CHAPTER 2

199 10 22
                                    

A/N: Here's an update! Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon niyo sa pagpapakilala ko sa ugali ni Deedee! Hahaha! Feel free to comment! Lovelots and Happy reading!

Pls. don't forget to VOTE!

Deedee Malabanan

Masama bang hanapin ang taong mamahalin mo, 'yong taong nakatadhana sa 'yo? Hindi naman, 'di ba? Mapapabilis lang naman kasi ang pagtatagpo ni n'yo, iyan ay kung papalarin kang makita siya.

Magiging masama lang iyon, kung doon mo na lamang isinesentro ang iyong buhay at nalilimitihan na nito 'yong mga posibilidad na pwedeng makamit mo o maaaring maging ikaw.

We don't have a clue sa kung kailan ba ang proper timing. Dahil bawat tao, may kaniya-kaniyang timeline. We also can't tell na baka yung urge mo not to find or to find true love; both might be the key to meeting that special person.

It's a sunday night at dumiretso ako dito sa resto-bar na pagmamay-ari ko. I prefer to set meet-ups sa lugar na komportable ako, lalo na kung gabi. Mahirap na at baka serial killer pala ang kablind-date ko. 'Yong dalawang bugok pa namang nagseset nito? Hindi mo maasahan sa maayos na background check.

Kaunti ang tao ngayon at tama lamang din ang bahagyang pag-ulan sa labas. Tanaw ito mula sa salaming mga dingding, na nagpadagdag sa ambient temperature ng mala outside bar na ito. Sinabayan pa iyan ng Jazz music na hindi maitatangging talagang ang smooth pakinggan.

Nagmasid ako sa paligid, at agabd kong napansin ang isang lalaking nakaupo na sa pinakadulong VIP table. Binati pa ako ng mga server at sinuklian ko naman sila.

"Table 12, Ma'am Deedee," turan pa sa'kin ni Badeth-dati kong kaklase nung highschool na binigyan ko ng trabaho, bilang manager nitong bar.

"Enjoy po, " Ani'ya.

Patuloy kong tinahak ang kinaroroonan ng lalaki, sandali ring huminto at sinipat sa pangalawang pagkakataon ang formal attire niyang mas level-up sa inaarkila para sa JS Prom.

Ang suot nitong black suit na may puting-puting polo sa loob ay pinagmukha siyang propesyonal. Talagang mapapaisip ka kung isa ba siyang CEO ng pagkalaki-laking kumpanya?

Judging him from the bottom of my right and left brain hemisphere...napakaperfect ng outside look ng lalaking ito. Hindi ko sasabihing matangos nang sobra ang ilong niya, o singkit at bilugan ang mga mata. I, myself, doesn't have the right to imply standards sa kung ano ang dapat na itsura ng gwapo sa hindi. But depending with how he presents himself? It attracts me.

Ang linis ng dating niya sa mata ko, at mukhang pasok na pasok sa sigaw ng aking pantog. Kidding aside, hindi naman ako ganoon karupok upang maging palong-palo sa lalaking ito just because panalo ang outside look niya!

I now stand in front of him, not giving him a smile. I stayed wearing neutral face, katulad nang kung paano ako sa maraming tao.

"Christian?" Tanong ko. Iniabot ko ang aking kamay-to shake hands.

The bespectacled guy smiled, at sumunod na iniayos ang ang kaniyang salamin bago tuluyang nakipagkamay.

"Right...and finally you're here," sambit pa nito sa malambing na tono.

"Just in time." Naupo na ako sa harapan niya.

"So. . .anong gusto mong kainin?" Hindi ako nakasagot agad. I am busy looking at him intently. Sige na, nangjujudge na ako! That's why I'm here in the first place. ". . .or inumin?" Dama ang ilang sa tono niya.

Finding Red Flags (ON-HOLD)Where stories live. Discover now