PROLOGUE

19.9K 231 3
                                    


"Ele, sigurado ka na bang uuwi ka ngayon? We can still cancel the flight if you want." As if I want to cancel it. Gustong gusto ko ng umuwi nang pinas kaya. It's been two years simula noong lumisan ako kasama ni Chang para ipagamot siya at tupadin ang pangarap ko, but then pinili ko pa ring umuwi, nagbabakasakaling may uuwian pa ako.

"No. Continue packing my things. Hurry up, gustong gusto ko na talagang umuwi."

As I've said, 2 years ng nakalipas at alam kong maraming nagbago sa akin mula sa pananalita, pananamit, paggalaw at kung ano ano pang nagbago sa akin pero hindi nagbago ang nilalaman ng puso ko, siya pa rin... hanggang sa huli.

Tanging-tango lang ang ginawa niya at nagsimula muling mag ayos ng gamit ko.

I'm now a Super model. Portia Ele Del Gatilio also known as Ms. Ele, the Most Famous Super Model in state.

Natupad ko ang pangarap ko at hindi lang 'yon napagamot ko rin si Chang sa tulong ni Shane at sa pagpupursiging maging model dito sa america. Naging mabuti rin ang pamumuhay ko rito... mas mabuti kaysa sa pinas pero kahit na ganoon pipiliin ko pa ring umuwi. I don't know why but one thing for sure kung bakit ko gustong umuwi ay dahil may nararamdaman ako sa dibdib kong nawawala  and I know hindi bagay ang nawawala kundi sino ang nawawala.

"We're done here Ele, we can go now." Mabilis akong tumayo sa kinauupuan pero sa kamalas-malasan ay nasagi nang isang tagapag-ayos ng gamit ang juice na nasa gilid ko lang kaya natapunan ang puti kong damit. Kaagad naman itong nataranta.

"Hey, It's okay." Magalang kong sabi at ako na mismo ang nag-ayos nang nagusot at namansahang damit, mas lalo lang itong nataranta.

"Jisable, next time be careful lalo na't kasama natin si Miss. Ele." Kaagad akong napatingin sa assistant kong si Jayshie, at gitian ko lang siya.

Bumaling ako sa babaeng nag ngangalang Jisable, "No, It's really fine. You can go now." Saglit itong natulala sa akin at natatarantang yumuko at paulit ulit na humingi ng paumanhin.

"It's really okay, Jisable. Don't worry maliit na mansa lang ito." Napangiti naman ito sa sinabi ko. Ngitian ko lang din ito at binalingan ulit ng tingin ang assistant kong si Jayshie at tinanguan ito tanda na ayos na ang lahat. Tumango rin ito sa akin at nilapitan ako.

"Lets go." Tanging tango lang ang ginawa ko. kaagad akong naunang naglakad, nasa likod ko ngayon ang Manager kong si Lane at ang assistant kong si Jayshie at iba pang may dalang bagahi, laman ng mga gamit ko.

Maarte lang akong naglakad sa hallway. Lahat ng magagawian ko ay yumuyuko sa akin. Noong una, naaasiwa pa ako sa pagyuko nila pero ngayon ay parang nasanay na rin ako kahit kaunti.

Nang makita kong palabas na kami sa building ay kaagad kong inayos ang shade at black cap ko. Panigurado kasing may nakaabang na namang media sa kotse ko at hindi nga ako nagkakamali. Kaagad tumutok sa akin ang mga flash at kung ano ano pang ilaw, napailing iling na lang ako nang magsimula na silang magtanong, pero ni isang tanong ay hindi ko sinagot. Pahirapan pa akong nakapasok sa kotse kasama ang Manager at Assistant ko dahil sa dami nila.

"Are you okay, Ele?" I just nodded at binaling sa labas ang tingin. I crossed my legs at kinuha ang cellphone sa louis Vuitton bag ko at nagsimulang magtipa ng message para kay Shane. Hindi kasi ako nagpaalam sa kaniya tungkol sa pag-uwi ko rito sa pinas.

TO: SHANE
I'll go now.

A simple message pero alam kong makukuha niya kaagad ang ibig kong sabihin. Napangisi na lang ako nang maimagine ko na ang natatarantang mukha ni Shane. Tutol siya sa pag-uwi ko ng pinas pero wala na siyang magagawa ngayon dahil buong buo na ang desisyon ko.

The Billionaires MaidWhere stories live. Discover now