Cowardless 💚 Chapter 15

375 25 4
                                    


"Do you really want to go there?" Tanong ni Lauren habang abala siya sa pag-aapply ng make up at ako naman ay nakaupo lang sa kama habang pinagmamasdan siya.

"Hmm. Gusto ko silang kumustahin and gusto rin kitang ipakilala. Family ko pa rin naman sila." Napatango lang siya. Araw-araw ay ganito na ang set-up namin. Halos nandito siya kapag walang ginagawa sa opisina niya, dito na rin nga siya nagtatrabaho most of the time lalo na kapag day-off ko. Uuwi siya sa mansion nila kapag alas diyes ng gabi at babalik dito tuwing alas sais ng umaga. Aniya'y wala pa siyang naririnig tungkol sa foster parents niya at hindi niya alam kung nagsumbong ba 'yong pinsan na nakakita sa amin o hindi.

Ngayong araw, wala akong pasok kaya napagkasunduan naming bisitahin sina Mama. Wala na akong balita tungkol sa kanila kaya hindi ko alam kung kumusta na sila. Although pinadadalhan ko sila kahit papaano ay nag-aalala pa rin ako.

"Tara na." Napatayo siya at kinuha ang bag niya. As usual, sobrang porma na naman niya kaya napapailing na lang ako. Agaw atensyon masyado e, lalo na sa mga lalaki.

"Lauren,"

"Why?" Nagtatakang tanong niya kaya napangiti ako. Ilang beses ko na siyang sinubukang tawagin sa totoo niyang pangalan at nakakatuwang mas mabilis siyang magresponse. Siguradong masaya siya na hindi niya kailangang magpanggap bilang Rachel tuwing ako ang kasama niya

"Wala, tara." Hinawakan ko siya sa kamay at pinagsalikop ang mga daliri namin. Sa sobrang sweet namin sa isa't isa, napapraning ako. Napapaisip ako kung may hangganan ba 'to? Katulad ng bagyo, mas nakakatakot at mas distroso ito kapag kalmado ang panahon. Nahuli kami ng pinsan ni Lauren na nagmemake-out pero sobrang kalmado pa rin. Hindi ako natatakot sa kung anong mangyayari sa 'kin pero si Lauren ang inaalala ko. Natatakot ako sa kung anong pwedeng gawin nila sa kaniya.

"Anong iniisip mo?" Nabalik ako sa reyalidad at nakita siyang nakatitig sa akin sa salamin. Nakatigil ang sasakyan dahil nasa pedestrian lane pala kami. Nginitian ko na lang siya sakto namang nagsimula nang umandar ang mga sasakyan kaya hindi na siya muling umimik pa.

Tahimik kami buong biyahe hanggang sa matanaw ko na ang pamilyar na gate ng bahay namin. Sabay kaming bumaba ni Lauren.

Nagkatinginan ulit kami bago nagpasyang buksan ang gate, hindi pa rin sila nagbabago. Hindi pa rin marunong maglock ng gate. Bukas din ang main door kaya nakapasok kami agad. Unang bumungad ang sala na noon ay puno ng mga naipundar na components, TV at kung ano ano pa, ngayon ay wala na. Naiwan ang divider na walang laman kundi mga kalat.

"Ate?" gulat na napatayo si Angela. Nakaupo sa inilatag na banig ang anak niya na ngayon siguro'y nasa walong buwan na.

"Baby, magbless ka kay Tita." Aniya saka maagap na binuhat ang anak. Sa halip na magpamano ay hinalikan ko ito sa noo.

"Kumusta kayo?" Napakamot lang ang kapatid ko sa ulo bago napalingon sa katabi kong si Lauren.

"Sino siya?"

"Si Lau--Rachel." Napatango naman siya at bahagyang ngumiti kay Lauren. Nag-alok pa siya ng upuan na agad naman naming tinanggap.

"Kukuha lang ako ng maiinom niyo." Kinuha ko na lang sa kaniya si Angel. Mabuti na lang at sumama pa rin ito sa akin kahit papaano.

"What's her name?"

"Angel. 8 months old pa lang." Sigurado naman akong natatandaan niya ang lahat ng kwento ko tungkol sa mga kapatid ko.

"You and your sister Angela, pareho kayo ng ilong at mata. That must be why Angel looks like you rin." Napangiti ako sa sinabi niya. Titig na titig lang sa amin ang pamangkin ko na waring nakikinig sa pinag-uusapan. Gano'n siguro talaga ang mga bata, mahilig tumitig.

Cowardless LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon