Hindi ako pinatulog ng chat ni Rachel. Hindi na nga ako nakapagreply. Basta lang akong naglog-out habang sapo ang dibdib ko. Sobra akong kinabahan at nagpanic to the point na hindi ko alam kung anong irereply.
Ngayong kauuwi ko lang, hindi ko tuloy alam kung dapat ko ba siyang reply-an o hindi. Taena. Nakakagulat naman kasi 'yong request niya. Hindi ko rin alam kung personal ba o sa screen lang. Busy pa man din ako sa work nitong mga nakaraang araw at mas magiging busy pa ako kaya hindi talaga ako sigurado. Pwede naman kung video call lang pero taena, ni hindi ko nga magawang magselfie dahil nasasagwaan ako sa mukha ko. Makipag video call pa kaya kay Rachel?
Sobrang ganda niya pa naman kaya wala akong mukhang maihaharap sa kaniya.
Napabuntong hininga na lang ako at saka nahiga sa kama. Taena. Buong maghapon akong hindi nilulubayan ng thoughts ko tungkol kay Rachel.
RACHEL V. ACOSTA
9:16 PMNat: Hi
Nat: Sorry sineen kita kagabi
Nat: Masyado kasing unexpected
Rachel: It's okay.
Nat: Bakit ang aga mo na mag-online?
Rachel: Trip ko lang.
Nat: Wow kakaibang trip hahhahaa
Rachel: So,
Nat: So...
Rachel: About kagabi,
Nat: 'Yong request mo?
Nat: To be honest, nahihiya ako. Plus hindi ko alam kung sa screen ba or personal.
Rachel: Screen haha.
Rachel: I can't meet you for now.
Nat: Bakit naman?
Rachel: Work.
Nat: Oh HAHAHAHA
Nat: Buti naman hehe
Nat: Medyo kinabahan ako
Rachel: So, ayaw mo ba?
Nat: Kinakabahan ako
Nat: HAHAHAHAHHA shet
Rachel: Why?
Nat: Ikaw 'yan e HAHAHHA
Nat: Tangina ang dugyot ko pa naman
Rachel: Masyado kang negative.
Nat: Hindi HAHAHA
Nat: Truth lang
Nat: Bakit mo nga pala ako gusto makita?
Rachel: I want to know you more.
Nat: Ha?
Rachel: I want to know you more?
Nat: Ha?
Nat: I mean
Nat: Bakit?
Rachel: I want to consider you as my friend.
![](https://img.wattpad.com/cover/240838169-288-k926308.jpg)
VOUS LISEZ
Cowardless Love
Roman d'amourSTATUS: COMPLETED [Behind the Screen Series #3] Matagal nang gusto ni Natalie ang lumaya at sumaya pero mukhang wala 'yon sa bokabularyo ng pamilya niyang nakaasa sa kaniya. Bilang isang panganay, kailangan niyang tumira nang nakaayon sa expectation...