Chapter 13

60 3 2
                                    

DONT FORGET TO VOTE, COMMENT AND ENJOY! LOVELOTS!


 Deedee Malabanan

Hindi mo kailangan maghabol sa taong piniling takbuhan ka, kasi sa bawat hakbang at pag-abante mo pa lamang nang ilang dipa ay siya ring inilalayo niya. 

Hindi matatapos, na kahit huminto man siya para magpahinga; kung hindi niya pipiliing hintayin ka, hinding-hindi kayo magkikita. 

Pero iyang quotation ko na iyan ay para sa mga taong hinahabol na hindi naman worth it habulin. Kagaya nung depungal na ex ko. Gayunpaman, this time the person I am pursuing is someone worth it. Hindi dahil in-love ako sa kaniya, it's because he deserve a punch on his face. Kahit pa sinabihan ako ni Darwin na hintayin siya sa loob ng sinehan, I decided to ran after Kenken, ito ang tinakbo ng right and left brain hemisphere ko na punong-puno ng init ng ulo para kina Bastie at Kenken. Paano nilang nasikmurang mangganon ng tao? Plotting a disaster para sa date ko? This is bad. Hindi na dapat maulit pa. 

"O' bakit ka tumigil diyan ha? Kaya kitang habulin hanggang sa magsara ang mall para lang konyatan kayo sa katarantaduhan niyo!" Hindi ko pinahalatang mabigat na ang paghinga ko dulot ng hingal sa malayong takbuhan namin palabas ng sinehan. Naabutan ko si Kenken na nakaupo sa sahig ng mall sa harap ng isang boutique. Pinagtitinginan kami ng mga tao, pero wala siyang magawa kun'di lumupaypay do'n habang pagud na pagod. 

Mabilis ko siyang nilapitan, may hiya naman ako at ayaw kong mag-eskandalo kaya naman ay inalalayan ko siya patayo. 

"Salamat, Ma'am Deedee! Buti naman hindi ka na galit," dikit na dikit ako sa kaniya kaya naman amoy ko ang minty smell sa hininga niya. In all fairness, nag-improve talaga ang mokong. Nginitian ko na lang din siya at mahinang binulungan, "Aba siyempre, bakit naman ako magagalit e sinira niyo lang naman ang date ko." Sarkastiko kong binitawan ang mga salitang iyon, pagkatapos ay patago kong kinurot ang tagiliran niya. Parang kung paano akong kurutin ng lola ko no'ng bata pa ako kapag hindi niya ako masuway sa harap ng maraming tao. Bakas sa mukha niya ang sakit, "Ara---ara---ara---arayyyyy. . ." Nang makalayo kami ng binata ay tinapakan ko rin nang mabilis ang paa niya at sunod na binatukan ito nang masigurong walang nakatingin. 

Agad na hinagod niya ang kaniyang ulo. 
 

"Hindi nakatutuwa iyong ginawa niyo do'n! Nasaan si Bastie?"

"Secret," tumatawa pang banggit niya.  Nagbago ang ngiti sa mukha niya ng panlakihan ko ito ng mata. 

"Bakit naman ganiyan kayo mag-isip?! You guys ruined my date! Magpaliwag ka!" Dinuro ko pa siya sa mukha. "Bakit kayo sumusunod sa akin? Ikaw talaga alam mo, you always give me confusions! Kailan ka kaya magiging consistent? Akala ko ba tutulungan natin ang isa't isa? Tutulungan mo ako, e bakit ganito sumasakay ka pa sa trip ni Bastie?" Humalukipkip ako, hindi ko na naman mapigil ang sarili kong paningkitan siya ng mata. 

"Pagsasalitain mo ba ako o manenermon ka lang?" Mas lalo ko lang siyang tinitigan. At nangibabaw na naman ang pagkalimot niyang boss niya ko. "Okay sige, ganito kasi iyon, Ma'am. . .alam mo kasi ang mga lalaki alam namin ang takbo ng utak ng kapwa naming lalaki. Parang instinct niyo ng mga babae e meron din kami no'n. " May hand gestures pa siya habang nagsasalita. 

I'm not convinced. 

"So ano sinasabi mo? Na majujustify ng instinct niyo 'yong pagsunod sa akin at pagbuhos ng softdrinks sa ulo ni Darwin?" 

"Hindi. " Tumaas ang kilay ko sa sagot niya. 

"Hindi gano'n iyon. OK?" Hindi siya makaimik. May mga gusto siyang iusal pero napamura na lamang siya sa hangin, " Ok, bahala ka. Gago kasi 'yong Darwin na iyon e. . . " aniya. Mahina man ngunit malinaw kong nadinig iyon. He sounded pissed off. 

Finding Red Flags (ON-HOLD)Where stories live. Discover now