Prologue

581 25 14
                                    

Alam ko, na sa oras na makita ko ang pulang bandila, kailangan ko nang tumigil. Kailangan ko nang sumuko.

Red flags tell you that ahead is danger. Sino ba namang gustong masaktan? Sino ba namang gustong mapadpad sa pwesto na katulad ng bandila ay maaari kang maging maladuguan?

Once, I've been there. Pero sabi nga nila, once is a mistake, twice is katangahan and thrice is Ultra-mega- Super-inter-galactic Kabobohan.

Kaya maraming nasasaktan, kasi hindi tayo marunong tumingin sa mga red flags ng relasyon. Hindi natin ito nakikita. Sabagay, masisisi ko ba naman sila, kung pula rin ang usual na kulay ng pag-ibig? Bakit hindi na lang kasi Blue? Total, karamihan naman sa umiibig, nanlalamig din kalaunan.

Ang red flags kasi, nagtatago iyan. Talo ka kung hindi mo titingnan nang maigi. Masasaktan ka kung hindi ka maagap sa pagbitiw kung may mapasilip na baho ang ka-date mo.

I know...I'm being idealistic. Walang perpektong tao, pero may maayos na tao, na walang nagsusumigaw na red flags sa buhay.

Masarap naman umibig, kung magiging matalino ka. Hindi masamang maging mapili, kasi may pitong bilyong tao sa mundo at siguradong may mga choices ka.

Sabi nila, that red flags are not the simple things that can easily be seen, hindi ito singbabaw na parang simpleng pagngatngat ng partner mo sa kaniyang kuko habang kumakain, pangit tingnan na Mannerism o 'yong jologs na pagporma. It's more complex than what we think. It's their situation, heart status at marami pang iba to consider.

That's why for so many years, I'm careful. Kung bumusisi ako ng tao, para silang mga kandidato sa isang Pageant.

"Ilang taon?" Tanong ko. Bahagya akong ngumiti matapos kong punasan ng tissue ang bibig kong nadumihan ng kinakain kong spaghetti.

"25." Paupo pa lamang siya pero kinailangan niya nang sumagot sa tanong ko.

"Anyway, hi muna." Ngumisi ito sa 'kin.

"Ah. . . naka-ilan ka na?" Muling tanong ko. Hindi ko alam kung anong mali sa sinabi ko para magmukhang nailang ang ekspresyon niya?

"What do you mean sa naka-ilan? Yung ano ba? As in..." aniya.

"Relationship." Humigop pa ako nang kaunting softdrinks, dumekwatro at muling nagsalita, "Come on, huwag mo naman isiping tatanungin ko agad kung ilan na ang naka-sex mo."

"Ah, hindi sa gano'n," natatarantang tanggi niya. "Ahm. . . relationship, bale naka-apat ako, hindi kasi sila nagtatagal sa akin."

Nagpanting ang mga tainga ko sa sinabi niya. Siguradong may ginawa siya kung bakit lahat ng mga iyon ay hindi nagtagal. Sayang! Gwapo siya't mukha namang naliligo, base sa background check ko'y may kaya ito sa buhay. Ang kaso mukha siyang babaero.

Ngumiti na lamang ako.

"You're Kristine, right?" Napaismid ako. Sino si Kristine?

Isang lalaking nadulas na ang isda sa sariling mga dila. Hindi ko balak sayangin ang oras ko sa taong ito.

Oo na, I'm judging this guy. Ganoon naman ang mga tao, 'di ba? We do judge other people even on first meetings. Who cares? I felt it. Isa pa, tama ba'ng paghintayin niya ako ng 15 mins?!

"Mukhang nakarami ka nga. By the way, nice meeting you..." huminga ako nang malalim dahil alam kong hindi siya yung hinahanap ko. "Mauna na ako kasi may lakad pa ako." Kinuha ko na ang aking bag sa lamesa at tuluyang tumayo. Napatayo rin siya na parang nagulat sa ginawa ko.

"Are you serious? Kararating ko lang," kumakamot ulong sambit nito.

I smiled at him again. Naglakad at lumapit ako sa kinaroroonan niya. Sumenyas akong ilapit niya ang kaniyang tainga gamit ang aking kamay, dahil may katangkaran ang lalaking ito kaysa sa akin.

Agad na sumunod naman siya sa nais ko.

"Im serious," seryosong bulong ko. I left him with oozing confidence na parang nag-walkout sa sumasabog na building. Lumingon pa ako nang madinig ang message tone niya habang patuloy na lumalayo. Tanaw kong nanatili siya sa huli niyang puwesto.

I texted him.

"Pakibayaran na lang din 'yong kinain ko, and by the way, I'm not Kristine."

Finding Red Flags (ON-HOLD)Where stories live. Discover now