CHAPTER 10

67 4 0
                                    

A/N: Here we go! Sabi ko sa inyo e, I'm back! PLEASE DONT FORGET TO VOTE and COMMENT your thoughts! ENJOY!

Deedee Malabanan

"Ikaw na nga itong ipapaayos ko, ikaw pa itong maarte? Aba, teka nga, hoy Kenken, Mahal mo ba ang sarili mo?" Umagang-umaga ay hindi ko mapigilang maglitanya. Ito ang unang araw ng mga pagpaplano namin ni Kenken para sa Operation Finding Boyfriend na talagang binigyan pa ng pangalan ng bunging kasama ko sa pagpaplano. 

Ang  unang araw na ito ay sinadya ko munang ibakante, dahil may mga plano rin ako bilang down payment sa serbisyo ng pagtulong sa 'kin ni Kenken. Ewan ko ba, sa katunayan, makalimampung beses ko ring pinag-isipan kung bakit nga ba ako nagcome-up na ang bunging ito ang tumulong sa 'kin, pero gano'n talaga ang buhay. . . sa laki ng Mindoro, wala akong kakilala. He's my first and last choice kumbaga. 

"Ma'am Deedee---" Napigilan siya sa pagsasalita nang itaas ko ang kilay ko. Talagang mangangatuwiran pa siya? Inilapag ko ang kapeng hawak ko at isinandal ang aking sarili sa bakal na upuan. Dumekwatro pa ako habang siya'y nakasalo ang pisngi sa mahabang walis tingting na hawak niya. 

"Este, partner Deedee...mahal ko ang sarili ko, kaya  nga tanggap ko ang buong katawan ko. Kaya final answer na, ang tanging tatanggapin ko mula sa 'yo ay ang mga tungkol sa mga plano ko sa Maynila. Tuldok, walang dudugtong, cross my heart. " Mas lalong kumunot ang aking noo. Ilang segundo'y pinalitan ko rin ng poker face ang ibinabaling kong mukha sa kaniya, sinabayan ng pagsasabing, "Sigurado ka ba diyan? Kuntento ka sa ngipin mong maraming absentees?" 

Dali-dali akong tumayo at hinatak siya papasok ng bahay, sumalubong sa 'min ang ilang mga maid pero hindi ko na sila pinansin. Higit-higit ko ang braso ni Kenken at mariing iniharap siya sa salamin. Badtrip!

"Alam mo. . . hindi lang sa contentment nahihinto ang self-love, you need to be contented only after you did the best for yourself. Kung may kakayahan ka pa to improve, why not? Tingnan mo ko, I surpassed my best." Turan ko sa kaniya. "I guess," dagdag ko pa

Pilit siyang ngumiti sa akin. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa at nagthumbs-up ito sa akin. 

Fine, kung hindi siya naniniwala? Edi don't. 

Padabog akong umikot papunta sa kabilang gilid niya. Iginalaw ko ang ulo nito para iharap muli sa sarili nitong repleksiyon sa salamin. 

"Let me be real with you, sa totoo lang, baka iniisip mo ginagawa ko 'to for you ha? Oo sinabi ko na we can be friends saka we are partners pero  para lang maging malinaw, kahit may ganoon mang ugnayan sa 'tin, ipapaayos ko 'yong ngipin mo para sa sarili ko." Nagkatitigan kami, basang-basa ko ang paggalaw ng facial expressions niya, bahagyang umuwang ang bibig, lumamukos ang mukha kasama ng nagsasalubong na kilay. Sinuportahan pa iyan ng pagkamot niya sa kaniyang ulo. 

"'Di ko naintindihan, ngipin ko ang gagalawin, hindi ba? E paanong hindi mo ginagawa 'to para sa 'kin?"

Inirapan ko siya. Wala siyang common sense. It's just that. . .hindi ako iyon. What I mean is. . .basta! 

"Huwag ka na manghingi ng explanation. Basta iyon 'yon!" Halos maputol ang litid ko sa pagbulyaw ko na 'yon bago siya iniwan. 

---

"Goodafternoon po, ano pong sa 'tin, Ma'am?" Salubong sa 'min ng receptionist, maliit lang naman ang clinic na ito pero mukha namang lehitimo. Pagpasok pa lamang ay bungad na ang familiar na steriled na amoy ng mga clinic. Ang tahimik na ambience kung saan  may isa lamang na nakaupo sa waiting area habang nagbabasa ng Magazine. 

"No, Miss hindi ako. Siya." Saktong sumunod sa pagpasok ko si Kenken. Ngumiti ito sa Nars at animo'y himalang tila kumikinang ang mata ng dalaga nang makita si Bungi. 

Finding Red Flags (ON-HOLD)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें