Cowardless 💚 Chapter 3

493 24 1
                                    

"Ay inlove si ate girl." Napalingon ako kay Apple. Kadarating niya lang at ako na naman ang agad na napansin.

"Uy 'di ah." Tanggi ko kaya hinampas niya 'ko sa balikat. Napaaray na lang ako dahil ang bigat ng kamay niya.

"Sus pero abot tenga ang ngiti mo. Hindi ka na badtrip sa house niyo?"

"Maaga ako umalis. Inuunahan ko sila," tumatawang wika ko. Siguradong wala sa mood ang mga tao ro'n ngayon, lalo na si Mama. Mainit ang ulo no'n kapag walang pera. Buti sana kung sa magandang paraan niya ginagamit ang binibigay ko, ipinangbibingo niya lang naman.

"Kung hindi ba namatay ang Papa mo hindi magkakaganiyan ang Mama mo?"

Napailing ako, "I don't think so. Sugarol talaga si Mama kahit buhay pa si Papa. Kaya nga lagi silang nagtatalo." Muli na akong humarap sa computer at saka bumalik sa tinatrabaho. Mukhang nagets naman ni Apple na ayokong pag-usapan pa kaya hindi na rin siya umimik pa.

Pulis kasi si Papa at minalas dahil nagkaroon ng engkwentro, hindi inaasahang masasaksak siya ng suspek. Mabuti na lang at nakulong naman 'yong gumawa. College ako that time at lima kaming magkakapatid. Maraming salamat sa pension na nakukuha namin kaya nakapagtapos ako at ngayon ay may magandang trabaho. Ang sumunod sa akin ay si Mario na ngayon ay pamilyado na, ipinagpapasalamat ko na lang na may prinsipyo din ang kapatid kong 'yon. Siya lang siguro ang nakakaintindi sa 'kin. Sumunod si Angela graduating na sana pero nabuntis kaya kailangang tumigil. Si Tim naman second year college pa lang, samantalang dapat ay nagtatrabaho na. Nakailang shift na 'yan ng course. Ang bunso naman namin ay si Jane, first year college. Lahat 'yon kargo ko, kaya masakit sa ulo. Ni hindi ko na nga alam kung paano ko pa nakakaya. Siguro dapat din akong magpasalamat na mataas ang sahod ng social worker.

Napabuntong hininga na lang ako. Wala namang mangyayari kung lagi ko silang poproblemahin. Gusto ko na lang matapos ang araw na 'to, para makausap ulit si Rachel. Isang linggo na rin yata kaming nag-uusap, walang palya. Kahit na wala naman kaming matinong napag-uusapan. Puro lang yata tawa ang ambag ko sa conversation namin.

Online siya tuwing alas onse at isiseen ako bago mag-alas dose. Routine niya 'yon. Para tuloy siyang si Cinderella. Takot maabutan ng alas dose.

"Hoy tara." Napalingon ako kay Apple at saka napatango. Agad kong inayos ang mesa bago binitbit ang wallet. As usual, doon ulit kami sa karinderya. Suki kami rito. Malinis kasi at masarap ang mga ulam.

Nasa kalagitnaan na yata kami ng pag kain nang kumalagsing ang chains sa pintuan, senyales na mayroong pumasok. Automatic akong napalingon doon at nalaglag yata ang panga ko sa nakita.

Si Rachel 'yon. Mag-isa lang siya.

Nabitawan ko ang hawak na kutsara. Mabilis din akong nag-iwas ng tingin at agad na tumalikod. Nagkatinginan kami ni Apple. Natawa siya bago ako inabutan ng tubig. Saka ko lang napansing hindi ko pa pala nalulunok ang kinakain dahil natigil ako sa pag nguya.

Mabuti na lang at malayo ang pwesto niya sa akin. Alam ko namang hindi niya pa ako kilala pero tangina, kinakabahan ako.

"Mukhang suki siya rito." Wika ni Apple habang nakataas ang kilay. "Bakit ka nagtatago? Hindi ka naman niya makikilala."

Nilagok ko ang isang basong tubig para makalma ang sarili. Pasimple ko siyang nilingon. Sobrang sosyal niya kung kumain na akala mo ay nagfifilm siya ng commercial. Nakapantalon lang ito na binagayan ng suot niyang pink na crop top. Sobrang simple pero daig niya pa ang isang modelo.

"Ang ganda niya pala talaga." Sabad ni Apple habang pareho kaming nakatingin kay Rachel.

"Oo." Wala sa sariling sagot ko. Hindi ko maialis ang tingin sa kaniya. Namamagnet na yata ang mga mata ko. Kumakain lang ito na parang walang pakialam sa paligid. Bigla tuloy akong nabilib sa kaniya, paanong ang isang sosyal at mayamang tulad niya ay kumakain sa isang pipitsuging karinderya?

Cowardless LoveWhere stories live. Discover now