Cowardless 💚 Chapter 31

360 21 1
                                    

"Tama lang 'yong ginawa mo." Naramdaman ko ang mahinang pagtapik ni Apple sa balikat ko. "Pwede naman maging kayo, pero hindi ngayon ang time na 'yon. Mas marami siyang dapat unahin, kayo." Nakangiti siya pero hindi ko masuklian 'yon. Masama ang loob ko sa naging pag-uusap namin ni Lauren noong nakaraang linggo.

Masyado akong hypocrite para sabihin ang mga nasabi ng gabing 'yon. Sa totoo lang, hindi naman 'yon ang totoong gusto kong mangyari pero alam naming pareho na hindi ito ang time para sa sariling pang kaligayahan. Lalo na ako, alam na alam ko kung gaano siya nahihirapan sa mga sariling problema. Ayokong dagdagan pa 'yon.

Napabuntong hininga si Apple, "Nakakahawa ang mood mo." Aniya na hindi ko na nagawang sagutin. Nagpakabusy na lang ako sa pag-aasikaso ng mga paper works. Gusto ko na lang magpakalunod sa trabaho para makalimutan ang sama ng loob.

Bago kami naghiwalay nang gabing 'yon ay sinabi niya sa akin ang plano niyang gawin. Aabisuhan niya ang mga Acosta tungkol sa annulment at ang rason ay ang physical abuse na natatanggap sa asawa. Matalino si Lauren kaya sobra akong nagulat nang malamang marami siyang medical records sa tuwing sasaktan ni George.

Hindi ko maiwasang maging proud. Lumalaban siyang mag-isa kahit noon pa. Paunti-unti pero nagagawa niyang lumaban para sa sarili niya.

May isang pabor din siyang hiningi sa akin, 'yon ay ang samahan siyang harapin ang totoo niyang pamilya. Hindi ako tumanggi dahil binabalot din ako ng sobrang pagkakuryuso sa kung anong klaseng mga tao ang pamilyang mahal na mahal niya.

Pinalipas ko ang buong araw na nakaupo sa mesa. Ni hindi ako nakaramdam ng uhaw o gutom. Hindi ko rin halos namalayan ang oras kung hindi dahil kay Apple.

"Awat na, bukas naman." Naiiling na wika niya kaya tumango na lang ako at nagsimulang iligpit ang mga gamit. "Mauuna na ako ah? Ingat ka."

"Ikaw rin." Tipid na sagot ko saka siya hinatid ng tingin. Sumunod din naman ako agad pagkatapos maayos ang mesa. Nagulat lang ako nang makita si Lauren.

Nakatayo siya sa labas at mukhang kanina pa siya nandoon. Agad ko siyang nilapitan.

"Gabi na, bakit napadaan ka rito?" Napaayos siya ng tayo saka ako tiningnan.

"Hi." Nakangiting bati niya. Napabuntong hininga na lang ako at saka napilitang ngumiti. Hindi ko pa rin talaga kayang tanggihan ang babaeng 'to.

"I was wondering if you already had dinner..."

"Hindi pa." Sagot ko dahilan para lumapad ang ngiti niya.

"Cool! Samahan mo ako. I already reserved a place. Masarap ang pagkain doon." Aniya saka mabilis na kumapit sa braso ko. Hindi na ako nakaangal pa nang hilain niya ako pasakay sa kotse niya.

Napapailing na lang ako habang inaayos ang seatbelt. Ang saya ng aura niya at nangangati akong magtanong kung may nangyari bang maganda sa kaniya. Bahagya pa siyang naghuhumm ng kanta habang nagmamaneho habang ako? Titig na titig lang sa kaniya.

Tumigil kami sa isang sosyaling restaurant. Nahiya pa nga akong pumasok kung hindi lang dahil sa kamay niyang nakakapit sa braso ko. Nakangiti niyang binati ang waiter na agad naman kaming iginiya sa table na pinareserve niya.

"Paano pala kung hindi ako sumama sa 'yo? Mag-isa ka bang kakain dito?"

Nakangiti siya nang napailing, "Nope." Aniya na idinidiin pa ang tono ng 'p'. "I am confident that you'll come with me."

"Lumalaki na ulo mo." Sabay na lang kaming natawa sa komento ko. Maya-maya lang ay isinerve na ang mga pagkaing pinili niya. Sobrang dami no'n at hindi ko nga alam kung kaya ba naming maubos ang mga 'yon.

Cowardless LoveWhere stories live. Discover now