siguro yung oras para sumubok akong muli sa paghahanap ng taong makakasama ko sa panghabang buhay.  Katuwiran ko dati, dadating naman iyan, so I achieved many things while waiting.  Ngayong palagay ko ay nakuha ko na ang mga bagay na aking kailangan,  sumagi na sa isipan ko ang tanong na...kailan? Baka naman ako ang hinihintay ng kung sino na dumating?

Naabutan ko sila na kaniya-kaniya ang inaatupag na gadgets sa living room. Wala akong magawa kanina kun'di papasukin sila at ipaghanda ng makakain. Bitbit ang apat na balot ng chips ay sinipat ko pa silang sandali. 

Si Bastie na naglalaro ng mobile game, si Jessica na busy sa pagsusulat ng masyadong cheesy na romance story niya sa Wattpad at si Evans na nakataas pa ang paa sa sofa habang kinikilig sa kung anong mayroon sa phone niya. Baka mga lalaki na namang kalandian nito, na kada linggo ay napapalitan.

Ewan ko ba sa ilang tao, bakit ang bibilis magpalit ng kasintahan? Ganoon na lamang ba kadali 'ng mag-invest at magpull-out ng feelings?

Ilang saglit pa'y umiring si Bastie nang matamaan siya sa mukha ng mga bitbit ko.  Ibinato ko kasi ito sa kanila. Paano ba nama'y mga nakasapatos pa ang mga bugok sa living area ko!

"Pumunta lang siguro kayo sa bahay ko para lumamon at makisagap ng wifi?" Naupo na rin ako sa sofa, dumampot ng chips at binuksan ito. 

Sinundan iyon ng pagmumura ni Bastie matapos naming madinig ang salitang defeat na binanggit ng Voice-over ng nilalaro niya. 

"Chill."  Hindi ako sanay na seryoso si Jessica. Sa lahat kasi ng kaibigan ko,  siya ang pinakabungangera.

"Laro lang iyan, huwag ka masyadong maingay, kasi nagcoconcentrate ako at pasahan na ng Manuscript bukas," nagbabantang saad pa niya.  Hinilamos pa nito ang kaniyang kamay sa mukha.

Finding Red Flags (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon