Cowardless 💚 Chapter 27

330 18 4
                                    

Ilang araw ang pinalipas ko pagkatapos niyang i-accept ang friend request na sinend ko. Nakuntento na lang ako sa pagstalk sa kaniya. Hindi ko na kailangan itanong kung kumusta siya dahil ebidensya ang lahat ng picture na nandoon. Nasa kaniya ang karangyaang gusto niya. May lalaki sa tabi niya at isa na siyang sikat na fashion designer sa Canada. Masyado ng perfect ang buhay niya no'ng nawala ako.

Hindi ko lang maintindihan kung bakit bigla siyang umuwi.

Dito na ba sila ulit titira?

Kahit anong pigil ko, umaasa pa rin akong magkikita kami at makakapag-usap. Kahit ilang taon yata ang lumipas, hihintayin ko kung ano mang explanation.

Ganito siguro ako katanga. Chinat ko pa nga siya kagabi.

Napasabunot na lang ako sa sarili. Hindi ko lang ulit inaasahang magrereply siya ngayon sa chat ko kagabi.

RACHEL V. ACOSTA
You're friends on Facebook.
TUE 9:38 PM

Say Hi to your new Facebook friend, Rachel.

Tan: Hi

11:12 PM

Rachel: Hello.
seen

Simpleng hello lang 'yon pero hindi magkamayaw ang puso ko sa katitibok. Kakawala na yata 'yon sa ribcage. Kailangan ko pang tumigil at ikalma ang sarili.

Fuck. Siya lang ang nakakapagparamdam sa 'kin nang ganito.

Gamit ang nanginginig na mga kamay, agad akong nagtipa ng mensahe.

RACHEL V. ACOSTA
You're friends on Facebook.
TUE 9:38 PM

Say Hi to your new Facebook friend, Rachel.

Tan: Hi

11:12 PM

Rachel: Hello.

Tan: How are you?

Rachel: Nat.
seen

Nabitawan ko ang cellphone at natutop ang bibig. Hindi ko inaasahan ang reply niyang 'yon. Three years at hindi pa rin siya nagbabago. Masyado pa rin siyang straightforward at mabilis makapick-up.

11:15 PM

Tan: Paano

Tan: Paano mo nalamang ako 'to?

Rachel: Obvious. You should've change your surname para hindi kita nakilala.

Rachel: And we have a mutual friend.

Rachel: Real account mo.

Tan: Sorry
seen

Hindi na siya nagreply pagkatapos no'n. Nakadeactivate ako sa loob ng tatlong taon. Iyon ay para maiwasan ang sarili na i-stalk siya. Kamakailangan ko lang din naisipang i-activate 'yon, no'ng gabing nagkita kami.

Gusto ko sanang itanong kung ba't gano'n? Kilala niya pa pala ako pero umakto siyang hindi ako kilala nang gabing 'yon.

Sa sobrang pagkafrustrate, chinat ko ulit siya. Hindi ko mapigilan ang sarili.

11:38 PM

Tan: Lauren, mag-usap naman tayo.

Tan: 3 years pero naghihintay pa rin ako ng explanation

Cowardless LoveWhere stories live. Discover now