Cowardless 💚 Chapter 6

411 24 1
                                    

Napahilot ako sa sentido dahil sa sobrang pagkahilo. Iba-ibang amoy ang nalalanghap ko dahil sa dami ng tao. Mayroon kasi kaming program ngayon o kung program nga bang matatawag. Mamimigay ng financial assistance kaya naman dagsaan ang mga tao. Pabalik balik rin yata ako sa loob ng opisina at sa labas para lang maaccomodate ang lahat.

"Miss," napalingon ako sa matandang kumalabit sa akin. "Saang window ba 'yong magbibigay daw ng pera?" Napakamot na lang ako sa ulo.

"Ay window 4 po, Nay pero hindi pa ngayon mamimigay e. Baka next week pa. May requirements lang pong hinihingi." Nakangiting wika ko saka itinuro ang malaking poster sa gilid na naglalaman ng mga requirements na kailangan nila.

"Sige, salamat." Nakangiti ring sabi niya kaya napatango ako.

Pagkapasok ko sa loob ay agad akong sumilip sa mahabang pila. Taena ang dami e samantalang limitado lang naman ang makukuha depende sa pangangailangan. Napabuntong hininga na lang ako.

"Ate, Nat. Cut-off na ba? Dumarami pa kasi 'yong dumarating e one week 'to?"

"Alas diyes na rin naman. Sige na, cut-off na muna. Maglalunch break pa tayo." Untag ko bago dumiretso sa table ko. Ang daming inaasikaso kapag ganito. Marami ring papeles ang nakakalat kaya hindi mo alam kung anong uunahin.

"Hoy pa'no 'to? Nagpupumilit si ate girl e kulang requirements niya." Napalingon ako kay Apple saka siya tinanguan.

"Edi sabihin mo pwede pa naman bumalik bukas at dapat kumpleto na para mabilis ang proseso."

Napabuntong hininga na lang ako. Ganoon lumipas ang buong araw ko. Sobrang busy na hindi ko na nga nagawang icheck ang cellphone. Pasado alas diyes na rin ako nakauwi.

Nadatnan ko ulit si Mama na nanonood ng TV pero this time ay katabi niya si Tim. Nag-uusap sila nang seryoso. Napailing na lang ako. Mukhang may manghihingi na naman. Kapag normal na mga araw naman alas otso pa lang busy na sila sa kaniya-kaniyang kwarto pero kapag may hihingin sa akin nahihintay ako kahit yata alas dose pa ako umuwi.

"Kumain ka na ba?" Nakangiting bungad ni Mama na tinanguan ko lang. Anak ng tokwa kahit naman sabihin kong hindi alam kong wala ng pagkain doon. Ang lalakas kaya nilang kumain.

"Si Tim nga pala hinihintay ka, may project daw sa school e. Kailangan ng pera."

"Kabibigay ko lang no'ng isang linggo." Sagot ko saka dire-diretsong naglakad papasok sa kwarto. Naririnig ko pa nga ang malalakas na pagkatok ni Mama sa pinto na halos sirain na 'yon. Mabuti na lang at nailock ko kaagad. Hindi rin naman nila 'yon mabubuksan dahil hiningi ko sa kanila 'yong duplicate key. Palaging sarado ang kwarto ko dahil kung hindi, baka matagal nang ubos ang ipon ko.

Ewan ko ba kay Mama. Hindi niya yata ako nakikita bilang anak. Mas ramdam ko pang piggy bank ang tingin niya sa akin. Tipong kahit wala naman siyang inihuhulog may makukuha siya pag ginusto niya. Isang linggo na rin yata ang nakalipas mula nang pagsahod ko, halos kalahati yata ang ibinigay ko sa kanila. Ayoko lang ng ingay.

Pagkabihis ay napahiga ako sa kama saka agad na nag-online. Hindi naman sa masyado akong assuming pero magmula no'ng video call na 'yon, madalas nang online si Rachel nang mas maaga pa sa alas onse. At kapag nagchat ako, ang bilis niyang magreply.

RACHEL V. ACOSTA
10:48 PM

Nat: Hi

Nat: Magandang gabi

Rachel: Magandang gabi rin.

Nat: Mas maganda ka sa gabi

Rachel: What haha.

Nat: AHAHHAHAHA kumusta?

Rachel: Okay naman. Patapos na 'yong gown.

Cowardless LoveOnde histórias criam vida. Descubra agora