Cowardless 💚 Chapter 17

333 23 2
                                    

Abot langit siguro ang kaba ko pero kapag napapatingin ako kay Lauren, naiisip kong siguradong mas kinakabahan siya. Takot na takot siya sa mga Acosta at hindi ko alam ang dahilan. Wala pa nga yata sa kalahati ang nalalaman ko sa buhay niya.

Noon, akala ko ako na ang pinakanasasakal na tao sa buong mundo. Sakal na sakal ako kina Mama at mga kapatid ko pero nang nakilala ko si Lauren, narealize kong wala pa sa kalingkingan ng mga pinagdaanan niya 'tong pagkasakal ko.

Napabuntong hininga na lang ako atsaka siya hinawakan sa kamay, "I love you." Napalingon siya sa akin saka ako tipid na nginitian. Hindi ko tuloy alam kung anong gagawin para mapagaan ang loob niya. Hindi ko na nga siya pinayagan pang magmaneho dahil wala siya sa wisyo.

Langya naman kasi, bakit kailangang sabay sabay ang mga issue at problema?

Tumigil ang taxi sa tapat ng malaking gate. Nakapunta na ko rito nang isang beses pero parang kakaiba ang aura nito ngayon, animo'y may mga mangkukulam na nakatira.

"Let's go." Aniya saka bumitaw at nagsimulang maglakad. Nakasunod lang ako na parang sinasabing nakaalalay ako sa kaniya. Dire-diretso kami papunta sa isang silid at nang buksan ang malaking pinto, bumungad ang dining area.

Sa mahabang mesa ay nakahain ang mga nagsasarapang pagkain pero dalawang tao lang ang magkaharap na nandoon. Napalunok ako nang matitigan ang mga mukha nila. Halos puti na ang mga buhok pero sobra pa ring sophisticated tingnan.

"Oh, you're here." Kumalagsing ang mga kubyertos na binitawan ng babae at saka kami pinasadahan ng tingin. Matalim kung tumitig ang singkit nitong mga mata, maliit din ang labi na para bang tuwing bubuka 'yon, may maririnig kaming hindi maganda.

"Y-yes."

"I'm so disappointed in you, Rachel." Napairap ito saka ako tiningnan mula ulo hanggang paa waring hinuhusgahan pati buong pagkatao ko. "You're dating a lesbian and on top of it, pobre pa."

Kumalagsing ulit ang mga kubyertos pero this time galing 'yon sa lalaki. Nagpunas ito ng bibig gamit ang table napkin.

"I lost my appetite." Wika nito saka walang pasabing umalis.

Halos ubusin ko na lahat ng murang alam. Lahat ba ng mayayaman ganiyan umasta? Kung magsalita sila para bang germs ako. Hayop. Kinakalma ko lang ang sarili para kay Lauren.

Napahawak sa sentido ang babae saka may kinuhang kapirasong papel sa bag at nagsulat doon, "Here, take this and leave my daughter alone." Tinapon niya 'yon sa sahig.

"Hindi ho pera ang habol ko kay Rachel."

Napaismid ito, "And yet sa condo niya ikaw nakatira? What a hypocrite."

"Pera ko naman ang ipinambili sa condo na 'yon." Mahinang sabi ni Lauren.

"What? 'Yan ba ang natutuhan mo sa kaniya? Asal tambay ka na rin. My God!" Aniya atsaka hinilot-hilot ang sentido. "Break up with her this instant dahil hindi mo magugustuhan ang gagawin ko. Rachel is perfect--"

"And I'm not her!"

Napatayo ang babae atsaka kami nilapitan. Agad napaatras si Lauren. Sa sobrang bilis ng pangyayari, hindi namin namalayan ang malakas na pagsampal nito sa kaniya. Nilingon ako nito at tinitigan nang masama. "Don't even try. 'Wag kang mangingialam."

"Rachel, stop disappointing us. Why are you doing this?"

"I'm--I love her." Halos pabulong na wika niya. Napaismid muli ang babae na hanggang ngayon hindi ko pa rin alam ang pangalan at ayoko ring malaman. Okay nang kilala ko sila bilang Acosta, ang umampon kay Lauren.

"No, you don't. Nacoconfuse ka lang. You have everything here, why do you want to leave just for that woman?" Ilang segundo kong nakita ang pag-aalinlangan sa mga mata ni Lauren. Pinanghihinaan na yata ako ng loob. Kahit hindi niya sila kadugo, alam kong may puwang sila sa puso niya at sino ba naman ako para pumalit sa lahat ng bagay na mayroon siya? At alam naming pareho na hindi ko 'yon maibibigay.

Cowardless LoveWhere stories live. Discover now