Cowardless 💚 Chapter 30

342 24 1
                                    

Matagal kaming nakaupo lang doon sa tapat ng magandang view hanggang sa unti-unting pumatak ang ulan. Nagkatinginan kami saka mabilis na napatayo.

"Saan tayo?" Tanong ko habang siya ay aligaga sa pagdampot ng mga gamit niya. Hinawakan ko siya sa kabilang kamay bago kami nagtatakbo papunta sa isang tindahan at doon sumilong.

"Sobrang unexpected ng ulan." Hingal na wika niya habang todo pagpag sa damit niyang nabasa, animo'y matutuyo iyon sa ginagawa niya. Napangiti na lang ako habang pinagmamasdan siya.

"So, where should we go now?" Aniya bago nag-angat ng tingin. Patay malisya naman akong napadiretso ang tingin sa labas ng tindahan.

"Hindi ka pa ba uuwi?"

"I don't want to. Ikaw?" Hindi ako nakasagot agad, "Will you stay with me tonight?"

"Ha?" Maang na tanong ko habang gulat na nakatitig sa kaniya. Sa halip na sumagot ay nginitian niya lang ako. Shet lang pero sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Parang deja vu, bigla akong ibinalik ng alaala ko noong mga panahong inaya niya akong pumunta sa beach, 'yong time na nagkaaminan kami.

"Ayaw mo ba?"

"Hindi!" Bawi ko, "Gustong gusto... ko." Natawa siya sa sagot ko kaya nag-iwas na lang ako ng tingin. Bakit ba kasi ang cool niya?

"Let's go." Aniya saka walang pasabing hinila ako sa kamay. Hindi ko inaasahan 'yon kaya nagpatangay na lang ako. Basang basa kami dahil sa malakas at malalaking patak ng ulan pero patuloy kami sa pagtakbo hindi alintana ang lamig.

Para kaming bumalik sa pagkabata at ineenjoy lang ang ulan. Huminto pa kami saglit sa gitna ng kalsada, walang pakialam kahit ang weird ng tingin sa amin ng mga nakakakita.

Ang sarap pagmasdan ng nakangiti niyang mukha habang nakatingala sa langit at sinasalo ang tubig ulan. Ang sarap din sa tenga ng mga hagikhik niya.

Kung may super powers lang ako, palagi kong pauulanin para makita siyang ganito kasaya.

Natigilan ako nang nilingon niya ako, naroon pa rin ang malapad na ngiti sa labi niya. "Tara!" Sigaw niya saka ulit ako hinila. Nagtatakbo na naman kami hanggang sa marating ang tapat ng isang hotel na tingin ko'y mumurahin lang.

Walang tanong akong nagpatangay sa kaniya. Isang kwarto lang ang kinuha niya kaya ramdam ko na naman ang kaba sa dibdib. Isa lang ang ibig sabihin no'n, makakasama ko siya sa iisang kwarto sa gabing ito.

Nauna siyang pumasok saka basta inilapag sa mesang nasa gilid ang mga gamit niyang basang-basa. "Not bad." Bulong niya habang pinapasadahan ng tingin ang kabuuan ng kwarto.

"Hindi ka ba hahanapin ng asawa mo?" Usisa ko habang pinagmamasdan siyang alisin ang lahat ng aksesoryang suot sa katawan.

"He wouldn't care that much." Wika niya sa tinatamad na tono kaya napatango na lang ako at naupo sa silya kahit pa basang basa ang damit ko.

"Gusto mo bang ikaw na ang mauna?" Tanong niya habang ingingunguso ang pinto papuntang banyo kaya napailing ako. "Okay, ako muna."

Naiwan akong mag-isa habang libo-libong ideya ang pumapasok sa isip ko. Gusto kong malaman kung ano bang maitutulong ko sa kaniya. Gusto ko siyang makalaya, hindi lang kay George kundi pati sa totoo niyang pamilya. Hindi ko rin 'to ginugusto para may chance kami kundi para sa kaniya mismo. Gusto ko siyang sumaya, maging malaya.

"Ikaw na." Napaangat ako ng tingin at nakita siyang lumabas na suot lang ang tanging bath robe na inoffer dito.

"Hindi ka ba giginawin sa suot mo?"

"Wala tayong choice." Nagkibit balikat lang siya saka naupo sa silya. Napangiti na lang ako at nagbanlaw. Gaya niya'y wala nga akong choice kundi ang magsuot ng bath robe. Nakakaasiwa dahil parang wala pa rin akong saplot.

"I had fun." Bungad niya pagkalabas ko ng banyo. Malaki pa rin ang ngiti niya kaya pati ako ay nahahawa. "Ikaw?"

"Oo. Ngayon ko lang naenjoy ang ulan." Sa totoo lang ayoko ng tag-ulan. Marumi ang tubig sa kalsada dahil sa nagkalat na tae ng aso at ng kung ano-ano pa, maputik din pero iba ngayon. Para bang lahat na lang ng maeexperience ko kasama siya, maeenjoy at magugustuhan ko.

"Great." Nakangising wika niya saka pinatay ang aircon. Pabagsak din siyang nahiga sa kama.

"Dito na lang ako sa couch." Tugon ko na sinagot niya lang ng tango.

"I wanna file an annulment." Nagulat ako sa sinabi niyang 'yon. Nilingon niya ako, "Can you help me?"

"Ha?"

"Help me?"

"I mean, anong tulong..." Napabuntong hininga siya saka muling ibinalik sa kisame ang mga mata.

"Samahan mo lang ako sa pag-aasikaso kasi honestly, lumalakas ang loob ko kapag kasama ka." Pag-amin niya na nagdulot ng saya sa puso ko.

"Anong plano mo?"

"I'll go to my foster parents and tell them what I wanted to do then I'll visit my real family afterwards. Marami akong naipon, that at least will worth the physical pain that George gave me." Napailing-iling siya bago itinuloy ang kwento niya. Nalaman kong hindi sa kaniya ipinamana ng mga Acosta ang mga clothing line. Buong akala ko pa naman ay mahal siya ng mga iyon kahit papaano, hindi pala talaga. Walang binigay ang mga ito sa kaniya kahit na piso. Ang boutique na pagmamay-ari ni Lauren ngayon ay dugo at pawis niya.

"Hindi ba alam ni George na marami kang ipon?" Tanong ko na lang. "At saka akala ko ba ayaw niyang makipaghiwalay sa 'yo?"

"Hindi and wala siyang choice. The marriage benefit us both. Thanks to him, I provided my family a good life while because of the Acosta's his family's business is doing great, not until now. Nakadepende na lang sa Acosta ang mga negosyo nila. I don't think he can survive. Plus the fact that his dad was involve in illegal business."

"Bakit hindi mo naisip na gawin 'to noong una pa lang?"

"I told you, wala akong choice. Nakadepende pa ako sa mga Acosta. I can't give my family a good life kung uunahin ko ang sarili. And I..." Napaiwas siya ng tingin, "I really thought, George is the one for me."

"Oh." Sagot ko na lang. Sinabi niya na noong sinubukan niya akong kalimutan pero masakit pa rin kapag harap-harapang naririnig. Marami akong kakulangan. Hindi ako mayaman at kahit kailan at hindi ko maibibigay ang karangyaan na nakasanayan niya. Babae ako. Hindi ko siya mabibigyan ng anak. Hindi siya magiging proud sa tulad ko.

Tahimik na lang akong nahiga sa couch patalikod sa kaniya. Masama ang loob ko pero wala naman akong ibang magagawa kundi ang samahan siya.

"I'm too selfish, 'no?" Rinig kong tanong niya. "Tatanggapin ko naman kung iiwan mo na ako after this night."

"Pa'no ko naman magagawa 'yon." Bulong ko habang pigil na pigil ang sariling 'wag umiyak.

"I don't deserve you." Napabangon ako at saka siya tiningnan, nakaupo na siya sa kama at matamang nakatingin sa akin. "Natalie..."

"I'll stay. Hindi ko 'to ginagawa para sa sariling desire ko kundi para sa 'yo," bumaba ang tingin niya sa sahig. "Kasi gusto kitang makitang masaya. Kung hindi nga tayo sa isa't isa, tatanggapin ko naman basta alam kong masaya ka na at malaya."

"Nat," basag ang boses niya nang sabihin 'yon. "What did I even do to meet someone like you? Mahal din naman kita that's why I want to fix myself. Para maging deserving ako sa love na inooffer mo."

"Lauren, gusto kong gawin mo 'yan para sa sarili mo. Hindi para sa 'kin o sa pamilya mo. Kundi sa 'yo mismo." Natigilan siya sa narinig. Umiiyak na naman siya.

"Sorry." Huling saad niya bago ako tinalikuran at muling bumalik sa pagkakahiga sa kama.

Gulong-gulo ako. Hindi maproseso ng utak ko ang lahat ng napag-usapan namin. Closure ba 'to? Ito na ba 'yon? Tatanggapin ko na ba talagang hindi kami?

Bakit ang sakit?

Cowardless LoveWhere stories live. Discover now