Cowardless 💚 Chapter 12

388 32 7
                                    

Pasado alas dose ng tanghali na yata kami nagpasyang umahon sa tubig at sumilong sa isa sa mga cottage na nandoon. Hindi ko na kinakaya ang init sa balat at siguradong sunog sunod ako nito kinabukasan.

"You look like a tomato!" Halakhak niya saka naupo. Kinuha niya na rin ang jacket na aniya'y swim suit cover ang tawag. Aba ang arte naman kasi, required ba talagang may mga pangalan kahit damit?

"Ikaw rin, pulang pula ang mukha mo." Untag ko kaya napahawak siya sa pisngi at napasimangot. "Pero maganda ka pa rin."

"Bolera." Bulong niya atsaka sinuot ng shades na hawak. Napabuntong hininga na lang ako dahil para lang siyang nagmomodel ng bikini. Tinulungan ko na rin siyang bitbitin ang mga dinala niya. Nag-aya kasi siyang bumalik sa kwarto.

"Order na lang tayo. I'm too lazy to walk." Aniya saka pabagsak na naupo sa sofa.

"Ako na lang ang bibili--"

"Nah. Come here. Samahan mo ako. I didn't ask you to come just to buy me food." Napatikhim ako saka napakagat labi. Kinikilig na naman kasi ako taena.

Sa huli ay tumabi na lang ako sa kaniya. No'ng una ay pareho kaming walang imik. Pinakikiramdaman ko lang siya hanggang sa pagtawag niya sa telepono. Nahilo pa nga ako sa mga pagkaing binabanggit niya. Bukod sa ang dami no'n, hindi ako pamilyar kung ano ang mga 'yon.

Muli siyang naupo sa tabi ko. Uusog sana ako pero nagulat nang maramdaman ang pagdantay ng ulo niya sa balikat ko. Lalo akong natuod sa pwesto at hindi makagalaw sa takot na mahulog ang ulo niya.

"Nat,"

Napatikhim muna ako, "Hmm?"

"Birthday ko ngayon." Untag niya. Hindi ako nakasagot agad dahil sa gulat. I mean, buong akala ko September ang birthday niya eh February 14 ngayon.

"Nagulat ka siguro." Naupo siya nang maayos at hinarap ako. Titig na titig sa akin ang mga singkit niyang mata. "I'm actually born on February 14, 1993." Napaiwas siya ng tingin. "I. . . My. . . I'm Lauren. My name is Lauren."

Hindi ako makaimik sobrang gulat sa mga nalalaman at sinasabi niya. Alam kong sobrang dami kong hindi alam tungkol sa buhay niya pero sinong mag-aakalang may mas sosobra pa ro'n.

Walang umiimik sa amin, kung hindi lang tumunog ang bell sa labas baka napako na ako ro'n sa kinauupuan. Ako na ang nagpresintang kumuha ng pagkain na pinaorder niya. Halos hindi na nga 'yon magkasya sa mesa kaya kinailangan naming ilagay sa upuan ang iba.

Walang imik naming inayos ang mga pagkain. Nakuntento na lang ako sa maya't mayang pagsulyap sa kaniya. Sabay kaming kumain pero gano'n pa rin, walang nagsasalita. Gusto ko na ngang iumpog ang ulo dahil ang awkward ko. Ang sama ko. Ni hindi ko magawang magsalita sa takot na baka may masabing mali.

Napabuntong hininga na lang ako. Mas lalo lang akong nacurious sa kaniya. Pagkatapos kumain at maligo ay natulog siya kaya natulog na lang din ako pero this time ay sa sofa.

Nagising lang ako pasado alas singko dahil sa boses niya.

"Hey,"

"Ha? Ano 'yon? Kanina ka pa ba gising?" Tanong ko na pupungas pungas pa. Dali dali nga ako sa pagpunas ng mata. Nakakaconscious kasi talaga kapag ganito kaganda ang kasama.

"Do you want to go home already?"

"Ikaw?" Balik tanong ko saka iginala ang paningin sa paligid.

"I want to stay pa pero if you want to go home na, pwede naman." Aniya pero taliwas doon ang nakikita ko. Hindi naman sa assuming ako pero ramdam ko namang gusto niya akong kasama.

Cowardless LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon