Cowardless 💚 Chapter 18

315 21 2
                                    

Kinabukasan din ay sinorpresa ako ni Lauren, saying na may nahanap na siyang apartment para sa 'kin. Hindi na ako nakatanggi kahit pa nalaman ko kung magkano ang upa kada buwan. Kaya naman lalo na at wala naman ba akonh binubuhay pero ang laki pa rin no'n. Sinamahan niya rin ako papunta ro'n kaya heto, kahit gabing gabi na nag-alsabalutan na ako. Mga damit lang naman ang dala ko kaya less hassle.

Tumigil ang sasakyan ni Lauren sa tapat ng limang palapagna gusali. Mukhang kada palapag ay mayroon itong limang unit.

Nilingon niya ako at nginitian, "Let's go." Tumango lang ako at sumunod sa kaniya. Sinalubong kami ng landlord nang nakangiti kahit pasado alas onse na sa gabi. Sila ni Lauren ang nag-usap kaya tahimik lang akong nakikinig. Mabilis lang naman 'yon bago ibinigay sa akin ang susi. Aniya'y sa 2nd floor ako.

"Dito ka na matulog, medyo late na e." Untag ko nang makapasok sa unit. Pinasadahan ko 'yon ng tingin. Okay naman. May mga gamit na rin kaya sulit naman ang 5k kada buwan. Dalawa ang kwarto at may malawak na kusina.

"Did you like it?"

"Hmm. Sobra pa." Nginitian niya ako atsaka niyakap. "Thank you."

"Well, mukhang palagi akong tatambay rito."

"Nah, ako na lang ako pupunta sa 'yo. Okay?" Tumango tango siya.

"May kwento ako." Hinila niya pa ako paupo kaya natawa na ang ako.

"Ano 'yon?"

"Diba I told you about my family? Actually, 'yong karinderia malapit sa workplace mo. My mom-- si mama runs it. Siya rin ang naglilinis sa condo ko at nagluluto ng food doon."

Nanlaki yata ang mata ko sa narinig. Ngayon, napagtatagpi-tagpi ko ang lahat ng mga pangyayari. Kaya naman pala nakakapagtakang ang mayamang si Rachel ay kakain sa isang pipitsuging karinderia. Kaya naman pala pamilyar ang lasa ng mga pagkaing nasa condo niya. "Woah. You mean 'yong Ale ro'n?" Napatakip ako sa bibig at napatayo pa. "Hindi ko inaasahan."

Napangiti siya, "I know. I helped them move here. I don't know kung alam nina Mommy but I've been helping them since then." Napasandal siya sa upuan at napatingala waring inaalala ang mga mukha ng pamilya niya.

"I have three siblings. Lillian is now 23, she's currently a teacher. Lovely is 20, soon we'll have an engineer in the family. Lucky, is turning 17. He's smart. Sa aming magkakapatid, he's the smartest kaya feeling ko paborito siya ni mama. Malapit lang sila rito. I rarely visit but when I do, parang ayoko ng umuwi. They always welcome me with a smile." Ang lapad ng ngiti niya habang nagkukwento. Hindi ko alam pero sobra sobra na yata ang paghanga ko sa kaniya. Masyado siyang family oriented.  Sobrang proud ako sa kaniya. Hindi siya selfish at imbes na magalit sa totoong nanay niya, mas pinili niyang magpursige para matulungan sila.

Napangiti na lang din ako. Tinabihan ko siya at niyakap saka hinalikan sa noo. "Proud ako sa 'yo."

Nginitian niya ako, "Thank you. Soon, you'll meet them. Parang ang sama ko but I'm waiting for them to disown me." Natawa kaming pareho dahil sa sinabi niya. Kung gaano niya kamahal ang totoong pamilya ay 'yon naman ang pagkamuhi niya sa mga Acosta. Tanda na hindi maayos ang pag-ampon nila sa kaniya. Pagkagkatapos ng kwentuhan na 'yon ay natulog na rin kami agad dahil pareho kaming may pasok. Ewan ko pero mas determinado ako ngayong hindi iwan si Lauren, kahit pa paulit-ulit akong insultuhin at maliitin ng mga Acosta. Ayos lang.

***

"Nakalipat ka na?" Bungad ni Apple pagkadating ko. Napatango ako atsaka naupo sa tabi niya. "Mukhang stressed na stressed ka these days ah?"

"Nakakapraning e." Untag ko. Hindi niya alam ang buong kwento pero nagsabi ako kahit papaano. So far, inaakala niya lang na tutol ang parents ni Rachel sa amin. Hindi ako nagkwento tungkol sa personal na buhay ng girlfriend ko. Okay na rin siguro 'to lalo na at masyadong kilala sa bayan ang mga Acosta.

Cowardless LoveWhere stories live. Discover now