Cowardless 💚 Chapter 11

403 27 15
                                    

"Anong balak mo sa Valentine's day?" Tanong ni Apple habang pareho na kaming nagliligpit ng mga gamit. Uwian na kasi at bukod pa ro'n, February 14 na bukas kaya naman napupuno ako ng tanong kung anong plano ko. Wala naman akong maisasagot dahil wala naman akong girlfriend. At hindi lang naman siguro para sa mga magkasintahan 'yan. OA lang ang mga tao.

"Wala lang. Ikaw?"

"Date lang sa tabi-tabi." Kinikilig at nakabungisngis na sagot ni Apple kaya napangiti na lang din ako. May asawa na kasi siya pero walang anak. Ewan ko ba diyan kung ba't wala. Sa pagkakaalam ko naman ay 7 years na silang kasal. Aniya'y wala pa silang plano.

"Anyway, hindi ba kayo magdedate ni Rachel?" Tanong niya kaya natawa ako. Leche kung pwede lang magdate e bakit hindi?

"Walang kami, gaga. Ang weird naman kung aayain ko siya magdate 'di ba?"

"Why not? Friendly date?"

"Ayoko nga. 'Wag na lang magdate kung pang friends lang." Hinampas ako nito sa balikat.

"Choosy ka pa ah." Sa huli ay pareho na lang kaming nagtatawanan. Sa totoo lang, sa tagal naming magkausap ni Rachel walang nag-open tungkol sa relationship. Although, nafifeel kong may something naman ayokong magmove.

Inuunahan ako ng takot. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip niya. Anong malay ko kung friendly gestures lang pala lahat ng sinasabi kong 'may something'. Baka ako lang 'tong assumera at binibigyan na lang ng malisya ang lahat.

Pasado alas nuwebe na yata nang makarating ako sa condo ni Rachel. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako nakakalipat. Okay lang daw sa kaniya pero syempre nag-iipon pa rin ako. Ayoko namang malugmok sa ganitong image. Gusto ko ring magpaimpress kahit papaano.

Lintek lang kasi. Kung hindi ninakaw 'yong ipon ko, marami na akong nabili. Ayoko na lang istress pa ang sarili dahil wala naman nang mangyayari. Mananakit lang ang ulo ko kakaisip sa perang nawala.

Pagswipe ko ng card, nagulat ako nang makita si Rachel na nakatayo. Nakatalikod siya sa pinto kaya kitang kita ko na naman kung gaano kaganda ang hubog ng katawan niya.

Napalunok muna ako bago napaayos ng tayo, "Hi?"

Agad niya akong hinarap. Ito ang pangalawang pagkakataon na nakikita ko siya nang harapan. Pansin kong wala siyang suot na kahit anong make up kaya halatang halata ang medyo maitim na bahagi sa ilalim ng mata niya. Para bang ilang araw siyang walang matinong tulog.

"Hey," tipid niya akong nginitian. "Sorry hindi ako nagsabi."

"Ha? Ano ka ba, bahay mo 'to." Tumatawang saad ko saka ipinatong sa gilid ang bag. "Kumain ka na ba?" Dumiretso ako sa kusina para sana magluto, kahit papaano marunong naman ako at ako na rin ang bumili ng mga stock dito. Nakakahiya kasi kung kuha lang ako nang kuha. Wala akong nakuhang sagot kaya napabuntong hininga ako. Hindi ko tuloy alam kung anong sasabihin.

"Natalie," agad akong napalingon sa kaniya. "Gusto mo bang pumunta sa beach?"

"Ha? Ngayon?"

"Ngayon." Aniya kaya medyo nagtaka ako. Problemado siguro ang taong 'to. "Are you free tomorrow?"

"Oo naman," untag ko na lang kahit sa totoo lang ay kakaday-off ko lang. Hindi naman siguro ako mamamatay pag umabsent e.

"Then, pwede mo ba akong samahan?" Titig na titig sa akin ang mga mata niya kaya sino ba naman ako para tumanggi. Namalayan ko na lang ang sarili na nag-iimpake ng iilang piraso ng damit. Aniya'y overnight lang dahil gusto niya lang magswimming. Kinakabahan tuloy ako. Unang beses ko siyang makakasama sa trip or kung trip nga ba 'tong matatawag.

Cowardless LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon