Cowardless 💚 Chapter 16

344 24 2
                                    

A/n: I'm very sorry sa sobrang tagal na update. Busy po ako sa school huhu babawi po ako promise. Enjoy reading 💚

***

Pagkauwi ay agad akong naupo sa sofa. Pakiramdam ko, blangko ang utak ko. Paulit-ulit lang na nagrereplay sa isip ko 'yong sinabi ni Mama. Ngayon ko narealize ang lahat. Kung bakit ganoon ang trato niya sa akin. Kung bakit sa aming magkakapatid, sa akin lang siya hindi natutuwa. Siguro sa tuwing nakikita niya ako, naaalala niya ang kasalanang ginawa ni Papa.

Napahilot ako sa sentido. Nabalik lang ako sa reyalidad nang tumabi sa akin si Lauren. Tipid niya akong nginitian at saka hinalikan sa pisngi bago niyakap.

"I'm here for you." Wika niya dahilan para matunaw ako. Nawala lahat ng pagko-control at pagcompose ko sa sarili. Namalayan ko na lang ang sarili na umiiyak. Wala naman siyang imik sa tabi ko at nanatili lang nakayakap sa akin. Sa pamamagitan no'n, nababawasan ang bigat na nararamdaman ko hanggang sa pareho kaming nakatulog.

Nagising lang ako dahil sa mahinang tapik sa pisngi ko. Pagdilat ng mata ay agad kong nakita ang orasan sa taas. Alas kwatro na pala sa umaga. Dito na pala kami nakatulog sa sofa. Mabuti na lang at kasya kami rito.

"Good morning. Magwowork ka ba ngayon?" Tanong niya matapos bumangon. Tumango lang ako. "Okay. Maliligo lang ako."

Dahil meron namang banyo sa may kusina, doon na lang ako naligo. Muntik pa nga akong magulat sa itsura ko. Para kasi akong binugbog dahil sa namamagang mata at namumulang mukha. Para na ring iitlugan ng ibon ang buhok ko. Napabuntong hininga na lang ako at saka nagsimulang mag-ayos. Sinubukan ko na lang kalimutan ang lahat ng nangyari kahapon.

Mahirap tanggapin 'yon pero wala akong magagawa. Hindi naman titigil ang mundo dahil lang nasaktan ako. Kailangan ko pa ring kumayod at humarap sa mga tao.

Pagkatapos magbihis ay dumiretso ako sa kusina para magluto. Sinangag at itlog lang ang nakayanan ko. Hindi naman maarte si Lauren sa pagkain kaya kakainin niya pa rin naman kahit masama ang lasa.

Napailing na lang ako sa naisip.

"Babe," napalingon ako at tinaasan siya ng kilay. "Why?"

"Saan galing 'yang 'Babe'?"

"Wala lang. Bakit? Ayaw mo ba?" Sinimangutan ko na lang siya at saka inihain lahat ng niluto ko. Agad naman siyang naupo at tinikman 'yon.

"Hindi masarap?"

"Hmm. Malayo sa dagat." Aniya sa pagitan ng pagnguya. Nakita niya sigurong hindi ko nagets kaya natawa siya. "Matabang. Takot ka ba sa asin?"

"Sorry. Ayokong magkasakit ka sa bato." Pareho kaming natawa. "Masama ba ang lasa?"

"Nah. Matabang lang pero masarap naman."

"Bolera ka rin."

"Hindi ah. You should do the cooking na since mas may future ka kaysa sa akin. I mean, we can't just order food forever." Napatango naman ako.

"Sige. Pag-aaralan ko para sa 'yo." Napangiti siya saka ako sinipa. Sa huli ay nagtawanan na lang kami. Sa kabila ng mga lecheng nangyari sa buhay ko, nandiyan si Lauren. Nandito siya sa tabi ko.

Naisip ko na lang din na baka tadhana ang nagdala sa aming dalawa sa isa't isa. Pareho kaming may family issues. Destiny yata.

Natawa na lang ako sa naisip. Bwisit, ang corny ko.

"Magcocomute na lang muna ako ngayon." Untag ko kaya tinaasan niya ako ng kilay. "Ayokong mapagod ka kamamaneho."

"Okay but if I'm not busy, then let me." Tumango-tango ako atsaka siya hinalikan sa pisngi bago kami tuluyang lumabas sa unit niya. Sa sobrang tangkad niya nga tumitingkayad pa ako ng kaunti.

Cowardless LoveDonde viven las historias. Descúbrelo ahora