Cowardless 💚 Chapter 20

319 17 0
                                    

Dalawang araw ang nakalipas mula nang magkasagutan kami ni Lauren at hanggang ngayon, wala siyang paramdam. Hindi ko alam kung dahil ba magulo pa rin ang isip niya o baka naman nakapagdecide na siyang iwan ako. Napupuno ng negative thoughts ang isip ko at ayoko no'n. Gusto kong magtiwala sa kaniya pero dahil sa mga nangyayari ngayon, pabawas nang pabawas ang tiwala ko sa kaniya.

Napabuntong hininga na lang ako atsaka siya tinawagan. Galit ako pero hindi ko naman siya kayang tiisin. Gusto ko pa rin siyang makausap nang maayos.

Pagkaraan ng ilang ring ay sinagot niya, "Hey." Agad na bungad niya kaya bahagya akong nakahinga ng maluwag.

"I miss you." Untag ko.

"Akala ko galit ka." Mahinang sagot niya. "I love you. Sorry, I just don't know how to approach you matapos ng ginawa ko. I feel like I don't deserve you."

"Bakit?"

"Can I come. . ." Aniya imbes na sagutin ang tanong ko. Napabuntong hininga na lang din ako.

"Hindi mo kailangang magpaalam, pwede kang pumunta rito kahit kailan."

"Talaga?" Nang marinig ko ang tono ng boses niya ay napangiti na lang ako. Para siyang bata na sabik mabigyan ng candy. Naiisip ko pa lang ang expression niya ay gusto ko na siyang pudpurin ng halik sa pisngi.

"Hmm."

"Then, wait for me." Saka niya pinatay ang tawag.

Napailing na lang ako. Hindi ko naman pala kailangang mag-isip ng kung ano, baka hindi lang talaga maganda ang mood niya noong nakaraang pag-uusap namin kaya gano'n. Ilang minuto ang lumipas bago ako nakarinig ng katok. Napangiti ako at agad 'yong binuksan.

"I miss you." Yakap niya ang bumungad sa akin. "Sorry last time."

"Okay lang. Sorry din, medyo napapraning lang ako." Untag ko saka siya iginiya sa sala. Napagdesisyunan naming manood ng movie doon habang magkayakap.

Kahit walang nagsasalita sa amin at pareho lang kaming nakatutok sa screen ng TV pero masaya na ako. Ang sarap sa feeling ng ganito. We stayed like that sa loob ng magdadalawang oras hanggang sa natapos ang movie.

Naramdaman ko ang pag-angat niya ng tingin sa akin, "Bakit?" Tanong ko nang maramdaman ang kamay niyang marahang humahaplos sa may tiyan ko.

"Pumayat ka." Saad niya saka sunod na hinaplos ang pisngi ko. "I'm sorry kung nagsisikreto ako sa 'yo. Ayoko lang na madagdagan ang mga nasa isip mo without knowing na mas lalo lang palang lumalala." Napabuntong hininga siya.

"They introduced me to their business partners' son." Napakunot noo ako at napabitaw sa yakap. Naupo ako nang maayos at saka siya matamang tiningnan. "Arranged marriage."

"Pumayag ka?"

"Of course not!" Napabangon din siya nang wala sa oras. "I declined kaya sila mas nagalit sa akin. They think na pinapahiya ko sila. Tinatambakan nila ako ng trabaho! They're so childish." Himutok niya na kulang na lang ay sabunutan ang sariling buhok.

"Kailan pa 'yon?"

"Last week but I swear I planned to tell you naman e."

"Ano nang mangyayari ngayon sa inyo?" Inaamin kong kabado ako. Hindi na lang ang mga Acosta ang kaagaw ko kundi ngayon, may involved ng lalaki. Taena. Sino ba naman ako para piliin ni Lauren?

"Wala. Ikaw ang mahal ko. Hindi kita igigive-up dahil lang doon." Nginitian niya ako nang bahagya, "Image lang naman nila ang importante sa kanila and as long as I can convinced them na hindi tayo magpapakita sa iba--"

"Wait, magiging secret relationship ang meron tayo, gano'n ba?"

"Nat, we don't have a choice."

"Wala ba talaga? Marami ka ng naipon, nakabili ka na rin ng lupain sa probinsya niyo na nakapangalan sa 'yo. Bakit hindi mo na lang bitiwan ang pagiging Acosta? Sabihin mo sa kanilang ayaw mo na. Nasa tamang edad ka na at hindi rin naman habang buhay hawak ka nila." Napahugot ako nang malalim na hininga matapos magsalita. Binabalot ng galit ang isip ko.

"Hindi naman gano'n kadali 'yon. They're powerful--"

"Gusto ka rin naman nilang dalhin sa States 'di ba? Ba't 'di mo gamiting dahilan 'yon? Sabihin mong babalik ka na sa probinsya mo at hindi na magpapakita pa sa kanila kahit kailan. Let people think na nasa States ka nga." Nakatitig lang siya sa 'kin.

Naihilamos ko na lang ang mga palad sa mukha. Tangina hindi ko na alam, hindi na yata gumagana nang maayos ang isip at bibig ko.

"Sorry. Hindi ko lang maintindihan. Wala naman silang pakialam sa 'yo e, they only think of you as a substitute to Rachel. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit ayaw ka nilang pakawalan na lang."

"Nat, sorry." Untag niya saka ako niyakap.

"Matulog na tayo," pag-iiba ko na lang sa usapan. "Dito ka ba matutulog?" Tango lang ang isinagot niya kaya hindi na ako muling umimik pa.

Masama ang loob ko nang pumunta sa kwarto at nahiga sa kama. Kahit anong pilit ko, hindi ko maintindihan ang rason ng mga Acosta. Wala ng sense. Maiintindihan ko pa sana kung sinabi nila harap-harapan na ayaw nilang mapunta sa akin si Rachel dahil nobody lang ako. Kaysa naman ganito. Taena wala silang sense. Walang sense ang pinaglalaban nila. Parang mga tanga.

Naramdaman ko ang paglubog ng kama sa kabilang parte senyales na nahiga na si Lauren.

"Sorry." Rinig kong bulong niya na hindi ko na sinagot pa. Nakatalikod lang ako sa kaniya buong gabi at kahit na maaga siyang umalis, hindi ako nag-abalang bumangon.

***

Nakwento ko na kay Apple ang lahat. Alam kong dapat sikreto ang tungkol sa totoong identity ni Lauren pero hindi ko na mapigilan. Wala akong mapagsabihan ng sama ng loob. May tiwala naman akong isisikreto iyon ni Apple dahil ilang taon na kaming magkaibigan at kilala ko siya.

Nagulat siya sa mga sinabi ko pero wala siyang ibang sinabi. Nakinig lang siya hanggang sa matapos akong magkwento. Halos hindi niya alam kung anong irereact at naiintindihan ko 'yon. Kahit sino naman siguro ay magugulat.

"Friend ang laki nitong secret na shinare mo sa 'kin, hindi ko matake." Aniya saka hinilot-hilot ang sentido. "Pero may punto ka naman. It doesn't make sense nga naman na gano'n ang turing nila kay Rachel--I mean Lauren pero ayaw nilang pakawalan. Like hindi naman nila ikamamatay kung malalaman ng iba na patay na pala 'yong totoong Rachel 'di ba? I mean. . ." Napabuntong hininga na lang siya at saka napailing. "Ay ewan ang gulo gulo!"

"Sorry. Hindi ko lang talaga alam kung anong dapat isipin. I should trust Lauren right?"

"Hindi ko alam girl pero baka naman naghihintay lang siya ng tiyempo para sa inyo?" Napaisip ako dahil doon. Siguradong kung mahirap sa akin ang sitwasyong 'to, mas nahihirapan siya. Siya ang ginigipit ng mga Acosta. Bigla tuloy akong nakonsensya sa mga inaakto ko.

"Iyon lang siguro ang kailangan niyo sa ngayon, magtiwala sa isa't isa at patience. Tandaan mo girl, may tamang panahon ang lahat ng bagay. Malay mo magdilang anghel 'yang foster parents niya at hayaan na lang kayo 'di ba?" Nagkibit balikat siya saka ako bahagyang tinapik sa braso. "Kaya niyo 'yan."

"Salamat." Nginitian ko siya. Ano na lang ang gagawin ko kung wala si Apple? Baka namatay na ako kaiisip sa mga walang kwentang bagay.

Nang araw ding 'yon ay nagtext ako kay Lauren. Nagsorry ako sa mga sinabi at nagpaalam na pupunta sa condo niya para doon kami makapag-usap. Gusto ko ring sabihin sa kaniya lahat ng worries ko at gusto kong ipaalam sa kaniya na sinabi ko kay Apple ang kwento naming dalawa.

Tama si Apple, kailangan kong magtiwala kay Lauren.

Cowardless LoveKde žijí příběhy. Začni objevovat